Kabanata 8
Noong paubos na ang pasensiya ni Noelle, nagpakita na sawakas si Xenia. Habang tumatakbo palapit sa kanila, sinabi niya, “Pasensiya na talaga! Kausap ko ang iba tungkol sa tournament strategies at hindi ko na napansin ang oras.”
“Okay lang,” sagot ni Blake ng kalmado. “At least nakakatulong ka sa pamilya, hindi tulad ng mga inggratang tao.”
Ngumiti si Aiden kay Xenia. “Huwag ka mag-alala. Bibilisan ko ang pagmamaneho para makabawi.”
Kahit na nag-effort siya, late na sila ng dumating sa klase, kung saan ang kanilang homeroom teacher, n si Lionel Kramer, ay nahuli sila sa pinto. Si Xenia, na malalim ang paghinga ay nagsalita agad. “Pasensiya na talaga. Kasalanan ko at nalate kami. Pati si Noelel nadamay.”
Nanatiling tahimik si Noelle, wala siyang ekspresyon. Tinignan ni Lionel ang parehong mga babae bago sinabi, “Naiintindihan ko. Hindi na kailangan magpaliwanag. Pumasok na kayo.”
“Salamat,” sagot ni Xenia.
Noong sinubukan ni Noelle pa sundan si Xenia papasok sa kuwarto, naging marahas ang boses ni Lionel. Nanermon siya, “Noelle, huwag mo idamay si Xenia. Huwag mo itong hayaan na maulit muli!”
Humarap si Noelle sa kanya. “Inamin ni Xenia na siya ang dahilan kung bakit kami nalate.”
“Tama na! Alam ko kung anong tunay mo na ugali. Makipagtalo ka pa at magkaklase ka ng nakatayo sa hallway.”
Dahil ayaw niyang malampasan pa lalo dahil iwan na siya sa klase, pumasok si Noelle sa classrom ng tahimik, nagdilim ang mood niya. Hiniling niya na sana puwede na siyang mag-exam ng maaga para makatakas na mula sa lahat ng mga ito.
Isang grupo ang nagtipon sa paligid ni Xenia noong lunch break habang nagkukuwentuhan sila tungkol sa professional gaming team. Nakinig ang lahat habang naiinggit.
Tinitigan ng masama ng isa sa mga tauhan niya si Noelle at nilait siya, “May naiinggit kay Xenia at sinadya na malate siya.”
Ngumiti ng kaunti si Xenia pero hindi niya itinama ang taong ito. Samantala, nanatiling hindi nasisindak si Noelle, nakapahinga ang ulo sa lamesa at hindi sila binibigyan ng pansin.
Pagkatapos ng klase, sinadya ni Xenia na galitin si Noelle ulit sa pagsasabi, “Pupunta ako ulit sa training.”
Inimpake lang ni Noelle ang mga gamit niya at nilisan ang classroom ng hindi nagsasalita. Naging tagumpay ang ngiti ni Xenia habang pinapanood umalis si Noelle.
Humarap siya muli sa mga alalay niya at sinabi, “Gawin ninyo ang homework ko tulad ng dati, okay? Siguraduhin ninyo na hindi mahahalata ng mga teacher.”
Siniguro nilang lahat si Xenia. “Huwag ka mag-alala. Mag-training ka para habulin ang mga pangarap mo. Sagot ka namin.”
“Salamat! Siguradong tatandaan ko ito!” masayang umalis si Xenia, determinado na patunayang mas nararapat siya na maging kapatid ng pamilya Liddell.
…
Tumungo si Noelle sa infirmary, kung saan natutuwa ang ekspresyon ni Cedric. “May kailangan ka ba?”
Nilinaw ni Noelle ang lalamunan niya at sumagot siya, “Naparito ako para mag-aral. Pakiusap payagan mo ako!”
Habang hindi naghihintay ng sagot, pumasok na siya na parang siya ang nagmamayari ng lugar, umaasa na hindi siya paalisin. Tumaas ang kilay ni Cedric, hanga sa kumpiyansa niya. Inaasahan niya na magiging mahiyain siya para bumalik.
Ngunit, hindi nagpigil si Cedric ng magtanong si Noelle sa kanya tungkol sa homework. “Wala bang naaalala ang utak mo? Ilang gumaganang brain cells ang mayroon ka?
“Tumigil ka na sa pagtatanong tungko sa mga simpleng problema at sagutin sila ng mag-isa.”
Tinanggap ni Noelle ang mga masasakit na salita ng walang kontra, masipag na nag-aaral. Tahimik ang kuwarto—hanggang sa kumulo ng malakas ang sikmura niya.
Namula siya habang itinatago ang kanyang hiya. Kumain siya ng tinapay kanina, pero malinaw na hindi iyon sapat.
Tinignan ni Cedric ang orasan at umorder siya ng takeout. “Kumain muna tayo.”
Habang nakaupo sila ng magkasama, napansin muli ni Noelle ang peklat niya sa braso. Hindi niya napigilan na magtanong, “Kailan ka naaksidente? Malala ba?”
Tahimik na inilabas ni Cedric ang takeout boxes sa lamesa. Tinignan niya si Noelle, hindi mabasa ang tingin niya ng sumagot siya, “Maraming taon na ang lumipas.”
Bumulong si Noelle, “Ako din. Namatay ang mga magulang ko sa aksidente, naiwan ako at kaming magkakapatid.”
Napangiti siya ng kaunti, na tila nilalait ang sarili ng maalala niya ang nakaraan. Dati, nahirapan sila, pero ang ugnayan nila bilang magkakapatid ay naging matibay. Ngunit, nagbago ang lahat ng dumating si Xenia sa kanila.
“Anong mga plano mo ngayon?” tanong ni Cedric, mahigpit na hawak ang kutsara.
“Balak ko na pumasok sa Yole University. Gusto ko lisanin ang lungsod at magsimula ng bago,” inamin ni Noelle.
Sinabi ni Cedric, “Ang taas ng pangarap mo para sa taong may ganyang grades. Mukhang hindi ka makakapasok sa Yole University.”
“May oras pa,” kumpiyansa na sinabi ni Noelle. “Gagalingan ko.”
Tinignan siya ni Cedric sandali bago siya umiwas ng tingin. Pagkatapos, sinabi niya, “Well, huwag ka na magtanong ng mga basic na tanong simula ngayon.”
Ngumiti si Noelle, naisip niya na pahintulot ito para patuloy siyang bumalik.
Sa sumunod na mga araw, ginawa ni Noelle na sanctuary ang infirmary sa tuwing natatapos ang kalse, nananatili siya doon hanggang matapos ang kanyang homework. Samantala, nagsisimula na si Xenia na makatulog sa klase, distracted sa gaming training niya.
Natural, okay lang ito sa mga teacher. Pinapaburan nilang lahat si Xenia at tinanggap lang ang palusot niya na hindi maganda ang kanyang pakiramdam.
Napansin ni Noelle ang social media ni Xenia na puro litrato mula sa training at videos ng paglalaro kasama ang kanyang mga kapatid, pare-parehas ang kanilang mga usernames at coordinated ang kanilang paglalaro. Ang mga pangyayari ay naganap tulad sa nakaraan niyang buhay, sa pagkakataong ito, wala si Noelle.
Nahuli siya ni Cedric na pinapanood ang mga video at biniro siya, “Nanonood ng video kaysa mag-aral?”
Umiling-iling is Noelle. “Hindi. Nanood lang ako sandali. Inuuna ko pa din ang pag-aaral.”
Hindi inaasahan niyang sinabi, “Kung makapasok sa top 100 sa exam sa isang linggo, puwede ka maglaro.”
Tumingala si Noelle, nakangisi siya. “Makikipaglaro ka ba sa akin?” alam niya na naglalaro din siya.
Humarap ng kaunti si Cedric. Guwapo pa din siya tulad ng dati. “Matagal na akong hindi naglalaro. Tignan natin kung papasok ka muna.”
“Deal kung ganoon!” pinanood siya ni Noelle na maglakad palayo, determinado na makapasok sa top 100 sa exams.
Mukha nga naman na magaling si Cedric. Dahil magaling si Noelle sa nakaraan niyang buhay, umaasa siya na mapapahanga niya si Cedric sa laro, mabawi ang kaunti sa nawala niyang pride.
…
Matapos gawin ang kanyang homework, umuwi na si Noelle. Pero, ang maganda niyang mood ay nawala ng makita niya si Frank sa living room.
Nanlumo siya. Ang mga kapatid niya ay gumugugol ng maraming oras sa training at bihira umuwi ng maaga, madalas ginagabi na. Kaya, hindi niya mapigilang isipin kung bakit siya nandito ng maaga.
“Saan ka galing?” tanong ni Frank.
Lumala ang anxiety ni Noelle. Hindi niya maaaring ipaalam na nag-aaral siya sa infirmary. Sanctuary niya iyon, at ayaw niya na kunin ito mula sa kanya. Yumuko siya at nagsinungaling, “Nasa study room ako. Nakakatulong iyon sa pagfocus ko.”
“Ibigay mo sa akin ang bag mo.”
Inabot ito ni Noelle, mabilis ang tibok ng puso niya habang tinitignan ni Frank ang mga notebook niya. Nagsalubong ang mga kilay niya ng makita niya ang detalyadong notes at corrections.
Makalipas ang ilang sandali, ibinaba niya ang bag, hindi pa din kumbinsido. Inulat ni Gordon na late siya laging umuuwi sa nakalipas na mga araw, iniisip na may binabalak siya. Pero, heto siya, nag-aaral ng mabuti. Ibinaba ni Frank ang bag at sinabi, “Mag-usap tayo, Noelle.”
“Tungkol saan?” kalmado niyang tanong. Naguluhan si Frank sa kalmado niyang sagot. Bigla niya naramdaman na nagbago ng husto si Noelle, pero hindi niya mapansin kung ano mismo ang nagbago.
Gayunpaman, alam ni Frank na hindi na siya ang dating babae na kilala niya. Ang dating Noelle ay umiiyak na dapat at nagrereklamo sa mga kapatid niya, pero wala siyang sinabi.
At hindi maganda ang pakiramdam niya doon. Tila ba hindi na niya makontrol si Noelle tulad ng dati.
Nagpaliwanag si Frank, “Gumagaling si Xenia sa training. Sa talento mo, puwede ka din gumaling.
“Mababalanse mo iyon sa pag-aaral. Hindi ba maganda na magkakasama ang pamilya natin? Magiging masaya si Donovan na makita tayong magkakasama.”
Yumuko si Noelle, puno ng panlalait ang mga mata niya. “Hindi ako sasali sa team.”
“Noelle, pamilya na si Xenia ngayon, tulad mo. Kailangan natin magsama-sama, hindi itulak ang isa’t isa palayo. Iniligtas ng ama niya ang buhay mo. Sa tingin mo ba talaga ganito mo siya dapat tratuhin?”
Hindi maintindihan ni Frank kung bakit ayaw tanggapin ni Noelle ang pagkakataong inaalok sa kanya. Ang kabaitan nila kay Xenia ay paraan nila para masuklian ang utang ni Noelle sa kanya.
Nakakasakal ang katahimikan sa kuwarto. Sumarado ng mahigpit ang mga kamay ni Noelle ng maubos ang pasensiya niya.
Tumingala siya at nakipagtitigan kay Frank. Ang boses niya ay malamig at sarcastic ng sabihin niya, “Anong gusto mo, Frank? Dapat ba ibigay ko na din kay Xenia ang buhay ko? Iyon ba ang magpapasaya sa iyo sawakas?”