Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 11 Paghabol sa Magnanakaw

Sa gate ng ospital ... Ipinarada ni Henry ang kanyang sasakyan sa harap ng pasukan ng ospital at tinignan ang oras. Sakto lang ang dating niya para maabutan si Yvonne na makalabas mula sa ospital. Binuksan niya ang pinto ng kotse para bumaba at naglakad patungo sa gusali ng ospital. Sa di masabing dahilan, patuloy niyang iniisip ang pagka-discharge ni Yvonne at hindi siya mapakali maliban kung siya ay personal na titingin. Matapos ang mahabang paghihintay, hindi pa rin bumababa si Sue. Dito niya simulang napagtanto na may mali at nagpunta na siya sa ward para i-check ang sitwasyon nila. Pagdating niya sa inpatient departament, isang babaeng may edad ang humarang sa kanya. Sa masusing pagtingin, ang babae ay mukhang pamilyar. "May maitutulong ba ako sa’yo, ma’am?" "Henry, ako ito! Nakalimutan mo na ako? Ako ang mama ni Yvonne!" "Ah! Kayo pala." Tumingin pa muli si Henry sa kanya at hindi malinaw na naalala ang taong ito. "Mrs. Frey, nandito ka ba para sunduin si Yvonne?" tanong niya bilang respeto. “Ah, oo. Haha. Pwedeng ganun." Ang ina ni Yvonne ay kumikilos nang kakaiba tulad ng lagi niyang ginagawa. Hindi man lang siya naglakas-loob na salubungin ang tingin ni Henry. Sumimangot si Henry, hindi matanggal ang pakiramdam niya na may sinusubukan itong itago. "Nasaan si Yvonne, Mrs. Frey?" "Ayun na nga, sobrang nalulungkot ako! Ninakawan si Yvonne nang mag-withdraw siya ng pera ngayon lang! Sa sobrang galit ko sabi ko bilisan niyang tumakbo para habulin ang magnanakaw! ” "Hinayaan mo lang siyang habulin ang magnanakaw nang mag-isa?" Lumubog ang mukha ni Henry. Dahil kung gaano kahina si Yvonne, hindi niya sigurado kung siya ang humahabol sa magnanakaw o ang magnanakaw ay ang humahabol sa kanya. "Susundan ko siya!" Hindi na niya pinansin ang ina ni Yvonne na sinusubukan pa ring makipagkaibigan sa kanya. Nagmadaling sumugod si Henry sa lobby sa ibaba at sinimulang hanapin si Yvonne. ...... Sa istasyon ng pulisya ... Sinundan ni Yvonne ang pulis sa istasyon at gumawa ng police statement. Nang matapos siya, pagabi na at kailangan pa niyang magmadali pabalik sa ospital para ibigay ang pera sa kanyang ina. Bago umalis, nagpasalamat siya sa lalaking tumulong sa kanya. “Salamat ulit, sir. Nag-abala ka pa na sumama sakin papunta rito." "Ayos lang. Hindi lang ako makatiis na manuod lang at walang gawin sa sitwasyong tulad nito. " Ngumiti si Elliot at ang mga mata nitong almond shaped ay naging mga crescent moon. "Narinig kong sinabi mo sa mga pulis na ang pangalan mo ay Yvonne Frey? Ako naman si Elliot Taylor." "Masyado kang mabait, Mr. Taylor. Dapat mapasalamatan ko kayo nang maayos, pero mayroon pa rin akong kailangang asikasuhin. Sa susunod kung makakahanap ako ng isang pagkakataon ililibre kita ng lunch!" "Ano bang kailangan mong asikasuhin at wala kang panahon para kumain?" Humakbang si Elliot at hinarang ang daan. Ang ekspresyon ng mukha ni Yvonne ay agad na naging alanganin. Ang kanyang nakababatang kapatid ay naghihintay pa rin para sa pera, pero ang taong ito ay tila taos-puso at nais lamang makipagkaibigan. Sa anumang kaso, tinulungan siya nito at ayaw niyang maging bastos din. "Mr. Taylor, ano kasi...” "Mister, pwede mong sabihin sa akin kung may kailangan kang anumang bagay." Habang sinusubukan ni Yvonne na ipaliwanag ang kanyang sarili, isang pamilyar na boses ang narinig niya. Bago pa siya lumingon, isang malakas na kamay ang humila sa kanya sa mga braso. Gulat na napatingin si Yvonne at sinalubong ang matigas na mukha ni Henry. "Bakit ka nandito?" "Nakasalubong ko ang mama mo sa ospital at sinabi niya sa akin na umalis ka para habulin ang isang magnanakaw, kaya't pumunta ako para tignan ang lagay mo." Walang pakialam ang tunog ni Henry, pero inalis niya ang kanyang mga mata kay Yvonne. Matapos matiyak na hindi siya nasaktan, nahulog ang kanyang tingin kay Elliot. "Hi, asawa ako ni Yvonne. Salamat sa pagtulong mo sa asawa ko na maipahuli ang magnanakaw,” aniya at inalok ang kamay kay Elliot. “Asawa? Kasal ka na, Miss Frey? " Nagulat si Elliot. Sa tingin niya kay Yvonne Frey, mukha siyang sariwang fresh grad mula sa unibersidad kaya hindi niya inaasahan na siya ay talagang kasal. "Tatlong taon na akong kasal, Mr. Taylor." Ipinakita sa kanya ni Yvonne ang singsing ng kasal sa kanyang palasingsingan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na narinig ni Yvonne sa pagsasalita na kinikilala ni Henry ang kanilang kasal. “Pasensya na ah. Mayroon pa kaming ibang mga bagay na dapat asikasuhin. Kung gusto mong humiling ng ilang gantimpala, pwede nating pag-usapan sa ibang araw." Magalang na tumango si Henry sa lalaki. Matapos ibigay kay Elliot ang kanyang business card, ibinalik niya sa kotse si Yvonne. "Nga pala, paano...mo nalaman na nasa police station ako?" Maingat na tanong ni Yvonne pagkasakay sa kotse. "May napagtanungan ako na nakakita sa inyong dalawa." Malamig siyang sumagot nang walang emosyon sa mukha tulad ng dati. "Ah I see…" Ibinaba ni Yvonne ang kanyang ulo sa pagkabigo. Ramdam pa rin niya ang init mula sa palad ni Henry sa kanyang balikat. Naisip niya na tiyak na mag-aalala siya tungkol sa kanya, pero parang nasa kanyang ulo lamang lahat ito. Pinaandar ni Henry ang kanyang sasakyan at tinanong, “May sinabi sa akin ang mama mo. Kulang ka ba sa pera ngayon? " Para maibalik ang kanyang pera, binaliwala niya ang kanyang kaligtasan at hinabol ang magnanakaw. Sa kabutihang palad, may tumulong sa kanya sa oras na ito. Hindi maisip ni Henry kung ano ang mangyayari kung hinabol ni Yvonne ang magnanakaw nang mag-isa o kung armado ang magnanakaw. Napababa ang ulo ni Yvonne at walang sinabi. Agad na tumahimik ang sasakyan. Ilang sandali pa, nagsalita ulit si Henry. “Kung talagang kailangan mo ng pera, sabihin mo sa akin. Ibibigay ko sa iyo." "Ayos lang, hindi ko kailangan ang pera mo." Hindi inaasahan, si Yvonne ay mabilis na tumanggi. Bagaman talagang kailangan niya ng pera ngayon, hindi niya kailangan ng tulong mula sa ibang tao. Lalong hindi mula kay Henry Lancaster.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.