Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 3

Habang sumisindi ang makina ng sasakyan, humarap si James kay Hera. “Bago tayo magpunta sa Norburgh, may isang importanteng bagay ako na dapat sabihin s aiyo. Iaanunsyo ko sa lahat na opisyal kang inampon ng mga Everett.” Dito na napatingin si Hera kay James. Hindi nila ito napagusapan kanina sa tawag. Kahit na naging approachable ito kanina, naging malayo at tahimik na si Hera noong mga sandaling iyon. Hindi naging kumportable si James sa paningin nito. Napagtanto nito na magiging malayo ang loob ni Hera sa mga Everett ngayong hindi naman sila ang nagpalaki rito. Para mapawi ang kaniyang nararamdaman, buong pasensya siyang nagpaliwanag kay Hera. “Nakadepende ang mga Everett sa tulong na ibinibigay ng pamilya Gaskell para maging matagumpay ang aming mga negosyo.” “Kasalukuyan na ngayong engaged si Giselle kay Zyler Gaskell. Importante ang magiging kasal nilang dalawa sa interes at reputasyon ng ating mga pamilya kaya kailangan naming linawin ang mga bagay bagay sa iyo.” Mabilis namang naintindihan ni Hera ang lahat. Nagaala ang mga Everett na baka malaman ng mga Gaskell ang pagpapalaki ng isang mahirap na pamilya sa kaniya na siyang sisira sa engagement ni Giselle at Zyler. “Oh,” Walang pakialam na isinagot ni Hera. Kinuha nito ang phone sa kaniyang bag bago siya matalo sa isang game, wala siyang kahit na anong pakialam sa kanilang pinagusapan. Gumaan dito ang pakiramdam ni James. Naisip niya na magiging madali para sa kaniya ang paghandle sa mga taong pinalaki sa hirap. Kung hindi nagpumilit si Lilith na iuwi si Hera at kung hindi concern si James sa pagkasira ng reputasyon ng kanilang pamilya sa sandaling malaman ng lahat ang tunay na pagkakakilanlan ni Hera, hinding hindi niya ito isasama para gawing miyembro ng kanilang pamilya. Sumandal si Hera sa upuan ng sasakyan habang nakafocus sa kaniyang phone. Mabilis na gumalaw ang kaniyang mga daliri sa screen. Nakasimangot namang napatingin si James sa screen. Mas tumindi ang kaniyang pagkadismaya nang makita niyang nalalaro lang ito ng isang basic na matching game. Dito na tuluyang nawala ang lahat ng kaniyang pagasa para kay Hera. Nagsimula na rin siyang magsisi na dalhin ito sa tahanan ng mga Everett. Masyadong walang galang at walang ambisyon si Hera. Nagalala si James na baka ipahiya lang nito ang mga Everett sa sandaling makita silang magkasama ng publiko. Hindi aware si James na mahilig si Hera sa Flip-and-Match. Isa itong laro na binubuo ng 99 na mga magkakatulad na icon na nakakalat sa screen. Bahagya nitong ipinapakita ang mga icon bago nito takpan ang mga imahe. Kailangang dumepende ni Hera sa kaniyang memorya para mapagtugma tugma ang mga larawan. Sa round na ito, nagawa niyang kabisaduhin ang mga icon sa loob lamang ng sampung segundo at matapos ang level sa loob ng 48 segundo nang may 1% na error rate. Pero hindi siya nakuntento sa kaniyang bilis kaya muli niyang nirestart ang level para tapusin itong muli. Nang makarating ang sasakyan sa airport, sumakay ang dalawa sa eroplano na lumapag sa Norburgh Airport pagkalipas ng dalawang oras. Maliban sa mga meal breaks, ginugol ni Hera ang buong biyahe sa pagtapos sa iisang level ng larong iyon. At sa wakas, nagkaroon na rin siya ng bagong personal record—inabot lamang siya ng tatlong segundo para makabisado ang mga larawan at 27 segundo para matapos ang level nang may 0% na error rate. Dito na nagvibrate ang phone ni Hera nang magnotify ang kaniyang WhatsApp application. Piglet: “Hoy Raven, hindi ka ba talaga interesadong tumanggap ng mga trabaho? Mayroong nagooffer ng trabaho na may bayad na mas mataas ng tatlong beses kaysa sa pangkaraniwan! Hindi ka ba interesado rito? Triple ang kikitain mo rito!” Naiirita namang pinatunog ni Hera ang kaniyang dila. Raven: "Hindi." Piglet: “Kahit na umabot pa ng milyon ang deal? Ano ba ang nangyayari sa iyo?” Raven: “Nagpapahinga pa ako.” Piglet: “Kailan ka ba babalik? Kailangan ko na itong sagutin.” Raven: “Depende kung kailan ko gustuhin.” Piglet: “Napakaisip bata mo talaga!” Naisip ni James na isa lang tipikal na teenager si Hera na nakadikit sa internet habang nakafocus naman si Giselle sa kaniyang workbook habang nasa flight. Nakita ni James na magkaibang magkaiba ang dalawa. Dito na siya nakumbinsi na mas makabubuti ang pagtatago sa tunay na pagkatao ni Hera bilang tunay na miyembro ng mga Everett para makaiwas sa anumang uri ng kahihiyan ang kanilang pamilya. … Sa loob ng isang mahirap na barrio, nagpapatuyo si Catherine ng mga herb sa kaniyang bakuran nang makita niya ang dalawang lalaking nakasuot ng camouflage na uniform na papalapit sa kaniya. Nasa harapan ng mga lalaki si Bernard. Kapansin pansin ang matangkad at matipuno nitong katawan at ang mukha nito na para bang inukit ng isang mahusay na manlililok. Makikita sa kanang dibdib nito ang sariwa niyang sugat. Mabuti na lang at nagamot na ito. Sinundan si Bernard ni Aaron Ludden na nagpakita ng bata at boyish na itsura. Habang tinatabi ang mga hawak niyang herb, nagtanong si Catherine sa dalawa. “Kailangan niyo ba ng tulong medikal o mga gamot?” “Mayroon kaming hinahanap na tao.” Sagot ni Bernard bago niya kunin ang isang duguang damit sa kaniyang bulsa. Nagpakita ng pagiingat ang mukha ni Catherine nang suriin niya ang damit. Katulad ang tahi nito ng kaniyang estilo na nagpaalala sa kaniya sa nangyari kay Hera kaninang umaga noong bumalik ito sa kaniyang bahay. Tiningnan niya ang mantsa ng dugo sa dibdib ni Bernard bago siya magtanong ng, “Sino po kayo?” Napansin ni Bernard ang pagbabago sa itsura ni Catherine kaya dahan dahan itong nagpaliwanag ng, “Mga special forces kami na nasa gitna ng isang secret mission sa bansa. Tinulungan kami ng isang dalaga na makahuli ng mga kriminal at nagawa niya rin akong iligtas. “Kailangan namin siyang isama para makapagbigay ng official statement sa nangyari at gusto ko rin siyang pasalamatan sa personal.” “Oh, kaya pala, pero nahuli na kayo.” Nagrerelax na sagot ni Catherine. “Umalis na ito dalawang oras na ang nakalilipas at hindi na ito babalik pa.” Nakasimangot namang nagtanong si Bernard ng, “Saan siya nagpunta?” Isang sandali siyang natigilan sa pagsasalita bago sumagot si Catherine ng, “Nagpunta siya sa tahanan ng mga Everett sa Norburgh.” “Sige, salamat.” Dito na tumalikod si Bernard para umalis. Nakahabol si Aaron kay Bernard bago ito nakangising nagsabi ng, “Matagal ka na po bang nahiwalay sa unit, Boss? O nagkaroon ka na ng amnesia? Kailan pa tayo nanghingi ng statement pagkatapos ng isang misyon?” “Ngayon lang.” sagot ni Bernard. Natigilan dito si Aaron. Ibinigay ni Bernard kay Aaron ang damit na may mantsa ng dugo bago nito sabihing, “Labhan mo iyan bago mo iyan ibalik sa akin bukas kasama ng address ng taong nagmamayari nito.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.