Kabanata 26 Suot Ang Ilang Daang Libo
Hindi pinansin ni Henry ang tanong ni Yvonne at nakapamulsa lang na naglakad palayo.
Ngumuso si Yvonne at yumuko na lang na sumunod sa lalaki.
“Yo, nakabalik na ang magiting na mandirigmang niligtas ang kanyang prinsesa!” Ibinaba ni Shane ang kanyang cellphone at inasar si Henry nang makitang bumalik ito kasama si Yvonne.
Nagpunta sa sofa si Henry at naupo nang hindi tinitingnan si Shane.
Hindi naman natinag si Shane sa hindi pagpansin sa kanya ni Henry. Ngumiti ito at kinawayan si Yvonne. “Nagkita na naman tayo, sis-in-law!”
Bahagyang tumango si Yvonne sa kanya. “Hello.”
“Anong nangyari sa’yo?” Tanong ni Shane kahit kitang-kita naman nito ang kalagayan niya.
“Ah…” Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito dahil bahagya siyang nahihiya sa nangyari.
Hindi naman niya pwedeng basta na lang ikwento sa ibang tao na pinagtulungan siya.
Nakakahiya masyado.
Tinuro ni Henry ang pinto at sinabihan si Shane, “Labas na!”
“Sige na, aalis na ko. Maiwan ko na kayong mga lovebir
Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link