Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2 Inabandona sa Isang Bahay sa loob ng Tatlong Taon

"Ayaw mo bang bumalik ako?" Nilagpasan niya ang babaeng nasa harapan niya at naupo sa sofa. "Sye-Syempre hindi!" Mariing ngumiti si Yvonne. "Nagulat lang ako kasi...bigla kang bumalik ng walang pasabi..." Sa nagdaang tatlong taon, may panahon na inaasahan niya ang kanyang pagbabalik araw at gabi. Matapos ang hindi mabilang na pagkabigo, unti-unting siyang tumigil na umasa. Pero ngayon, bumalik siya nang walang pasabi! Hindi lang iyon, pero ginawa nila ang ganoong uri ng bagay. Ano kaya ang magiging reaksyon niya rito?! Naninigas si Yvonne habang maingat siyang lumapit para umupo sa tapat ng lalaki, sinusubukang masanay sa pagiging asawa ulit. Gayunpaman, hindi siya tiningnan ng lalaki at biglang sinabi, "Dito ako titira mula ngayon." "Ano…?!" Nasamid at umubo si Yvonne hanggang mamula ang mukha nito at hindi siya makapaniwalang nakatingin sa lalaki. Si Henry naman ay may hindi kanais-nais na ekspresyon. Agad tinakpan ni Yvonne ang ang kanyang bibig. Maya-maya, hindi niya napigilan ang magtanong, "Ba-Bakit mo biglang naisipang bumalik?" "Hmm?" Lalong sumimangot si Henry. Kung tama ang pagkaka-alala niya, siya ang may-ari ng villa na ito at ang babaeng nakaupo sa tapat niya ay ang kanyang ligal na asawa. At sa ngayon, nagtatanong ang asawa niya kung bakit gusto niyang tumira kasama nito? Bukod dito, napagkamalan din siya nito na para bang sa isang magnanakaw na pumasok sa bahay kagabi? Ang mukha ni Henry ay lumubog habang inilalagay niya ang baso ng alak, nawawalan ng interes na ipagpatuloy ang nakakalokong pag-uusap. Tumayo siya, pagkatapos ay sinabi, “Naghanda si Sue ng agahan bago siya lumabas. Dadalhin kita sa trabaho pagkatapos mong kumain." "Si-Sige ..." Nanginig si Yvonne. Kung hindi dahil sa kakila-kilabot na aura ng lalaki, tatanungin niya ito kung may sakit siya. Pagkatapos ng lahat, siya ang nag-iwan sa kanya sa villa na ito sa nagdaang tatlong taon at hindi kailanman pinansin. Tapos ngayon, hindi lamang niya gustong tumira dito pero gusto din niyang isama si Yvonne sa trabaho. Wala bang mali sa kanya? O baka napansin din sa wakas ni Cupid na buhay pa si Yvonne? "Umm...magiging mahirap ba iyon?" Maingat niyang pinisil ang mga kamay. Dahil sa kanilang relasyon, hindi ba't hindi angkop para sa kanya na magpunta sa trabaho sakay sa kanyang kotse ni Henry sa unang araw? “May karapatan kang tumanggi. Hindi kita pinipilit." Isang malamig na sulyap ang tingin sa kanya ni Henry. Mabilis na tumayo si Yvonne sa takot. "Hindi hindi hindi! Hindi iyon yung ibig kong sabihin! Nagtatanong lang. Uhmmm. Bigyan mo ako ng isang minuto magbibihis agad ako!" Pinanood ni Henry si Yvonne na nagmamadaling umakyat, pagkatapos ay mabilis na bumaba habang hinihingal. Nang hindi naghihintay na magsalita siya, isinubo niya ang tinapay sa hapag kainan sa kanyang bibig at kinain ang lahat nang mabilis hangga't makakaya niya. Sa sandaling ito, hindi siya naglakas-loob na salungatin ang lalaking ito! Matapos halos mabulunan niya ang sarili sa kanyang agahan, kinuha niya ang kanyang handbag, isinuot ang kanyang mataas na takong, at pagkatapos ay sumakay sa kotse na naka-park sa garahe kasama si Henry. Naupo siya sa passenger seat at sinara ang pinto. Ang amoy ng cologne ng lalaki ay umusbong sa dulo ng kanyang ilong at tila naantig ang puso niya. Bahagyang namula si Yvonne nang muling sumulpot sa kanyang isipan ang mga alaala ng kagabi. Mas mabilis ang pintig ng kanyang puso at hindi siya naglakas-loob na magsalita. Sa buong paglalakbay, hindi nag-abala si Henry na kausapin siya. Tumagal ng kalahating oras ang pagmamaneho mula sa kanilang villa patungo sa lungsod. Ang mga modernong commerical building sa malayo ay nagsimulang magpakita. Itinaas ni Yvonne ang kanyang ulo at tumingin sa bintana, pagkatapos ay itinuro ang intersection sa unahan nila. “Ibaba mo lang ako diyan. ‘Yung pinagtatrabahuhan ko nandiyan lang. " Hindi niya gusto na tumigil ang marangyang kotse na ito sa entrance ng kanyang pinagtatrabahuhan at makatawag pansin pa mula sa kanyang mga kasamahan. "Dito?" Bahagyang nakasimangot si Henry at pinahinto ang sasakyan sa intersection na hiniling niya. "Salamat sa pag-aabala na ihatid ako sa trabaho ngayon." Hinubad ni Yvonne ang seat belt at akmang bababa sa sasakyan. "Teka lang." Biglang pinigilan siya ng lalaking nasa tabi niya. "Ano ‘yun?" Huminto sa paggalaw si Yvonne at sinalubong ang malamig na tingin ng lalaki. Wala siyang ideya kung ano ang iniisip nito, pero ang kanyang mga kilay ay mahigpit na pinagtagpi. Di kaya...napagtanto ng lalaking ‘to ang pang-eetsapuwera niya kay Yvonne sa loob ng tatlong taon at gagamitin ang pagkakataong ito para humingi ng tawad sa kanya?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.