Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 15

Dahil sa mga sinambit ni Cameron, naging tahimik sa banquet hall. Pero hindi nagtagal, nagkaroon ng komosyon sa mga tao sa paligid. “Haha! Narinig mo ba ang sinabi niya?” “Oo, ikakansela daw niya ang kasal!” “Kanselahin ang kasal? Sa tingin ba niya siya ang may ari ng barko o misteryosong tao?” “Sa tingin ko nagiging desperado na siya sa pag-arte!” “Mr. Zeller, paano mo yan nagawang sabihin? Haha! Nakakatawa. Hindi ako matigil kakatawa…” “Heh!” mapanghamak na ngumiti si Madison at tinitigan si Cameron. “Cameron, hindi mo ba naiisip na para kang isipi bata para magsalita ng ganyan?” “Sa tingin ko hindi naman.” Kalmado si Cameron. “May pupunta dito para maayos ang lahat sa loob ng limang minuto.” “Tumigil ka na, Cameron!” Sumigaw ng malakas si Madison. Hindi na niya gusto na makinig pa sa kanya. “Sino ka ba sa tingin mo para kanselahin ang kasal ko gamit ang isang tawag? Bakit hindi mo tignan ang sarili mo?” “Mayroon ka pang apat na minuto at 50 na segundo.” Nagbilang ng Cameron. “Argh!” nagalit si Madison. “Cameron, tama na!” Sa pagkakataon na ito, sinabi ni Archie ng malalim ang boses niya, “Mabait ang asawa ko dahil binigyan ka niya ng pagkakataon na dumalo sa kasal niya. Dapat magpasalamat ka!” “Maikukunsidera ba ito na binibigyan ako ng pagkakataon?” ngumisi si Cameron. “Kung hindi, paano ka magiging kuwalipikado na makapasok sa banquet hall na ito?” mapanghamak ang itsura ni Archie. “Ganoon ba?” walang pakielam na sagot ni Cameron. Nainis si Archie sa ngiti niya. “Naniniwala ka ba na isang salita ko lang at hindi ka na makakatapak sa Yrando?” “Hindi, hindi ako naniniwala.” Hindi nag-alinlangan si Cameron. “Sige.” Galit na huminga ng malalim si Archie at tinignan ang mga bisita sa ibaba ng entablado. “Ladies and gentlemen, nakita ng mga tao dito kung gaano kaarogante ang lalakeng ito. Tinakot pa niya na sirain ang kasal namin ng asawa ko. “Gusto ko humingi ng pabor sa inyong lahat. Na iblacklist si Cameron Morgan para hindi siya mabuhay sa Yrando! “Siyempre, hindi ko kayo tutulungan at walang gagawin. Ang kahit na sinong tumulong sa akin ngayon ay tutulungan ng pamilya Price sa hinaharap!” Habang nagbibigay ng speech, mapagmataas ang dating ni Archie. Hindi lang ito dahil sa pagkakakilanlan niyang anak ng isa sa pinakamayamang pamilya s Yrando pero dahil ginanap ang kasal niya sa Venizon Cruise! Sa loob ng ilang sandali, magpapakita si Lord Blackheart at ibibigay ang blessing niya sa kasal niya! Noong nagsalita si Archie, nagsimula magbulungan ang mga tao. “Mr. Price, sa totoo lang, sakit sa mata ang taong ito! May koneksyon ako sa lahat ng mga banko. Basta gusto mo, magiging frozen ang lahat ng accounts niya. Siguradong mahihirapan siya sa Yrando sa hinaharap!” “Maraming salamat sa kabaitan mo, Mr. Lowe. Tatandaan ko ito.” Pinagsalikop si Archie ang mga kamay niya para ipakita ang pasasalamat niya. “Ako ang presidente ng branch ng Yrando sa isang major mobile company. Basta sabihin mo lang, Mr. Price, iboblock ko ang lahat ng mobile numbers niya para hindi niya magamit ang kanyang phone!” “Ako ang presidente ng major telecommunications branch. Puwede ko ipablock ang lahat ng numero niya at wireless network!” “Ako ay shareholder ng natural gas company sa Yrando. Puwede ko siguruhin na hindi magagamit ni Cameron ang natural gas sa Yrando buong buhay niya!” “Ako ay mula sa water and electricity bill company…” “Mula ako sa power copany…” “Ako naman ay sa metro and bus company…” Sa isang iglap, hindi mabilang na malalaking mga tao ang nagsalita. Nasabik si Pia sa eksena. Ito ang impluwensiya ng manugang niya sa Yrando! Taas noong sinabi ni Archie. “Nakita mo ba iyon? Ito ang mangyayari sa iyo kapag kinalaban mo ako.” “Hehe.” Ngumisi ng walang pakielam si Cameron. “Ikaw!” nagalit si Archie. “Sige! Hahayaan ko na maranasan ng katulad mo ang mablacklist!” Matapos makita na nagkakagulo na, hindi mapigilan ni Dakota na kumbinsihin si Archie, “Mr. Price, kalimutan na natin ito. Kasal ninyo ni Maddy ngayon. Huwag ninyo hayaan na masira ang mood niny.” Naantig ang puso ni Cameron. Hindi niya inaasahan na ipagtatanggol pa din siya ni Dakota kahit nalaman na niya ang kanyang pagkakakilanlan. Sumimangot si Madison ng hindi natutuwa. “Dakota, bakit mo kinakampihan ang katulad niya? Hindi mo ba nakita kung gaano siya kaarogante?” “Maddy, ano…” “Sige, huwag ka na magsalita!” Hindi pinatapos magsalita ni Madison si Dakota. Humarap siya sa mga malalaking mga tao at sinabi, “Lahat kayo, pakiblacklist ang taong ito ngayon din!” “Walang problema, Ms. Parker!” Sumagot ng sabay sabay ang mga malalaking tao at inihanda na iblacklist si Cameron. Thud! Thud ! Thud! Narinig nilang lahat ang sabay sabay na mga yabag sa labas ng banquet hall. Pagkatapos, dose-dosenang mga sundalo na nakasuot ng itim na kalasag at may mga baril ang nagpakita sa pinto. Napukaw ang atensyon ng lahat ng mga bisita. Humarap doon ang lahat. Ito ang personal na hukbo ni Lord Blackheart—ang Black Flag Army! Sa madaling salita, naalarma ng insidente si Lord Blackheart! “Mr. Price, kailan mo kinontak si Lord Blackheart? Bakit hindi namin napansin?” sumipsip ang isa sa mga malaking mga tao. Positibo siya na ang nag-iisang tao na may kapangyarihan tawagin ang Black Flag Army ay si Archie. “Huh?” dito lang nakarecover sa gulat si Archie. Sinabi niya ng nakangiti, “Haha, ginawa ko ito ngayon lang.” Hindi niya puwede sabihin na wala siyang alam dito. Gayunpaman, naisip ni Archie na patunay ito na sineseryoso ni Lord Blackheart ang kasal niya. Kung hindi, paano malalaman ni Lord Blackheart ang sitwasyon at ipapadala ang Black Flag Army dito para asikasuhin ito? Mukhang aprubado ang potensyal niya mula kay Lord Blackheart! “Dear, ang galing mo!” nanginig sa tuwa si Madison. Nagpakita ng isap ang sopresa si Archie ngayon! Pakiramdam niya na ang pakikipaghiwalay kay Cameron at pagpapakasal kay Archie ang pinakamagandang desisyon na ginawa niya! Matapos makita ang kahanga-hangang eksena, nasabik si Pia at Skyler. Dahil makapangyarihan ang backer nila na si Archie, magagawa nila ang kahit na ano sa Yrando! Sa kabaliktaran naman, pinagpawisan ang mga kamay ni Dakota ng makita ang Black Flag Army. Ngayon, sumobra na ang sitwasyon! “Cameron, hindi ba’t nagyayabang ka kanina?” sa oras na ito, tinignan ni Madison si Cameron ng mayabang. “Ngayon at nandito na ang Black Flag Army, ano pa ang masasabi mo?” “Paano kayo nakakasiguro na hindi ako ang nagpatawag sa kanila dito?” ngumiti ng kaunti si Cameron. “Ikaw!” Nagalit si Madison sa sinabi ni Cameron, humarap siya kay Archie. “Dear, hindi ko na talaga matiis ang yabang ng lalakeng ito sa harap ko. Utusan mo na ang Black Flag Army na itapon siya sa dagat at ipakain sa mga pating para ituloy ang kasal natin.” “Walang problema.” Mayabang na sinabi ni Archie. Nilinaw niya ang boses niya at magalang na sumigaw, “Mga kapatid sa Black Flag Army, pakitulungan ako itapo ang lalakeng ito sa dagat at ipakain sa mga pating!” Matapos magsalita, hindi kumilos ang Black Flag Army sa pinto. “Huh?” Natulala ang lahat. Sa tingin niya masyadong mahina ang boses niya, kaya sumigaw siya ulit ng malakas, “Mga kapatid sa Black Flag Army, pakitulungan ako itapo ang lalakeng ito sa dagat at ipakain sa mga pating!” Sumigaw siya hanggang sa namula ang mukha niya. Pero, nanatiling hindi kumikilos ang Black Flag Army. “Tumigil ka na sa pagsigaw.” Sa oras na ito, isang malalim at malamig na boses ang narinig sa banquet hall. Whoosh! Sa isang iglap, ang walang kilos na Black Flag Army ay nahati sa dalawang row. Isang matangkad na lalake na nakaitim na coat ang naglakad sa isang red carpet. Gray na ang buhok ng lalake at walang emosyon ang mukha. Pero ang aura niya ay malakas at hindi makahinga ang mga tao sa paligid. “Si Lord Blackheart!” Hindi nakahinga ng mabuti ang lahat ng tao sa oras na ito. Hindi mabilang na mga mata ang sumunod kay Lord Blackheart! Hindi binigyan ng pansin ni Blackheart ang mga tao at tumigil sa harap ni Cameron. Nanginig ang lahat, nagyayabang ang mga ekspresyon nila. Sabik na sabik sina Archie at Madison. Hindi nila inaasahan na ipagtatanggol sila mismo ni lord Blackheart! Hindi ba’t sinabi ni Cameron kanina na siya ang nagpatawag sa Black Flag Army? Sinabi pa niya na magkakilala sila ni Lord Blackheart! Ngayon, hindi niya mahintay na makita kung paano siya sampalin ni Lord Blackheart sa mukha! Sa harap nilang lahat, naging magalang ang mukha ni Blackheart at nawala ang lamig at higpit. Pagkatapos, yumuko siya ng 90 degree’s kay Cameron. “Sir!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.