Kabanata 4
Yumuko si Noelle at nagsimulang ubuhin ng matindi. Nakayuko ang manipis niyang likod na para bang ilalabas na niya ang baga niya.
“Huwag mo isipin na hindi kita tuturuan ng leksyon dahil nagkukunwari ka lang na may sakit ka!” galit na sinabi ni Blake. “Dapat inaalagaan mo si Xenia sa school, ikinukuha siya ng tubig at pagkain. Pero ang lakas ng loob mo na ikaw pa ang pagsilbihan!
“Hindi ka lang hindi nagpapasalamat, pero sadya mo pa siyang pinatid. May kunsiyensiya ka pa ba?”
Habang pinipigil ang pag-ubo, nagawa sabihin ni Noelle,” Hindi ko siya itinulak. Natumba siya—”
“Sinasabi mo na natumba siya dahil nawalan siya ng balanse? Sa tingin mo ba maniniwala ako sa walang kuwenta mo na palusot? Hindi mo ba aaminin na sinadya mo iyon?”
Mahapdi ang mga mata ni Noelle ng inayos niya ang kanyang likod. “Hindi.”
Tinamaan siya ng sampal na parang mabilis na hangin, nakaramdam siya ng matinding sakit sa pisngi niya. Pero ang sakit na naramdaman niya ay hindi maikukumpara sa sakit na nasa puso niya. Sobrang sakit nito na parang namanhid na siya sa pagdurusa.
“Blake, bakit mo siya sinaktan?” lumapit si Frank at hinatak sa isang tabi si Blake, na galit na galit pa din.
“May ginawa siyang masama at ayaw niya itong aminin. Hindi ko alam na may ganito pala akong klase ng kapatid!”
Habang nakatayo sa pinto, nakakaawa tignan si Xenia habang may benda ang kamay niya. Namumula ang mga mata niya ng magsimula siya magsalita, “Blake, ang sabi ko kasalanan ko ito. Wala itong kinalaman kay Noelle.”
“Xenia, masyado kang mabait. Kailangan ko turuan ng leksyon si Noelle ngayon para hindi siya mapunta sa maling landas!”
Noong itinaas muli ni Blake ang kamay niya, tumayo bigla si Cedric. Ang ingay ng sadsad ng upuan niya ay dumagungdong sa kuwarto.
Tinignan siya ni Noelle. Habang walang ekspresyon, sumandal si Cedric sa lamesa at nagtanong, “Ikaw ba ang pamilya ni Ms. Liddell?”
Tumango si Frank. “Oo. Kami ang mga kapatid niya.”
“May lagnat siya na 103°F, ang hinihinala ko ay may impeksyon siya. Kailangan niya na macheckup pa. Mayroon din siyang hypoglycemia at malnourished ng kaunti!”
“M-May sakit talaga siya?” nautal si Blake ng sabihin, malinaw na nagulat. Ang akala niya nagkukunwari lang siya na may sakit para makaiwas sa responsibilidad.
“Kung ganoon baka kailangan mo ipatingin ang mga mata mo,” kalmadong suhestiyon ni Cedric. “Sobrang linaw, pero hindi mo kita.”
Sapat na ang itsura ni Noelle para maging senyales na may sakit siya. Paanong hindi nila ito nakikita?
“Anong ipinapahiwatig mo?” naiinis na sinabi ni Blake.
“Wala. Nagiging malinaw lang ako,” malamig na sagot ni Cedric, nakasimangot siya. “Kahit na ampon ninyo siyang kapatid, responsibilidad ninyo na alagaan siya dahil inampon ninyo siya.”
Napangisi si Noelle ng maisip niya na akala ni Cedric siya ang ampon na anak ng pamilya Liddell.
“Siya ang tunay naming kapatid. Hindi siya ampon,” agad na sinabi ni Frank.
“Ang hirap mapansin,” sambit ni Cedric, tumaas ang kilay niya. “Kung hindi ninyo sinabi na kapatid ninyo siya, iuulat ko dapat sa mga pulis na may nangaabuso dito ng bata.”
Napatingin si Blake sa namamagang pisngi ni Noelle.
“Ano ba ang alam mo?” sambit niya. “Tinuturuan ko siya ng leksyon!”
Natahimik si Frank. Ang akala niya malusog si Noelle, hindi tulad ni Xenia, na maaaring magkasakit sa pagkakahulog sa pool.
Habang nakangisi kay Cedric, nagpatuloy si Blake, “Hindi mo alam kung gaano kadalas umiiwas sa responsibilidad si Noelle sa pagkukunwari na may sakit. Sa pagkakataong itom pinatid pa niya si Xenia ng sadya.
“Namatay ang ama ni Xenia sa pagligtas sa kanya. Minsan, tunay ko na gustong buksan ang dibdib niya para makita kung may puso ba talaga siya!”
Mahapdi ang lalamunan ni Noelle. Gusto niya na magpaliwanag pero hindi na siya nagsalita. Kahit na magsalita siya, hindi naman sila maniniwala sa kanya.
Kinagat ni Xenia ang labi niya. “Kasalanan ko itong lahat. Hindi dapat ako naging pabaya at pinilit ang sarili ko na ikuha ng pagkain si Noelle.”
“Kasalanan mo talaga ito,” sambit ni Cedric. “Dahil may sakit ka at may IV drip, hindi ka dapat nasa klase. Malinaw na alam mo na hindi mo dapat sagarin ang sarili mo habang may sakit ka, pero pinili mo na gumawa ng gulo. Tumigil ka sa pag-arte ng mahina para mabigyan ka ng dahilan.”
Nanlaki ang mga mata ni Noelle habang hindi siya makapaniwala habang nakatitig kay Cedric. Hindi siya makapaniwala na dinedepensahan niya ito. Napapaisip siya kung naniniwala siya sa side niya ng kuwento.
Namula ang mga mata niya. Kahit ang estranghero ay nakikita ang totoo, pero ang mga kapatid niya ay hindi ito naiintindihan. O baka pinili nila na kampihan si Xenia kahit na naiintindihan nila.
Nanigas si Xenia. Nagkiskis ang mga ngipin niya, napapaisip kung anong mayroon sa school doctor. Hindi ba niya nakikita kung paano niya sinubukan na tulungan si Noelle kahit na may sakit siya? Bakit hindi siya naantig sa kabaitan niya? Bakit dinepensahan pa niya si Noelle?
Pakiramdam niya may mali sa taktika niyang lagi na gumagana. Dahil wala siyang masabi matapos masaktan sa mga salita, napayuko na lang si Xenia.
Agad na ipinagtanggol ni Blake si Xenia. “Nasa klase si Xenia dahil sa entrance exam na wala ng 100 araw bago maganap. Hindi puwede na mamiss niya ang klase. Gusto niya na gumanda ang relasyon nila ni Noelle, pero sa kasamaang palad, hindi ito naaappreciate ng isa dyan.”
Kalokohan ito para kay Noelle. Ipinaalala ni Blake sa kanya na alagaan si Xenia, pero hindi sumagi sa isip niya na makakaapekto din ito sa pag-aaral niya.
Alam niya na wala ng 100 araw bago ang entrance exams, pero mas mahalaga ang grado ni Xenia kaysa sa kanya.
“Blake, iuwi mo si Xenia para magpahinga,” utos ni Frank.
“Frank!”
“Kinokontra mo na ba ako ngayon?”
Natahimik si Blake at umalis kasama si Xenia.
Naging tahimik muli sa infirmary.
“Noelle, okay lang kung ayaw mo ng alagaan si Xenia, pero hindi mo na dapat gawin ang ganitong mga bagay sa hinaharap.”
Nanatili si Noelle na nakayuko. Pumipintig sa sakit ang lalamunan niya, at hindi na niya gustong magsalita. Kinuha niya ang kumot at nagtalukbong, gusto niyang mapag-isa. Hindi niya gusto makita ang kapatid niya.
“Kung patuloy ka sa kalokohang ito, kahit ako hindi na kita mapapagtakpan,” babala ni Frank, may bakas ng irita ang tono niya.
Hinatak niya pabalik ang kanyang blanket. “Sumama ka sa akin. Kailangan natin mag-usap!”
Kailangan niya makausap si Noelle. Hindi na puwede magdusa pa si Xenia.
Diniinan pababa ni Cedric ang braso ni Frank at tinitigan siya ng masama. “Puwede lang siyang umalis kapag naubos na ang IV bag. Ang mga miyembro ng pamilya ay dapat na maghintay sa labas.”
Nahirapan si Frank kumontra sa malamig at ayaw magpatalong mga mata ni Cedric.
Gulat na napatingala si Noelle, napansin niya kung gaano katangkad si Cedric sa harap ng mga kapatid niya. Napansin niya ang pulang pangit na peklat sa braso niya, malinaw na kapansin-pansin.
Mayroon din siyang kaparehong peklat sa paa niya mula sa aksidente noong maliit pa siya. Napapaisip siya kung naaksidente din ba siya noon.
Pero hindi natinag si Frank. “Ako ang kapatid niya, at iuuwi ko na siya. May doktor kami sa bahay.”
“Kung ganyan naman pala, bakit ninyo hinayaan na magdusa siya sa sakit niya ng ganitong katagal?”
Matapos mapansin ang namumutlang itsura ni Noelle, sumagot si Frank. “Hindi niya sinabi kahit kanino na may sakit siya.” Sinubukan niya na hawakan ang noo niya kanina, pero umiwas siya. Kaya, naisip niya na hindi siya dapat sisihin para doon.
Maaaring pinapalala niya ng sadya ang kundisyon niya para makaiwas sa responsibilidad.
“Mr. Liddell, tatawag ako sa pulis para sa child abuse kung magiging mapilit ka na kunin siya,” sambit ni Cedric, hindi natutuwa ang boses niya. “Base sa batas, ang batang ito ay maaaring mag-apply para sa personal safety protection kung dumaranas sila ng domestic violence.”
“Ako ang tunay niyang kapatid. Ako nag guardian niya!”
“Pero nakita kita kanina na saktan siya. Ang surveillance footage ay ebidensiya. Sigurado ako na patas ang panghuhusga ng mga pulis.”
Kalmado si Cedric pero hindi nagpapatinag. “Hindi niya gusto sumama sa inyo ngayon. Wala kang karapatan na pilitin siya.”
Bumilis ang tibok ng puso ni Noelle. Sinulyapan niya ang lalakeng nasa harapan niya.