Kabanata 75 Injured Siya
Lumitaw ang ugat sa sintido ni Henry dahil sa tanong ng babae. Lalong naging mas mariin ang tono nito, “Kumapit kang mabuti kung ayaw mong masaktan!”
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Yvonne nang marinig ito at mahigpit nang niyakap ang lalaki.
Hindi naman siya takot masaktan.
Natatakot lang siya na mahiwalay kay Henry habang pababa sila ng bundok.
Habang patuloy silang gumugulong pababa, unti-unting napagtanto ni Yvonne ang isang malaking problema.
Hindi na kasing lawak, patag, at malinis ang dinaraanan nila gaya noong una. Sa halip, pakipot ito nang pakipot. Bukod sa nakakakita na siya ng puno, marami rin mga bato na iba’t iba ang laki!
Para itong karerahan!
Gumugulong sila sa isang obstacle course!
Napagtanto rin siguro ito ni Henry dahil hindi na maipinta ang mukha nito.
Noong una ay inakala niyang sa ordinaryong ski trail lang sila gugulong pababa.
Pero ngayon nasa obstacle course na sila, at damang-dama nila ang pagkakaiba nito.
“Henry...” Takot na takot si
Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link