Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 7

Sumakay si Maya at Matthew sa mabulansiya habang nasa ospital si Wyatt. Galit na galit si Maya. Hindi niya inaasahan na si Wyatt, na karaniwang masunurin, ay naglakas loob na saktan siya. Inatake din niya ng walang awa si Matthew. Habang papunta sa ospital, tinawagan ni Maya si Hayley para magreklamo. “Ma, anong problema? Nasa meeting ako ngayon. Tatawagan kita mamaya,” tanong ni Hayley. Sumigaw si Maya, “Bakit nasa meeting ka pa? Ang hayop na si Wyatt ay naghahasik ng lagim!” “Ma, anong nangyari?” Humikbi si Maya habang sinasabi, “Pumunta kami ni Matt para hanapin si Wyatt at magtanong tungkol sa calligraphy artwork. Sinubukan niya na nakawin iyon matapos malaman na orihinal na gawa iyon ni Mr. Cowan.” “Noong tumanggi kami, sinaktan niya kami ni Matt. Kasalukuyang kritikal ang kundisyon ni Maa, at sinusubukan siya iligtas ng mga doktor.” “Ano?” Ipinatigil ni Maya ang meeting. Gulat na gulat siya. “Kritikal ang kundisyon ni Matt?” “Puwede ba tumigil ka sa pag-eexagerate? External injuries lang at baling braso. Hindi ito life-threatening!” tinitigan ng masama ng paramedic si Maya. Nakahinga ng maluwag si Hayley pagkatapos marinig ang paramedic. “Ma, nag-ooverreact ka. Mahinhin na tao si Wyatt. Hindi siya magiging bayolente.” “Mahinhin mo mukha mo! Hindi mo siya nakita, pero mukha siyang papatay! Siguro patay na kami kung hindi kami nakatakas agad.” Walang masabi si Hayley. Hindi niya lubos maisip na bayolente si Wyatt. “Oo nga pala, Ma, anong nangyari noong nagtanong ka kanya? Siya ba talaga ang sumulat ng calligraphy artwork?” “Hindi nagsulat nag bastardong iyon. Bakit niya kami lalabanan kung siya ang sumulat?” nasaktan si Maya sa kawalan ng artwork. “Orihinal na calligraphy artwork iyon ni Mr. Cowan. Milyong dolyar ang halaga nito.” “Hayley, kailangan mo humanap ng taong aaresto kay Wyatt agad. Kailangan natin bawiin ang pagmamayari ng pamilya natin.” Nagbigay ng payo si Hayley, “Ma, ang artwork na iyon ay pagmamayari ni Wyatt. Maiintindihan ko na kinuha niya iyon. Hindi na natin iyon kailangan.” “Paanong hindi natin iyon kailangan? Pagnanakaw ang ginawa niya…” Bago pa ibaba ni Hayley ang tawag, idinagdag ni Maya, “Huwag mo muna ibaba. Mayroon pa. May babae si Wyatt. Inatake kami ng bruhang babaeng iyon kasama si Wyatt.” “Babae?” natawa si Hayley at hindi makapaniwala. Matapos mamuhay ng kasama si Wyatt ng tatlong taon, naniniwala siyang kilala na niya ito ng husto. Naniniwala siyang hindi titingin sa ibang babae si Wyatt, kahit na gaano pa siya kaganda. “Okay, Ma. Kailangan ko bumalik sa meeting. Tatawagan kita mamaya,” kaswal na sinabi ni Hayley. Naging hysterical si Maya. “Hayley, ang kapatid mo ay nagulpi ng husto at kailangan maospital. Mas mabuti pa na mamatay na lang kami kung wala kang pakielam sa amin. Huwag mo akong pigilan, tatalon na ako mula sa sasakyan…” Matapos marinig ang dismaya ni Maya, sumangayon si Hayley. “Sige, Ma. Tatawagan ko si Wyatt mamaya at tatanungin siya kung anong nangyayari. Kung sinaktan ka talaga niya, hindi ko siya palalampasin.” “Hayley, kailangan mo ako ipagtanggol…” … Ang salitang “Die” ay nakahulma gamit ang mga katawan ng linta na nasa garapon, nilamig ang mga kamay at paa ni Ann. Hindi maitatangging deklarasyon ito ng digmaan, demonstrasyon at pananakot. Bilang reyna ng business world at pinakamtandang anak ng pamilya Moore, marami na siyang unos na pinagdaanan. Pero nagpanic siya ng kaunti habang kaharap ang kakaiba at nakakagimbal na sitwasyon. “Anong gagawin natin?” tinginan niya si Wyatt. Nanatiling kalmado si Wyatt at ngumiti. “Nagawan ko na ng paraan ang problema ninyo. Kung magpapatuloy ako sa pagtulong ay nakadepende na sa intensyon ni Mr. Moore.” Natulala si Ann at agad na tinawagan ang lolo niya. Hindi nagtagal at bumalik siya. “Wyatt, sinabi ng lolo ko na ipapadala niya agad sa iyo ang crimson mushroom. Pakitulungan ako na ayusin ng buo ang problema. Magpapadala din siya ng reptilian grass sa loob ng isang buwan!” Reptillian grass! Kuminang ang mga mata ni Wyatt. Isa itong medical herb na kilala para sa health benefits nito at strength-boosting properties. Alam ng matanda na kailangan niyang alukin si Wyatt ng deal na hindi niya matatanggihan. Ngayon at inalis na ni Wyatt ang Dragon Seal, ang pinakamahalaga sa kanya ay mag ensayo at bawiin ang dati niyang lakas. Dito lang niya maipaghihiganti ang kanyang anak. “Sige. Tutulungan kita hanggang sa dulo kung ganoon,” siniguro niya habang nakangiti. Natuwa si Ann. “So, Anong gagawin natin ngayon?” Napaisip si Wyatt at sinabi, “Ang target nila ay malinaw na Toledo Corporation. Marahil isa itong business rival. Dapat mas kilala mo kung sino ang nasa likod ng mga ito.” Sumingkit ang mga mata ni Ann. “May mga tao akong naiisip pero wala akong kasiguraduhan.” “Ipagpatuloy mo ang pag-iimbestiga, at siguradong makakahanap ka ng mga clue. Siguradong aatake muli sila dahil sa kabiguang ito. Naniniwala ako na isisiwalat nila ang kanilang mga sarili, kaya hindi dapat tayo mataranta ngayon—” Bago pa siya matapos magsalita, pumasok si Weston at Hugh. “Ang tagal na. Kumusta ang panggagamot?” tanong ni Weston. “Balik na sila sa dati,” sagot ni Ann, itinuro ang monitoring equipment. Tinignan ni Weston at nakita sa monitoring equipment na normal na ang kundisyon ng mga pasyente. “Ah, Mr. Moore, tama nga ako,” sinabi ni Hugh habang nakangiti at hinihimas ang balbas niya. “Nakatulong ang acupuncture treatment ko para alisin ang mga lason sa katawan nila, na nakatulong sa pag galing nila.” “Huh?” Si Ann ay Wyatt ay nagkatinginan at parehong nagulat. Malinaw na malaki ang pagkakamali ni Hugh. Si Wyatt ang nagligtas sa mga pasyente pero mabilis si Hugh sa pag agaw ng papuri. “Dr. Coulson, kahanga-hanga ka talaga,” puri ni Weston. Nanatiling tahimik si Wyatt. Wala siyang pakielam kung sino ang mapuri. Ang focus niya ay nasa crimson mushroom lang. Hindi na niya kinaya, at nakielam si Ann, “Si Wyatt ang gumamot sa kanila. Bakit mo inaangkin ang papuri? Bukod pa doon, hindi nalason ang mga empleyado. Sinumpa sila. “Kung gumamit ka ng acupuncture para gamutin sila, iyon lang ang nagpaala sa mga makamandag na linta at pabilisin ang kanilang pagkamatay. Nakalimutan mo na ba ang nangyari ngayon lang?” “Kalokohan! Anong makamandag na linta? Malinaw na nalason sila. Kung wala ang acupuncture ko, paano silang gagaling?” nakipagtalo si Hugh. “Kung hindi ka naniniwala, tignan mo ito. Nandito ang mga makamandag na linta. Lahat sila inilabas ni Wyatt mula sa mga pasyente.” Itinuro ni Ann ang garapon sa lamesa. Lumapit si Hugh para tignan ang garapon at ngumisi. “Anong nakalalasong linta? Malinaw na mga higad lang iyan. Marahil dinala ito ni Wyatt para lokohin ka. Hindi mo ba iyon nakikita?” Habang nagsasalita siya, kinuha niya ang garapon. “Huwag mo buksan!” nagbago ang ekspresyon ni Wyatt. Pero huli na. Binuksan ni Wyatt ang garapon ng nakangiti. Ngumisi siya at sinabi, “Tignan mo, higad lang—” Bago pa siya matapos magsalita, isang itim na linta ang mabilis na pumasok sa ilong niya. Namilipit siya sa sakit. Hindi nagtagal at nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya. Napaluhod siya at nagmaakaawa, “Dr. Coleman, iligtas mo ako—”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.