Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 4

Ang binti ay mahaba at payat. Isang translucent na stocking ang makikita dito na nakadagdag sa pagiging agaw pansin nito. Kahit sandaling tingin lang ay sapat na para bumilis ang tibok ng puso ni Wyatt. Isang magandang babae ang bumaba mula sa sasakyan. Sinuri niya si Wyatt bago siya nilapitan. Nakasuot siya ng mahabang puti na dress na may ginto at lila na trimmings. Maganda siya at nakakaakit, pero ang dating niya ay marangal at regal. Ang mukha niya ay napakaganda, at mukha siyang dyosa. Ang mga mata niya ay maliwanag at mapapatitig ka. Ngumiti siya at inabot ang kamay niya sa direksyon ni Wyatt. “Ikaw siguro si Wyatt Coleman. Ako si Ann Moore. Sinabi na siguro ng lolo ko ang tungkol sa akin.” Ann Moore? Nabigla si Wyatt. Ito pala ang tagapagmana ng pamilya Moore. Napakaganda niya nga talaga. “Hi, ako si Wyatt Coleman.” Nakipagkamay sila sa isa’t isa. Malambot at makinis ang kamay ni Ann. “May krisis na kinakaharap ang Toledo Corporation, Mr. Coleman. Sana matutulungan mo kami dito,” prangka na sinabi ni Ann. “Oo, alam ko. Sinabi na ito sa akin ni Tom.” Itinuro ni Wyatt ang lumang apartment sa likod niya. “Sandali lang. Kailangan ko lang umuwi sandali.” Sandali lang? Napasimangot ng kaunti si Ann. Walang ibang tao ang maglalakas loob na paghintayin siya, lalo na at pumunta pa siya dito para lang sunduin ang taong ito. Pero, wala siyang magagawa dahil si Thomas ang nagsabi sa kanya na puntahan si Wyatt. Bumalik si Wyatt sa apartment, na marital home nila ni Hayley. Matatagpuan ito sa lumang neighborhood. Sa tulong niya, mabilis ang pag angat ng career ni Hayley. Siya at ang pamilya Lawson ay nakalipat na mula as apartment na ito ilang taon na ang nakararaan, kung saan naiwan si Wyatt. Noong pumasok siya sa apartment, ibinaba niya ang bedsheet na puno ng damit at ni ginawa niya para sa kanyang anak. Tinignan niya ang mga damit, pakiramdam niya may kinuha mula sa kanyang puso. Tumulo ang mga luha niya ng hindi niya napapansin habang inililigpit ang mga damit. Hindi madaling umiyak ang mga lalake. At least, maliban na lang kung may naranasan silang matinding sakit. Sa oras na iyon, may sumipa ng pinto pabukas at pumasok sa apartment. Si Maya at Matthew. “Wyatt!” “Anong gusto mo?” malamig na tanong ni Wyatt. “Nandito ka talaga, wala kang kuwenta!” ngumiti si Matthew at tinuro ang likha niyang artwork. “Ikaw ba ang gumawa nito?” Rippling Spring? Tinignan ito ni Wyatt at tumango. Nagkatinginan ng masaya si Matthew at Maya. Pagkatapos, tinignan nila si Wyatt na tila mangingitlog siya ng ginto. “Maganda ang sulat mo. Tignan mo, bibigyan kita ng pabor dahil wala kang trabaho. Babayaran kita ng dalawang libong dolyar kada buwan kung magsusualt ka sa akin kada araw. Okay ba?” may plano na agad si Matthew. Suminghal si Wyatt. Kailangan lang niya sumulat ng isang salita at kikita na siya ng libo-libong dolyar, pero gusto ni Matthew na bayaran siya ng dalawang libo lang kada buwan. Sumagot siya, “Hindi ako interesado. Layas.” “Ano? Ang lakas ng loob mo na tanggihan ako, ikaw talunan?” nagalit si Matthew. Pinigilan siya ni Maya at nilapitan si Wyatt ng nakangiti ng malapad. “Sige na, Wyatt. Magkamaganak tayo dati, hindi ba? Madali lang sumulat ng ilang mga salita, hindi ba? Dahil maayos naman na nagsabi si Matthew, dapat sumangayon ka.” “Mag kamag-anak? Ngayon at hiwalay na kami ni Hayley, wala na akong kinalaman sa inyo.” Ngumisi si Wyatt. Nagdilim bigla ang ekspresyon ni Maya. “Paano mo nagagawang itaboy ang manugang mo ng ganoon na lang, hayop ka? Gagawin mo kung anong gusto namin, sa ayaw mo at sa gusto!” “Lumayas ka dito!” galit na tumingin si Wyatt. “Ikaw ang may gusto nito!” kumuha ng upuan si Matthew sa malapit at sinugod si Wyatt. Umiwas si Wyatt, nadulas si Matthew at halos matumba sa sahig. Sa oras na iyon, tumakbo si Maya papunta sa mga damit ng sanggol. Ngumisi siya at sinabi, “Kung hindi ka susulat ng isang libong salita para sa amin ngayon, susunugin ko ang lahat ng damit ng mga anak mo!” Tumakbo si Matthew palapit ng may dalang lighter. Kinuha niya ang teddy bear at winagayway sa harap ni Wyatt. Sinindihan niya ang lighter at inilapit ito sa teddy bear. “Susulat ka ba o hindi?” Hindi nagtagal, nasunog na ang teddy bear at maaamoy na ito. “Hayop ka!” hindi na kinaya ni Wyatt. Sinampal niya si Matthew kung saan tumalsik siya. Tumama siya sa pader at nagsimulang tumulo ang dugo niya sa mukha. Mabilis na lumapit si Wyatt para patayin ang apoy pero nasunog na ng husto ang teddy bear. Habang mas tinititigan niya ito, mas lalo siyang nagagalit. Hinawakan niya si Matthew na kakatayo lang, sinampal niya ito ng sunod-sunod. Namaga ang mukha ni Matthew sa mga sampal, at nalaglag ang dalawa sa mga ngipin niya kasama ng dugo. Hindi na siya makilala. “Ang lakas ng loob mo na saktan si Matt? Papatayin kita!” Inalis ni Maya ang sapatos niya, itinutok ang matalim na heels sa mga mata ni Wyatt. Hinawakan ni Wyatt ang kamay niya at itinulak siya palayo, napaupo siya sa sahig. “Lumayas ka na dito!” sigaw niya. Ang galit at pagiging dominante niya ay napaisip si Maya na baka siya mismo ang demonyo. “Bilisan mo na at pumasok dito, Bob! May umatake sa akin!” tawag ni Matthew. Puro dugo ang mukha niya. Dati siyang maliit at walang kuwentang gangster, pero ngayon may pera na siya, at tinawag na niya nag sarili niyang Big Matt at may mga alilang nakasunod lagi. Hindi nagtagal, si Bob Smith, malaking tao na puro tato ay nagpakita kasama ang ilang mga gangster. Mukha silang nakakatakot dapat ang mga armas nila. “Turuan ninyo siya ng leksyon!” itinuro ni Matthew si Wyatt. Pinalibutan ng mga gangster si Wyatt habang hawak ang mga armas nila. “Hmph.” Hindi natakot si Wyatt. Inalis niya ang Snake Pendant at inihagis sa sahig. Sa oras na nabasag ito, nagsiwalat ito ng hugis dragon na pendant sa loob. Ito ang Emerald Pendant! Nanlambot ang tingin ni Wyatt ng makita ito. Masama ang pakiramdam niya ng makita ang dati niyang kaibigan na nakatago sa nakalipas na tatlong taon. Pero ngayon wala na ang Snake Pendant at nagbalik na ang Emerald Pendant, isa lang ang ibig sabihin nito—nagbalik na ang Almighty Drakon!

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.