Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 7 Hinihintay Siyang Matapos sa Trabaho

Sadyang ginugol ni Yvonne ang kanyang buong hapon sa opisina. Nang matapos niya ang lahat ng trabahong nasa kamay niya, alas tres pa lang ng hapon. Marami pang oras bago matapos ang arawang trabaho. Nang makita na wala talagang ibang paraan para ipagpaliban pa ang ‘di maiiwasan, wala na siyang ibang magawa kundi ang maglakas loob na kunin ang telephone receiver, pagkatapos ay i-dial ang opisina ng CEO. Matapos mapromote sa posisyon na personal secretary, binigyan si Yvonne ng sariling opisina sa tabi ng opisina ng CEO. Kanya lamang ang buong kwarto. Ang tawag ay mabilis na nasagott, at agad siyang nanigas. “M-Mr. Lancaster? Ako to…" "Ipaghanda mo ako ng isangr eport ng lahat ng projects na tinanggap ng kumpanya sa nakaraang taon tapos dalhin mo ‘to sa akin bago matapos ang araw." Ang malamig na boses ng lalaki ay dumating sa pamamagitan ng receiver at hindi siya pinansin. "Lahat ng projects?" Nanlaki ang mga mata ni Yvonne. Gawain ba yun para sa isang tao lang?! "May iba ka pa bang tanong?" malamig na tanong ng lalaki. "Wa-wala na." Pinisil ni Yvonne ang receiver sa kanyang kamay. May iba pa ba siyang masasabi? Siya ang unang nakaoffend kay Henry kaya wala siyang masisisi na kahit sino. Matapos ang pagbaba ng tawag, siya ay sumimangot. Lahat ng mga proyekto... Mukhang hindi siya makakaalis sa trabaho ng maaga ngayon. ...... Nagpatuloy siya sa pagtatrabaho hanggang gabi nang hindi man lang nagpapahinga at natapos niya ang report pagsapit nga alas 9 ng gabi. Inunat ni Yvonne ang kanyang likuran, pagkatapos ay mabilis na tinipon ang mga dokumento at inihatid sa opisina ng CEO. Ang iba pang mga empleyado ay matagal nang nawala sa opisina. "Wow. Ako lang ang nag-overtime. Hmph." Bulong niya sa sarili at iniwan ang mga dokumento sa mesa ng CEO bago bumalik sa kanyang opisina para isara ang computer. Dinampot niya ang kanyang handbag, at pagkatapos ay naglakad palabas ng building. Ang mga kalye ay wala halos laman sa gabi. Hinimas niya ang kanyang masakit na baywang habang inilalabas ang kanyang telepono para mag-book ng taxi. Matapos maghintay ng halos dalawampung minuto, walang tumanggap ng kanyang booking. "Hay ang malas naman!" Siya ay naiinis na, pero wala siyang ibang choice kundi maghintay sa pinakamalapit na bus stop. Dalawang hakbang lang ang kanyang nagawa nang halos mabulag siya ng isang nakasisilaw na ilaw. Paglingon niya, napansin niya ang isang itim na kotse. Tumigil ang kotse sa tabi niya at ibinaba ng driver ang bintana. Nakasimangot si Henry sa babae at hindi makapaniwala na nag-overtime siya hanggang sa ganitong oras. Kahit na siya ang nagbigay ng utos in the first place. Lalo namang nagulat si Yvonne na hinintay siya nito hanggang ngayon ... "Pasok." Ayaw nang pag-usapan ito ni Henry. "Ba-bakit andito ka pa?" Nanlaki ang mga mata ni Yvonne. Hindi ba't ang lalaking ito ay umalis na sa trabaho kanina pa? Bakit nandito pa siya? Hindi kaya't hinihintay siya nito buong gabi? "Huwag mo nang ipaulit pa sa’kin. Pasok na." Naiinip siyang tumapik sa manibela, hindi pinaplano na mag-aksaya ng anumang oras sa kanya. "Si-Sige." Ang nag-uutos na tono ni Henry ay bumulaga sa kanya sa katahimikan at dali-dali siyang pumasok at naupos sa passenger seat. “Pasensya na sa abala. Kung wala ka, kakailanganin ko pa maghintay para sa bus." Hindi pinansin ni Henry ang kanyang mga sinabi. "Mag-seatbelt ka." "Oo." Mabilis na tumango si Yvonne. Ang lalaking pinapangarap niya ay hindi lamang naging asawa niya, pero handa din siyang hintayin na makaalis sa trabaho at maiuwi. Ang bagay na hindi niya kailan man pinangahas na pangarapin sa nakaraan ay nangyari. Natupad ba ang panaginip na ito? Kinuyom ni Yvonne ang kanyang mga kamay at hindi man lang naglakas-loob na huminga ng malalim sa takot na magising siya mula sa napakagandang panaginip na ito. Ang kotse ay naglakbay sa isang katamtamang bilis at ang heater ay nakabukas. Bigla na lang, naging hindi komportable ang pakiramdam ni Yvonne. Mabilis na namumutla ang kanyang mala-rosas na mukha habang ang malamig na pawis ay nagsimulang mamuo sa kanyang makinis na noo. Si Henry, na nakaupo sa tabi niya, ay mabilis na napagtanto na may mali at itinabi ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Anong problema?" "Okay lang ako, baka gastric issue lang ‘to." Mahinang pinindot niya ang tiyan. "Magiging maayos din ako pagkatapos kumain at uminom ng gamot." Ang kanyang gastric problem ay hindi na bago at paminsan-minsan ay guguluhin siya nito. Gayunpaman, nakasanayan na niya ito mula pa noong una. Habang nagsasalita, sa paglala ng sakit sa tiyan niya ay bahagya siyang napayuko paharap at namimilipit para kahit paano ay bawasan ang sakit. "Patingnan natin sa ospital," Sumimangot si Henry sa kanya. Mabilis na umikot ang sasakyan. Si Yvonne ay nakapilipit lamang sa upuan ng kotse mula sa sakit. Sa pagtingin sa nag-aalala na ekspresyon ng mukha ng gwapong lalaki, may naramdaman siyang tamis sa kanyang puso. Kung ang lalaking ito ay nasa tabi niya, ano ang dapat niyang ikatakot?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.