Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6

Pumara si Noelle ng taxi para makauwi sa tahanan ng pamilya Liddell. Noong pumasok siya sa foyer, naririnig na niya ang boses ni Xenia. Mukhang nagkakatuwaan ang pamilya Liddell. Ngunit, nanigas ang masayang pakiramdam sa paligid ng dumating siya, ang tensyon ay mararamdaman sa paligid na tila ba hindi welcome na bisita si Noelle. Nanatiling walang ekspresyon si Noelle, balak na dumiretso sa kuwarto niya. Sa oras na iyon, sumigaw si Blake, “Noelle, tumigil ka dyan! Ganyan ka ba dapat umasta? Hindi mo ba kami babatiin?” Naging marahas ang tono niya habang nagpapatuloy siya, “Huwag mo isipin na puwede ka na tumawag ng pulis dahil lang pinrotektahan ka ng doktor sa school! Kung wala ang pamilya Liddell, wala ka lang!” Tumayo si Blake, patindi ng patindi ang galit niya. “Sa tingin mo ba pinapaboran namin si Xenia? Tignan mo ang mga masasama mong ginawa sa kanya! Iniligtas ng ama niya ang buhay mo, at tinutulungan ka lang namin suklian ang utang na iyon!” Emotionally drained na si Noelle. Tumigil siya at humarap sa living room, sinabi niya, “Frank, Blake, nakauwi na ako.” Umaasa siya na sana sapat na ito. “Handa na ang hapunan,” anunsiyo ni Frank. “Mauna na kayo. Hindi ako gutom,” sambit ni Noelle bago siya umakyat. “Frank, tignan mo ang ugali niya! Hindi na talaga siya makontrol!” sambit ni Blake. Matamis na nagsalita si Xenia, sinabi niya, “Blake, huwag ka magalit sa kanya. Kasalanan ko naman. Mas mabuti siguro kung lisanin ko na lang ang pamilya Liddell, hindi sana magiging ganyan si Noelle.” “Huwag ka magsalita ng ganyan. Kung may aalis dito, si Noelle iyon. Bakit ikaw ang dapat na umalis?” sambit ni Blake. Narinig ni Noelle ang pinaguusapan nila habang paakyat siya ng hagdan. Binilisan niya ang pagpunta sa kanyang kuwarto, agad na inilock ang pinto sa likod niya. Sumandal siya doon, natatagalan bago mapakalma ang sarili niya habang nanggigilid ang mga luha niya. Tumingala siya sa kisame, pinilit na hindi tumulo ang kanyang mga luha. Sa pagkakataong ito, nangako siya sa kanyan sarili na hindi na mag-aaksaya sa walang kuwentang family bond. Sa sumunod na araw, pumasok si Noelle sa school tulad ng dati at sabay sila ni Xenia sa sasakyan. Nagtanong si Xenia, “Noelle, galit ka pa din ba?” “Xenia, hindi ka ba napapagod magkunwari?” ipinikit ni Noelle ang mga mata niya at sumandal, hindi na siya binigyan pa ng pansin. Nagdilim ang ekspresyon ni Xenia, pero dahil nandito ang driver, agad niyang ginamit ang nagpapaawa niyang itsura at ngumiti ng matamis. Agad na naisip ng driver na nagsusungit si Noelle kay Xenia at tinandaan na sabihin mamaya kay Frank. Sa school, nagfocus lang si Noelle sa klase niya at nagsusulat ng notes, sinusubukan na makahabol sa lahat ng namiss niya. Hindi niya binigyan ng pansin si Xenia at mga tagasuporta nito na nagbubulungan sa paligid. Mas marami nga naman siyang dapat unahin kaysa mag-aksaya sa mga petty na kalokohan. … Sa gabing iyon, noong umuwi siya, nakita niya si Lucas na maasim ang ekspresyon sa couch. Masayang lumapit si Xenia sa kanya at sinabi, “Lucas, nagbalik ka na! Namiss kita habang wala ka!” Malinaw na gumaan ang mood ni Lucas sa matamis na taktika ni Xenia. Samantala, si Noelle ay tinignan lang ang interaksyon nila bago siya umakyat ng hagdan. Tinawag siya ni Lucas, “Noelle, sabi ni Blake patindi ng patindi ang pagiging rebelde mo. Hindi ako naniniwala noong una, pero ngayon kahit ako ayaw mo ng batiin?” Bumuntong hininga ng pagod si Noelle. Heto na naman si Lucas. Para makaiwas sa pag-aaksaya ng oras, humarap siya at masunuring sinabi, “Hello, Lucas.” “Yan, ganyan,” sagot niya. “Oo nga pala, inaayos ko ang team ko. Si Frank at Blake ay pumayag na. Sasama ka din.” Humigpit ang kapit ni Noelle sa bag niya, naalala na ganito mismo ang nangyari na eksena sa nakaraan niyang buhay. Noon, sabik siyang pasayahin si Lucas at makuha ang atensyon ng mag kapatid niya, nag-ensayo siya ng husto hanggang sa naapektuhan na nito ang college entrance exams. At anong napala niya? Sinabi ni Lucas, “Noelle, napatunayan mo na ang sarili mo. Hayaan natin si Xenia na magkaroon ng pagkakataon na maging kampeyon.” Idinagdag pa niya, “Noelle, ako ang team captain. Kapag sinabi ko na magpapalit tayo ng players, magpapalit tayo ng players.” Sa nakaraang buhay niya, napahiya si Noelle sa pagpapalit kay Xenia sa kanya. Kung wala ang matinding dedikasyon niya, hindi sana nakarating sa finals ang team, pero binangko siya sa mahalagang sandali. Sa huli, ang pinaghirapan niyang katanyagan ng pagkapanalo ay napunta lang kay Xenia na parang inihanda pa niya. Anong nangyari sa effort niya? Sa pagkakataong ito, hinding hindi siya papayag na maulit muli ang pagkakamali. Matindi ang titig ni Noelle ng sumagot siya, “Lucas, gusto ko magfocus sa college entrance exams. Hindi ako puwede madistract ng gaming ngayon.” Direkta niyang tinanggihan ang ideya ni Lucas, o mas madaling sabihin, ang kanyang utos. Ang mga salita niya ay hindi paghingi ng ideya niya; sinasabi niya ng direkta ang gagawin niya. “Noelle, tama ba ang narinig ko? Tinatanggihan mo ang imbitasyon ko?” sumimangot si Lucas. Hindi niya naikunsidera ang posibilidad na tumanggi siya. Sumusunod si Noelle sa utos niya ng maraming taon na ng walang kuwestiyon. “Kung imbitasyon talaga ito, may karapatan ako tumanggi,” sagot ni Noelle, nananatili siyang nakatitig sa mga mata niya habang pinapanood niyang magdilim ang kanyang ekspresyon sa kahihiyan. Pero, hindi na siya nababagabag dito. “Noelle, mag-isip ka ng mabuti bago sumagot,” galit na sinabi ni Lucas. “Huwag ka magmatigas. Kung hindi, iiyak ka at magmamakaawa sa akin ng isa pang pagkakataon at hindi na kita pagbibigyan!” Narinig niya mula kay Blake kung anong mga nangyari, kabilang sa kung paano ibinigay ni Noelle ang championship trophy niya kay Xenia bilang paghingi ng tawad. Ito ang unang torpeyo na mismo niyang napalanunan bilang prop player, bagay na napakahalaga sa kanya. Hinatak ng mahina ni Xenia ang manggass ni Lucas at sinabi, “Huwag ka magalit. Ang pagsali sa team ninyo ay pangarap ko. Sigurado akong papayag din si Noelle.” Lalong nagalit si Lucas, tila ba nabastos siya sa pagtanggi ni Noelle. Tinitigan niya ng masama si Noelle at binigyan siya ng babala, “Noelle, one-time offer lang ito. Pag-isipan mo ito ng mabuti—sasali ka ba sa family team?” Natuwa si Noelle ng mapagtanto niyang puro salita lang si Lucas, na pinapaikot ng buo ni Xenia. “Noelle, pumayag ka na lang agad,” udyok ni Xenia, nagkukunwari siyang nag-aalala. “Huwag mo galitin si Lucas.” “Xenia, dahil pangarap mo na sumali sa team, puwedeng sa iyo na ang puwesto ko,” sagot ni Noelle bago umakyat patungo sa kuwarto niya. Sa itaas, inilabas ni Noelle ang mga libro niya at dumiretso sa kanyang homework. Naiwan siya ng sobra sa pag-aaral at hindi na kaya na mag-aksaya pa ng oras. Kinalaunan, kumatok ang housekeeper sa pinto. “Ms. Liddell, handa na ang hapunan.” “Pakidala ito sa kuwarto ko,” hiling ni Noelle. “Pero hinihintay ka nila Mr. Frank at iba pa sa dining room.” Malinaw na hindi sila pumapayag na kumain siya ng mag-isa sa kuwarto. Humigpit ang kapit ni Noelle sa panulat, nasa kontrol pa din siya ng pamilya Liddell at wala siyang magagawa kung hindi sumunod sa kanila. Matapos iyon, pumunta siya sa dining room. Si Frank, Blake, Lucas at Xenia ay nakaupo na sa mahabang dining table. Tahimik na kinuha ni Noelle ang pinakamalayong upuan, kumuha siya ng plato, at kumain ng hindi nagsasalita. Kakaiba ang katahimikan ng kuwarto hanggang sa narinig ang mahinang tawa ni Xenia, nabasag ang tensyon. Hindi nagtagal, sumali ang iba at gumaan ang pakiramdam sa paligid. Tumingin si Lucas kay Noelle bago sinabi ng malakas, “Xenia, ako mismo ang magtuturo sa iyo sa competitive gaming pagkatapos ng dinner. Ang taong matalino tulad mo ay makakasunod agad—mas higit pa siguro kaysa sa isang tao dyan!” Kita ang sabik sa mga mata ni Xenia. “Lucas, gagalingan ko! Hindi kita bibiguin!” Nanatiling hindi natitinag si Noelle sa palitan nila, iniisip na magandang ideya na hayaan si Xenia na sumali. Mawawala ang tiyansa ni Lucas sa kumpetisyon kapag natalo sila sa repechage. Hindi tulad dati, hindi nagtampo si Noelle o nagpakita ng reaksyon dahil wala na siyang pakielam. Matapos tahimik na tapusin ang pagkain niya, tumayo siya at magalang na sinabi sa grupo. “Tapos na ako. Pakienjoy ang pagkain ninyo.” Alam niya na kapag hindi niya ito sinabi, masesermonan na naman siya. Tumingala si Frank, nagualt sa kalmadong ugali ni Noelle kaysa ang karaniwang nagseselos niyang kilos. Ang boses niya ay lumambot ng ialok niya, “Noelle, sigurado ka na ayaw mo sumali sa family team? Gamit ang natural mo na talento at pagtutulungan nating lahat, puwede tayong manalo sa championship!” Malinaw na nagbibigay siya ng alok para magbago ang isip niya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.