Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2

Hindi nagulat si Cameron sa engrande niyang nakita. “Binabati kita, Mr. Morgan!” sambit nilang lahat. Tumango si Cameron bago sumakay sa isa sa mga sasakyan. Sinagot niya ang tawag na natanggap niya pagkatapos. “Sir!” magalang na sinabi ng lalake sa kabilang linya. “Blackheart,” mahinhin na sinabi ni Cameron. “Maligayang pagbabalik po, sir! Sa mga oras na wala ka po, itinago ko po ang dalawang daang bilyon halaga ng mga assets mula po sa 150 na kumpanya na nakalagay sa pangalan mo. Ngayon po at nagbalik ka na, ililipat ko na po ito ulit sa pangalan mo.” “Hindi mo kailangan magmadali. Nasanay na ako sa mabagal na buhay sa nakalipas na limang taon.” “Ang babae po na nagbagsak sa iyo,” malamig na sinabi ni Blackheart. “Gusto mo po ba na mabangkrupt ang kumpanya niya, sir?” Hindi lalago ang business ng kumpanya ng babaeng iyon kung hindi dahil sa utos ni Cameron. Paano pa kaya siya makakapasok sa top ten lsit ng bussinessmen sa Yrando kung hindi dahil sa kanya? Inggratang babae! “Hindi na kailangan. Hayaan mo na siya.” Sinabi ni Cameron. Hindi kailangan na maging masama sa kanya. Minsan nga naman silang ikinasal. Bukod pa doon, wala ng nararamdaman ni Cameron para kay Madison matapos makita ang kanyang tunay na kulay. Simula ngayon, magkaiba na sila ng tatahaking landas. “Opo, sir!” sagot ni Blackheart. “Balak mo po ba na manatili sa Yrando, sir?” “Mhm. Hindi ko pa naiisip kung saan ako pupunta.” “Kung ganoon, ipapasa ko na po sa inyo ang limang kumpanya sa Yrando, sir!” “Tuso ka talaga…” natawa si Cameron, umiling-iling siya. “Sige. Ako na ang bahala kung ganoon.” “Yes, sir. Kung bibilangin ang hotel, mayroon kang limang kumpanya sa Yrando. Ang Darth Holdings ang may pinakamataas na net worth na 30 billion at isa sa top companies sa Yrando. Higit ito ng husto kumpara sa kumpanya na ikalawa pagdating sa halaga.” “Darth Holdings?” kuminang ang mga mata ni Cameron. “Tutungo muna ako doon.” Ang Darth Holdings ang unang kumpanya na itinaguyod ni Cameron. May espesyal itong halaga para sa kanya. “Kailan mo po balak pumunta, sir?” “Mga 3:00 pm mamaya.” “Sige po, sir. Ipapaalam ko po kay Mr. Kane para hintayin ka niya sa office ng 3:00 pm!” “Sige.” Ibinaba ni Cameron ang tawag. Umiling-iling siya at inisip kung paano manatiling strikto si Blackheart sa kanyang trabaho. Pero ang bilis talaga lumipas ng limang taon. Halos bitawan ni Cameron ang lahat para kay Madison. Wala siyang alam tungkol dito. Pero hindi nagsisis si Cameron dito. Dahil lang sa babaeng nakasuot ng pangkaraniwang damit at binigyan siya ng tinapay labinglimang taon na ang nakararaan. Sa panahon na iyon, napalayas si Cameron mula sa kanyang pamilya dahil sa sakit niya at nagpalaboy laboy sa kalsada. Sinabi sa kanya ng babae na matamis ang buhay noong ibigay niya ang tinapay. Mabilis siyang kinuha ng kanyang caretaker pero naiwan ang pink hair bow niya na nahulog mula sa kanyang ulo. Pinulot ito ni Cameron at nangako na tatandaan ahabang buhay ang sinabi niya sa kanya. Pagkatapos, kinuha siya ng misteryosong matanda. Hindi lang ginamot ng matanda ang sakit niya, pero itinuro pa sa kanya ang lahat ng nalalaman niya. Kaya nagkaroon ng kakayahan si Cameron na tumayo sa tuktok ng mundo. Nakatanggap siya ng maraming olive branches at mga love letters mula sa hindi mabilang na dami ng royal families sa nakalipas na mga taon, pero tinaggihan niya itong lahat. Ang babaeng iyon lamang ang nasa mga mata ni Cameron. Dahil dito, nagbunga ang effort niya. Nagawa niyang hanapin ang babae gamita ng hair bow limang taon na ang nakararaan—si Madison Parker. Hamak na empleyado lang si Madison noon. Pinili ni Cameron na bitawan ang lahat at manatili sa tabi niya. Hindi niya ito sinabi kay Madison. Sinong mag-aakala na magkakaganito sa huli? Itinago ni Cameron ang hair bow sa isang kahoy na kahon. Inilagay niya ito sa aparador sa kuwarto nila ni Madison. Hindi niya ito isinama pabalik dahil hindi na siya interesado dito. Hindi balak manatili ni Cameron ng mahigit sa isang linggo. Marami siyang mahalaga mga bagay na dapat asikasuhin. “Magmaneho ka muna sa Yrando bago dumiretso sa kumpanya,“ utos ni Cameron sa driver. “Masusunod po, Mr. Morgan.” Mabilis na umalis ang hukbo ng mga Maybach. Ang itsura nila ay naging dahilan para matulala ang security detail sa villa. Sino ang makapangyarihang ito na may kahanga-hangang lineup? Sa kabilang banda, nakatanggap ng tawag si Madison mula sa nanay niya habang nililinis ang bahay. “Ano iyon, Ma?” “Gusto ko lang itanong kung kumusta na ang pakikipaghiwalay kay Cameron.” “Naging maayos naman, Ma.” “Hindi ka kinuhanan ng lalakeng iyon ng pera, hindi ba?” “Huwag ka mag-alala, Ma. Hindi ko siya hahayaang kumuha kahit na isang sentimo!” sagot ni Madison. Libreng ginamit ni Madison ang mga resources niya sa nakalipas na mga taon. Managinip siya kung gusto pa niya ng compensation para sa paghihiwalay nila! “Mabuting balita iyan. Oo nga pala, kumusta ang namamagitan sa inyong dalawa ni Mr. Price ngayon?” “Mabuti naman, Ma,” sagot ni Madison. “Bilisan mo na at imbitahan siyang magdinner. Ipagluluto ko kayong dalawa at ayusin na ninyo ang kasalan. Siya ang pinakanakakatangda sa apat na pinakamayamang pamilya sa Yrando. Kapag nasiguro na ang kasal ninyo, ang kinabukasan natin ay…” “Alam ko, Ma. Sasabihin ko ang tungkol dito kay Archie. Pupunta ako sa Darth Holdings kasama siya para sa business meeting.” “Sige anak. Hindi na kita iistorbohin kung ganoon. Bye.” “Okay, bye.” Ibinaba ni Madison ang tawag. Noong maisip niya si Archie at Cameron, agad na napuno ng galit ang puso niya ng maisip si Cameron. Nanatili si Madison sa isang mahina na katulad ni Cameron ng limang taon! Kung hindi siya naging sagabal sa kanya, napakasalan na asana niya si Archie at naging Madam Price na! Dahil nagagalit siya, naisip ni Madison na itapon ang lahat ng gamit ni Cameron. Noong pumunta siya kuwarto, ang una niyang ginawa ay itapon ang mga damit ni Cameron mula sa aparador. Noong nakarating si Madison sa pinakababa, nakakita siya ng kahoy na kahon. Binuksan niya ito out of curiosity. Mayroon makapal na patong-patong na mga papel. Tinignan ni Madison ang mga papel at nakita na ang lahat ng mga ito ay love letter para kay Cameron. Ang isa ay mula sa anak ng ex-president ng Merricania, ang isa naman ay mula kay Princess Iracebeth ng Sunsettia… Ang lahat ng mga sumulat ay nagmula sa mga sikat na magaganda at makapangyarihan ang background. Ang isa sa kanila ay mula pa sa pinakamatandang anak ng pamilya Jones ng capital ng Andura, sa Leving! Masama ang ekspresyon ni Madison. Hindi siya naniniwala na ang mga sulat na ito ay para talaga kay Cameron! Isa lang ang dahil na naisip ni Madison—may lihim na pantasya si Cameron sa mga babaeng ito sa nakalipas na limang taong pagsasama nila kaya gumawa siya ng pekeng mga love letter na mula sa kanila! “Ang bastos na iyon!” nagmura si Madison, nandidiri siya. Galit niyang isinara ang kahon sa sahig kung saan kumalat ang mga papel. Isang pink na hair bow ang nahulog mula sa kahon. “Ano…?” nakafocus ang mga mata ni Madison sa hair bow. Kinuha niya ito, tila pamilyar. Sandali. Hindi ba’t ito ang bow na binili nila ni Dakota noong magkasama sila sa winter’s day noong bata pa sila? Bumili si Madison ng eksaktong kopya ng kay Dakota noon at napagkasunduan na gamitin ito bilang pagkakaibigan nila. Itinago ni Madison ang bow niya sa nakalipas na mga taon. Bakit may kaparehong ganito si Cameron?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.