Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 13

Matapos marinig si Bruce na magsalita, nabigla ng kaunti si Noelle. Hindi niya inaasahan na babanggitin niya ang kundisyon sa pagsagot niya muli sa exam. Tinginan niya si Lucas at Xenia, kalmado ang kanyang ekspresyon. Ngunit, naging kakaiba ang ekspresyon ni Lucas. Lagi siyang sinusundan ni Noelle noon, walang ginagawa na kahit na ano para hindi siya maging kumportable. Bilang nakatatandang kapatid, sanay siya na nagmamataas at nasusunod. Ang paghingiin siya ng tawad ngayon ay parang pagpili na piliin niya ang kamatayan—pagdurusa ito para sa kanya. Agad na sinabi ni Xenia, “Noelle, kailan ka gumaling? Hindi namin alam na nag-aaral ka ng palihim sa bahay. Ginalingan mo ng husto para gumanda ang grade mo, pero pinaghinalaan ka ng iba na nandaya ka. Si Lucas ang unang pumunta sa school para tulungan ka. Ang bait niya talaga sa iyo.” Pagkatapos niya gumawa ng palusot para kay Lucas, malamig siyang nagsalita. “Xenia, huwag ka na magsalita. May mga tao na hindi talaga makakaintindi.” Kuntento siyang tumingin kay Xenia, iniisip na ganito dapat ang ugali ng isang kapatid na babae. Ngumiti ng kaunti si Noelle at sinabi, “Oo, agad siyang pumunta sa school. Ano naman? Gusto niya na sabihin ko kay Mr. Kramer na nandaya ako. Pipilitin niya ako na sumulat ng letter of apology at pahingiin ako ng tawad sa harap ng buong school. Gusto mo ba ng ganitong pagtrato?” Natahimik bigla si Xenia. Dahil sa galit at kahihiyan, sumigaw si Lucas, “Noelle, lihim ka na nag-aral ng mabuti ng hindi sinasabi sa amin, kung saan naging dahilan para isipin ko na nandaya ka. Sige, gumanda ang grades mo, pero anong punto na ginawa mo ito? Sa tingin mo ba nakakatuwa ito?” Nagsalita ulit si Bruce habang nakatingin kay Lionel. “Sino ang unang umakusa kay Noelle na nandaya siya? Papuntahin sila dito para humingi ng tawad.” Agad na ipinatawag ni Lionel sina Gwen at Betty. Hindi pa din alam ni Gwen at Betty ang nangyari, iniisip nila na nandaya talaga si Noelle. Mayabang nilang sinabi, “Mr. Kramer, sinasabi namin na nandaya so Noelle para makuha ang grades niya. Tapos na ba ang imbestigasyon. Tumango si Lionel. “Oo, malinaw na hindi nandaya si Noelle. Dapat kayong humingi ng tawad sa kanya.” Natulala ang dalawa. Hindi nandaya si Noelle? Paano iyon nangyari? Agad na nagkuwanri na mabait si Xenia. “Hindi nandaya si Noelle. Sinabi ko sa inyo na huwag kayo magkakalat ng balitang hindi totoo. Dapat kayo humingi ng tawad sa kanya.” Matapos iyon, nakadistansiya na siya mula sa sitwasyon. Nag-aalinlangan na humingi ng tawad sina Gwent at Betty kay Noelle. “Pasensiya na, mali kami. Hindi namin dapat sinabi ang mga bagay na iyon.” Tinignan ni Lionel si Noelle at nagtanong, “May iba ka pa na hiling?” Umiling-iling si Noelle. “Wala na.” Tumango ng kuntento si Lionel. “Masipag mag-aral si Noelle. Pero bumaba ng husto ang grado ni Xenia.” Nahiya si Xenia, lalo na ng makita ang magandang resulta ni Noelle. Nakakahiya ito para sa kanya. Kumurap siya at sinabi, “Ano… nadistract lang ako ngayon. Hindi na ito mauulit muli.” Nahiya din si Lucas. “Ano ang punto ng magandang grades? Mas marami kang makukuhang katanyagan at pera sa paglalaro kaysa sa mga grades mo.” Ganoon din ang iniisip ni Xenia. Malinaw na naiinis si Lionel sa ugali ni Lucas at pinili na banggitin ito. Humarap siya kay Xenia, at madiin na sinabi, “Dapat matuto ka kay Noelle.” Kinagat ni Xenia ang labi niya at mabilis na lumabas ng opisina. Tinitigan ng masama ni Lucas si Noelle. “Ano naman kung maganda ng isang beses ang resulta mo? Sa tingin mo ba puwede ka na magyabang dahil natalo mo si Xenia? Abala siya dahil sa team, kaya bumaba grades niya. Wala kang ginawa para makuha ang resulta mo, kaya wala kang karapatan para magyabang.” Tumingin si Noelle. “Nagyabang ba ako?” Nakielam si Bruce, “Malinaw ko na narinig si Mr. Kramer na sinabi ang mga bagay na iyon, pero walang sinabi si Noelle. Bilang guardian, hindi ka dapat biased.” Nabigla si Lucas at sumagot, “Hindi ako biased. Ganito lagi si Noelle.” Pagkatapos, umalis na siya para humabol kay Xenia. Humarap si Noelle kay Bruce. “Salamat.” “Hindi mo ako kailangan pasalamatan. Mayroon kang abilidad, at nararapat lang ito sa iyo. Bumalik ka na sa klase mo. Kailangan ko makausap ang mga teacher at bigyan diin ang ilang mga bagay.” Nilisan ni Noelle ang opisina tulad ng utos. Nakalakad siya ng ilang hakbang sa corridor ng bigla niyang makita si Cedric na suot ang puti na lab coat. Nakasandal siya sa pader, mukhang may hinihintay. Nagkatinginan sila, at mabilis na tumibok ang puso niya. Tumayo ng tuwid si Cedric, kalmado ang boses niya. “Kumusta?” “Nagtagumpay ako, siyempre! Nag-exam ako ulit dahil kay Mr. York, at mas maganda pa ang resulta ko kaysa noong huli.” Tumingala ng proud si Noelle. Sa mga oras na ito, pakiramdam niya nagtagumayp siya ng mahanap niya ang kanyang rason. Yumuko si Cedric ng kaunti, steady ang boses niya. “Humingi ba sila ng tawad?” Panandalian siyang natulala at napaisip kung ang tinutukoy ba niya ay si Xenia at Lucas. Umiling-iling siya. “Ang mga scapegoats lang ang humingi ng tawad. Ang mga umalis ng eksena ay hindi, pero wala akong pakielam. Naging sampal ito na malakas sa kanila!” Gayunpaman, masaya siya. Napangiti si Cedric. “Hanapin mo ako pagkatapos ng klase.” Matapos iyon, naglakad na siya palayo. Napansin niya na may palapit galing hallway, kaya hindi na siya nagtanong. Tumalikod siya at bumalik sa klase. Naging tahimik ang ingay sa klase. Hindi nagtagal at pumasok si Lionel. Inanunsiyo niya na lehitimo ang grado ni Noelle at walang pandarayang naganap. Napalugmok si Xenia sa upuan at mukhang bigo. Kahit ang cake ay hindi naging dahilan para maging interesado siya. Kailangan niya makahanap ng paraan para mapigilan ang pagtaas ng grades ni Noelle. Paano naging nakahihigit si Noelle sa kanya? … Pagkatapos ng klase sa tanghali, dumiretso si Noelle sa infirmary. Nakaupo si Cedric sa upuan, nakatingin ng pumasok siya. “Natapos mo na ang homework mo?” “Sinabihan kami na aralin ang aming pagkakamali, pero natapos ko na ang lahat.” Hindi siya nagkaroon ng pagkakamali. Ang mga nagawa niyang pagkakamali ay mula sa mga topic na hindi pa niya naiintindihan ng mabuti. Pumindot siya sa computer sa tabi niya. “Maglaro tayo. May account ka ba?” “Oo, pero gusto kong gumawa ng bago.” “Okay. Pareho tayong maglalaro gamit ang bagong account.” Hindi plano ni Cedric na gamitin ang main account niya kapag nakipaglaro siya sa kanya. Binuksan ni Noelle ang laro at kaswal na pinalitan ang username niya sa “SweetNelly.” Noong pumasok siya sa laro, hinanap niya si Cedric. “Anong username mo? I-add natin ang isa’t isa bilang friends.” Noong makita niya ang kanyang screen, nakita niya na pamilyar ang pangalan. Ang pangalan ay “ReverseTime”. Agad siyang may naalala. Sa nakaraan niyang buhay, mayroon siyang online lover na ganoon ang username. Tumaas ang kilay ni Cedric. “Anong tinitignan mo? Accept mo na ang friend request ko.” Namula si Noelle, at agad niyang tinanggap ang request, nasabik siya ng kaunti. Pero, sa nakaraang buhay niya, hindi niya nakilala ang online lover niya sa ganitong mga oras. Napaisip siya kung nagkataon lang. Lihim siyang tumingin sa kanya. “Bakit mo pinili ang username na ito.” Tumigil siya sandali. “Napili ko lang ito ng random.” Tumango si Noelle at naisip na baka nagkataon lang ito. Matapos pumasok sa laro, nagsimula sila sa starting area para gawin ang mga task. Batid ni Noelle na hindi baguhan si Cedric. Naisip niya na marahil naglalaro siya sa bagong account para samahan siya, pero hindi na siya nagtanong masyado. Ang gameplay niya ay kapareho ng isang tao sa nakaraang buhay niya. Hindi niya mapigilan na magtanong, “Dr. Greene, ito rin ba ang pangalan ng main account mo?” “Hindi.” “Unang beses mo itong gumawa ng bagong account gamit ang pangalan na ito sa laro?” Tumingin si Cedric sa kanya. “Oo. Bakit mo tinatanong?” Yumuko bigla si Noelle, agad na nag init ang mukha niya. “Wala lang.” Kailangan niya ng paglilinaw. Napapaisip siya kung si Cedric ba talaga ang taong iyon. Pero, hindi tugma ang timing. Sa nakaraang buhay niya, nakilala niya ang taong iyon pagkatapos ng repechage. Tinuruan siya nito kung paano siyang gagaling at hindi nagtagal, nakarating na siya sa finals. Kahit na hindi pa niya nakikilala ng personal ang taong iyon bago siya namatay, nagpapasalamat pa din siya sa kanyang tulong noong nasa kalye na siya. Nadistract si Noelle ng kaunti. Pagkatapos nila ni Cedric an gawin ang task at lisanin ang newbie area, nakaengkuwentro nila ang isa pang team habang ginagawa ang susunod na task. Noong nakita niya ang pangalan ng team, hindi niya mapigilan na magpakita ng mapanglait na ekspresyon. Si Lucas at Xenia. Sumingkit ang mga mata ni Cedric. “Gusto mo silang labanan?” “Para saan? Pareho tayong bagong account, at ang gears natin ay walang laban sa kanila. Kung lalabanan natin sila ngayon, naghahanap lang tayo ng gulo.” Kahit na sinabi niya iyon, natutukso pa din siya. Sinabi ni Cedric, “Hintayin natin hanggang sa matapos sila sa task. Puwede natin agawin ang last kill ng boss kapag low health na.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.