Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1

Huling bahagi na ng Agosto sa loobang bahagi ng mga bundok kung saan nagkakilala sina Jadonia at Valdenland. Isang dalagang may suot na maruming dress at isang matandang babae ang nakatayo sa harapan ng isang walang pangalang puntod. Ipinanganak ang dalagang si Hera Youngworth sa pamilya Everett ng Norburgh. Pero napunta siya sa maling pamilya nang dahil sa isang pagkakamali na nangyari sa ospital 17 taon na ang nakalilipas. Isang linggo pa lang ang nakalilipas mula noong natunton siya ng pamilya Everett. Ngayon ang araw ng kaniyang papunta sa siyudad. Nilipat ni Catherine Youngworth ang kaniyang tingin mula sa puntod papunta kay Hera. “Magsimula na tayong bumaba. Malapit nang dumating ang mga Everett. Kikilalanin ka na bilang isang Everett pagpasok mo sa siyudad. Ito na ang tamang oras para iwanan ang iyong nakaraan sa bundok na ito.” “Sige po, Lola. Mauna na po kayo. Magpapaiwan po muna ako ng sandali rito,” sagot ni Hera. Nagbigay si Catherine ng huling tingin sa puntod bago ito nagbubuntong hininga na sumasagot ng, “Huwag mo sila masyadong paghintayin.” Tumayo nang magisa si Hera habang tahimik nitong tinitingnan ang puntod na walang pangalan. Nang bigla siyang makarinig ng nagmamadaling tunog sa kakahuyan na nasa kaniyang likuran kaya agad siyang napatingin dito. Mayroong bagay na humahawi sa mga puno papunta sa kaniya. Habang mangat siyang tumatalikod, tumama sa mahahaba niyang mga pilikmata sa sinig ng araw nang dali daling lumabas ang isang imahe na nakasuot ng camouflage mula sa kakahuyan, nagpakalat ito ng matapang na amoy ng dugo sa hangin. Mapapansin ang camouflage na makeup sa mukha ng matangkad na lalaki na nagpahirap kay Hera na makita ang tunay nitong itsura nang mapansin niya ang isang flag sa kanan nitong braso. Samantala, nakarinig pa rin si Hera ng tunog sa kakahuyan na nasa likuran ng lalaki. Hindi inasahan ni Bernard Killian na makakakita siya ng tao sa abandonadong mga bundok na ito kaya agad siyang sumigaw para bigyan ng babala si Hera. “Mapanganib dito. Dapat ka nang umalis!” Dahil ubos na ang enerhiya sa kaniyang katawan, iika ika itong naglakad bago siya tuluyang bumagsak sa harapan ni Hera. Hindi siya gumalaw sa lupa habang kumakalat ang kaniyang dugo sa damuhan na kaniyang binagsakan. Napasimangot naman dito si Hera. Masyadong matapang ang amoy ng dugo na nagbigay sa kaniya ng ideya na nawalan ng malay si Bernard nang dahil sa maraming dugo na nawala sa kaniyang katawan. Siguradong hindi na ito tatagal pa nang buhay kung hindi niya mapipigilan ang pagkawala ng dugo sa katawan nito. Nang biglang nagpakita ang dalawang mga lalaking nakasuot ng camouflage na suit mula sa kakahuyan. Ang unang lalaki na nakilala sa pangalang Edwin Elrod ay kapansin pansing may kulot na buhok habang nagsasalita ito ng Terranish, “Mayroong babae roon!” Nagkaroon naman ng crew cut na buhok at makapal na mga labi ang ikalawang lalaki na nakilala sa pangalang Albert Barlowe. Tumingin ito kay Hera bago niya sabihing, “Isama natin ang isang ito.” Mukhang matagal nang hindi nakakakita ng babae si Albert kaya agad na nagpakita ng pagkauhaw ang kaniyang mga mata nang makita niya si Hera. Kumabog ng malakas ang puso ni Hera. 11 taon na asiyang naninirahan sa border kaya alam niya ang mga panganib sa paligid nito, pero ngayon lang niya nagawang mapasok sa ganitong sitwasyon. Sa kabila ng kaniyang pagkabahala, tahimik niyang pinasalamatan ang mga bituin dahil nagawa nang makababa ni Catherine bago pa dumating ang mga lalaki. Kalmado niyang tiningnan ang mga sandata na hawak ng mga lalaki at ang Terranish na wikang ginagamit ng mga ito. “Huwag niyo po akong saktan. Isa lang po akong sibilyang nakatira rito.” Umabante naman si Albert bago nito gamitin ang barrel ng kaniyang baril para itaas ang baba ni Hera. Maganda at malambot ang mukha nito kaya siguradong magiging masarap at magaan sa pakiramdam ang paghawak ng kaniyang mga kamay dito. Binasa niya ang kaniyang mga labi bago niya nakangiting sabihin na, “Miss, marunong ka rin palang magsalita ng Terranish. Sumama ka sa amin at dadahilhin kita saan mo man gustong magpunta. Bibigyan kita ng magandang buhay.” Tumitig naman si Hera sa barrel ng baril nito habang humihigpit sa takot ang kaniyang lalamunan. “Sige, pero huwag niyo po akong sasaktan. Gagawin ko po ang lahat ng sasabihin ninyo. Magiimpake lang po ako bago ako sumama sa inyo.” Mas pinaangat lang ng masunuring sagot ni Hera ang madidilim na balak ni Albert. Malisyoso itong ngumisi habang sinasabi na, “Ngayong masunurin ka naman pala, simulan mo na sa pagpapasaya sa akin!” Sumali naman si Edwin sa usapan gamit ang nakakacringe nitong tawa. Ibinaba ni Albert ang kaniyang sandata para kunin ang kanang kamay ni Hera na kaniyang hinatak papunta sa kaniya. Pero kasing bilis ng kidlat na dinala ni Hera ang kaniyang kamay sa masikip niyang dress na nagpakita sa isang silver na karayom sa gitna ng kaniyang mga daliri. Itinusok niya ito sa ST 9 Acupuncture point ni Albert. Natigilan naman dito si Albert. Bumaba ang kaniyang ulo para makita ang nanlalamig na tingin ni Hera. Nawala na ang takot na nagpakita sa mga mata nito kanina. Nakaramdam ng problema si Edwin kaya agad siyang napamura sa kaniyang sarili. Itinutok niya ang kaniyang baril kay Hera pero nagdalawang isip pa rin siyang magpaputok sa takot na baka tamaan niya si Albert. Nang mawalan ng malay si Albert, hinawi ni Hera ang katawan nito papunta sa tabi bago siya dali daling nagpagulong gulong sa puntod habang dumadampot ng puting pulbos mula sa basket na kaniyang ibinato kay Edwin. Nagmamadaling nagreload ng kaniyang baril si Edwin pero huli na ang lahat. Nabalot na ng pulbos ang hangin na kaniyang nalanghap. Dito na lumabo ang kaniyang paningin habang namamanhid ang kaniyang pakiramdam. Nawalan siya ng malay pagkatapos lamang ng ilang sandali gaya ni Albert. Si Hera mismo ang naghalo sa pulbos na kaniyang ibinato na kaniyang ginawa para mapalayo ang mga ligaw na hayop. Siguradong makakatulog ng hindi bababa sa isang oras ang dalawa nang walang antidote. Tumayo si Hera para tumingin pababa nang mapansin niya na namantsahan at napunit sa mga bato ang dress na tinahi ni Catherine para sa kaniya. Napasimangot na lang siya habang nakakaramdam siya ng pagsisisi sa kaniyang sarili. Dito na siya lumapit para tingnan ang mga sugat ni Bernard. Tinamaan ito ng bala sa kanan niyang shoulder blade na dinaluyan ng dugo mula sa kaniyang katawan. Inalis ni Hera ang kumplikadong camouflage uniform na suot ni Bernard bago niya itaas ang slit ng kaniyang dress. Makikita sa gilid nito ang isang row ng mga nakahilerang mga karayom na may iba’t ibang mga haba at kapal. Kumuha siya ng ilan sa mga ito na dahan dahan niyang ipinantusok sa mga acupuncture point ni Bernard na nakatulong sa pagpapatigil ng pagdurugo ng kaniyang sugat. At pagkatapos ay agad siyang pumunit ng isang hibla sa kaniyang dress para ipangbandage sa sugat ni Bernard. Sa kasamaang palad, hindi niya magagawang alisin ang bala sa mga sandaling iyon. Habang dahan dahang nagigising si Bernard, nakaramdam ito ng pamamanhid sa kanan niyang braso. Nakakaramdam pa rin siya ng kaunting pagkahilo pero agad siyang nagising nang maramdaman niya ang kamay ng isang tao sa kaniyang dibdib. Katatapos tapos lang ibalot ni Hera ang bandage sa sugat ni Bernard nang hawakan nito ang kaniyang wrist. “Huwag kang magalala, ginagamot ko lang ang sugat mo.” Siguro sa kaniya ni Hera. Dito na tuluyang nakita ni Bernard ang mukha ni Hera. Nasusurpresa itong napatanong ng, “C-Cecily?” Nagulat sa kaniyang narinig si Hera. Tiningnan niya ang mukha ni Bernard na balot ng camo paint. At pagkatapos ay agad niyang inilayo ang kaniyang sarili kay Bernard. Kilala lamang ang pangalan niyang Cecily sa pamilya Killian kaya naisip ni Hera na maaaring isa sa mga miyembro ng pamilya Killian ang tao na nakatayo sa kaniyang harapan.
Previous Chapter
1/100Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.