Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1

“Unang beses ko ito, kaya dahan-dahan lang…” Nakahiga ang babae sa kama habang namumula. Halos hindi marinig na bulong ang boses niya. May hawak na cute na teddy bear si Wyatt Coleman habang naalala ang eksena tatlong buwan na ang nakararaan. Sa gabing iyon nabuntis ang kanyang asawa, na si Hayley Lawson. Magkakaroon sila ng anak na babae. Sa tuwing hindi abala si Wyatt Coleman, mauupo siya doon ng nakakatawa ang mukha. Naiimagine niya ng ilang beses ang itsura ng anak niya matapos malaman ang pagdadalang tao ni Hayley—nakalimutan na niya ng husto ang nakaraan niya. Minsan siyang naging Drakon—ang tao na nasa rurok ng martial world. Pero sa huling laban niya, namatay ang pinakamamahal niya sa trahediya. Nagtamo din siya ng matinding mga pinsala at nawala ang cultivation niya. Sa pagdurusa niya, napagdesisyunan ni Wyatt na iwan ang lahat. Isineal niya ang kapangyarihan niya gamit ang Dragon Seal at nilisan ang Yonada. Kinalaunan, nakilala niya si Hayley. At ngayon, magkakaroon na sila ng anak na babae. … Noong umuwi si Wyatt, naramdaman niya na may mali. Kakaiba ang pakiramdam sa bahay. Ang mga kamag-anak niya, na sina Cole Lawson at Maya Lakey, kabilang ang bayaw niya na si Matthew Lawson, ay nakaupo sa sofa ng malagim ang mukha. Tingin ni Wyatt kakaiba ito. Dahil lihim niyang tinutulungan si Hayley, mabilis ang pag arangkada ng kanyang career. Ngayon, siya na ang presidente ng kumpanya, at may net worth na bilyong dolyar. Wedding anniversary nila ngayon, at naghanda siya ng espesyal na regalo para sa kanya—kontrata para makatrabaho ang Toledo Corporation. Pero bakit mukhang naiinis ang lahat? “Sa kusina lang ako,” hindi gusto ni Wyatt na maging dahilan para magalit sila lalo, kaya dumiretso siya sa kusina. “Pumunta ka dito, Wyatt. May sasabihin ako sa iyo,” nagsalita sawakas si Cole. Noong nakaraan, hindi niya kaya bumili ng magandang outfit. Ngayon, mamahalin ang suot niyang damit at mukhang tao na mula sa mataas na estado. “Ano iyon, Ama?” mabilis na lumapit si Wyatt. “Tignan mo ito.” May inilapit na dokumento si Cole sa lamesa. Tinignan ito ni Wyatt. Sa unang pahina, nakasulat ng malinaw ang mga salitang “divorce agreement”. Naka bold pa ang mga letra! Nagbago ng kaunti ang ekspresyon niya, “Anong ibig sabihin nito?” Humithit ng sigarilyo si Cole. “Ang ibig sabihin niyan ay kung anong iniisip mo. Hindi na katulad si Hayley ng dati; company president na siya na bilyong dolyar ang halaga ngayon. Kahit ang pamilya namin ay naging isa sa pinakaprominente na pamilya sa Yonada. At ikaw naman… “Maaaring maabilidad ka sa calligraphy, pero iyon lang ang abilidad mo. Hindi tama na manatili kang linta sa pamilya at kasal pa din kay Hayley. Pagtatawanan lang siya.” Nawala na ang ngiti ni Wyatt. Bitter ang pakiramdam niya. Hindi niya inaasahan na magkakatanggap siya ng divorce agreement para sa lahat ng ginawa niya para sa pamilya Lawson. Hindi nila alam na ang lahat ng tinatamasa ni Hayley at pamilya Lawson ay dahil sa kanya. Hindi nga naman pangkaraniwang tao si Wyatt. Sa oras na inayos niya ang kanyang sarili. “Ito ba ang gusto ninyo, o sangayon si Hayley sa inyo?” “Wala ka ng pakielam kung sino ang may gusto na mangyari ito.” Pinitik ni Cole ang sigarilyo niya at tinignan si Wyatt. “Ang kailangan mo lang gawin ay pirmahan ang divorce agreement—sana alam mo kung anong makakabuti sa iyo. Sinuwerte kami dahil nakasama ka namin sa iisang bahay, mas mabuti na matapos tayo ng maayos.” “Kung ganito ang gusto ninyo, hindi ko pipirmahan ang papeles,” walang alinlangan na sinabi ni Wyatt. Walang may karapatan na kunin ang kaligayahan niya at ni Hayley! Sa oras na iyon, hinampas ni Maya ng malakas ang lamesa. Hindi na niya kinaya. Tinitigan niya ng masama si Wyatt at sumigaw ng matinis, “Gusto namin na matapos ng maayos ang alhat, dahil pinagsilbihan mo kami ng matagal. Pero hindi ko inaasahan na magiging walanghiya ka! Kung gusto mo ng rason, bibigyan kita!” Tumayo siya at dinuro si Wyatt. “Wala ka ng ginawa kung hindi maging balakid para sa kinabukasan ni Hayley, wala kang kuwentang tao! Tignan mo ang mga taong nakakasalumuha niya ngayon—kung hindi sila mga taong mataas ang estado sa business world, mga manager sila sa mga kumpanya. “Samantalang ikaw naman ay walang kuwentang tao na walang may gusto makasama! Ngayon at ang pamilya Lawson ay parte na ng mga taong mataas ang estado, wala ka ng lugar dito. Iligpit mo na ang mga gamit mo at lumayas na!” Huminga ng malalim si Wyatt at mukhang problemado. Sa oras na iyon, tumayo si Matthew at sinabi, “Tatlong taon ka ng linta sa buhay ni Hayley, Wyatt. Isa ka lang utusang aso niya. Sa tingin mo ba talaga asawa ka niya? “Bilisan mo na at pirmahan ang papeles, pagkatapos lumayas ka na! Kung hindi, pagbabayaran mo ito!” “Uulitin ko ang sinabi ko. Ito ba ang gusto ni Hayley?” tanong ni Wyatt. “Pambihira!” galit na itinulak ni Maya si Wyatt. “Tanga ka ba? Bakit hindi mo kami maintindihan?” “Tumabi ka, Ma. Tuturuan ko siya ng leksyon, babaliin ko ang mga binti niya kung tatanggi siya sa pagpirma sa divorce agreement!” kinuha ni Matthew ang baseball bat niya habang nagsasalita. Pagkatapos, sinugod niya si Wyatt. Itinaas niya ang pamalo niya at tatamaan na dapat si Wyatt ng isang malamig na boses na nagmula sa likod ang pumigil sa kanya. “Tigil!” Lumapit si Hayley sa kanila. Maganda ang mukha niya at nakakaakit ang katawan. Kumikinang halos ang makinis niyang balat. Katabi niya ay isang guwapong lalake na nakasuot ng suit. Siya si William Porter, ang tagapagmana ng Porterworks Corporation. Mukhang intimate sila sa isa’t isa habang naglalakad palabas ng kuwarto ng magkasama. Nanginig si Wyatt. Hindi makapaniwala niyang tinitigan si Hayley. Naintindihan na niya agad ang lahat ng makita ang guilty niyang mga mata na umiwas ng tingin. Pero, umasa pa din siya kahit na kaunti. Nanginginig ang boses niya ng magtanong siya, “H-Hayley, totoo ba ito?” Nanakit ng kaunti ang puso ni Hayley ng makita ang namumutla niyang mukha, pero tumango pa din siya. “Oo, totoo ito. Maghiwalay na tayo, Wyatt.” “Sumasangayon ka ba sa mga sinabi ng mga magulang mo kanina? Sa tingin mo din ba hindi ako nararapat na makasama ka ngayon?” nasaktan si Wyatt. Tumango si Hayley. “Magkaiba na ang mundo natin ngayon. Hindi na tayo nararapat sa isa’t isa…” Huminga ng malalim si Wyatt at unti-unting ipinikit ang mga mata niya. Pakiramdam niya hinahati ang puso niya. Matapos ang mukhang siglo na tagal na mga sandali, iminulat niya ang mga mata niya at lumapit sa teddy bear na inilagay niya sa sulok kanina. “Sasangayon ako sa paghihiwalay natin, pero pipirmahan ko lang ito kapag ipinanganak na ang anak natin.” Hanggang dito lang ang kaya niya sangayunan. Umiling-iling si Hayley. Pagkatapos, walang puso niyang sinaksak si Wyatt sa mga sumunod niyang sinabi, “Wala… na siya.” “Ano?” nanlaki ang mga mata ni Wyatt at lumabas ang mga ugat sa noo niya. Nahirapan siyang huminga. “Na… Nagpaabort ako,” sambit ni Hayley habang nasasaktan ang itsura. Nakatayo doon si Wyatt, nanginginig na tila tinamaan ng kidlat. Nahulog ang hawak niyang teddy bear sa sahig.
Previous Chapter
1/200Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.