Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content
Buhay IslaBuhay Isla
By: Webfic

Kabanata 8

”Pasensya na. Nakaistorbo ba? Sobrang kati kasi. Hindi ko napigilan.” Isang bahagyang pamumula ang bumalot sa namumutlang mukha ni Freya habang humingi siya ng tawad. “Ayos lang. Sobrang sakit nitong susunod. Tiisin mo lang,” matapat na sabi ni Ryan bago dumura ng dugong itim. Muli siyang lumapit at sumipsip ng isa pang beses. Hindi siya huminto hanggang sa naging pula ang dugong dinura niya. Sa bawat pagsipsip, mahinang halinghing ang pinakawalan ni Freya. Maiisip ng ibang makakarinig na may nangyayari sa kanila. Hindi alam ni Ryan kung gaano niya katagal sinipsip ang sugat nito. Hindi nagtagal, sa wakas ay naging madilim na pula ang dugo ni Freya. Binitawan niya ang binti ni Freya at nakahinga ng maluwag. “Maayos ka na sa ngayon. Pero hindi ka pa ganap ng ligtas. Hindi ko mauubos ang kamandag ng ahas sa pamamagitan lamang ng pagsipsip,” paliwanag niya. “Oh? Kung gayon, anong dapat gawin natin? Ryan, medyo nahihilo na ako ngayon. Parang nasasakal na rin ako. Pakiusap, iligtas mo ako. Ayokong mamatay,” pagsusumamo ni Freya. Sinubukan niyang bumangon ngunit bumagsak muli sa lupa. Namumula ang mga mata sa kakaiyak, tumingin siya kay Ryan. “May natitira pa kasing kamandag ng ahas sa katawan mo. Huwag kang masyadong mataranta.” Pinunasan ni Ryan ang dugo sa bibig niya at tumingin sa paligid. Gusto niyang tingnan kung may mga puno ng niyog sa malapit para makaakyat siya at pumitas ng buko. Matapos sipsipin ang dugo ni Freya na may kamandag ng ahas, kailangan niyang banlawan ang kanyang bibig ng tubig ng buko upang maiwasan ang pagkalason. Ngunit walang mga puno ng niyog sa malapit. Pagkatapos, naalala ni Ryan na meron silang dalawang niyog na natitira sa kampo. Sa loob lang ng ilang segundo ay nakapagdesisyon na si Ryan. “Ibabalik muna kita sa kampo namin. Tara na.” Lumapit si Ryan kay Freya, yumuko, at hinayaan itong sumampa sa likod niya. Pagkatapos, binuhat niya si Freya pabalik sa kampo. Pagdating nila sa kampo, nagkataon nakasalubong nila si Nina. “Kakatapos ko lang maglinis ng kampo at hahanap na sana ako ng panggatong. Bakit bumalik ka kaagad? Nakahanap ka na ba ng tubig? “Sino ‘to? Freya? Anong nangyari sa kanya?” Nagtatakang tanong ni Nina. Walang sinabi si Ryan. Mabilis siyang dumampot ng niyog, biniyak ito gamit ng bato, at nilagok lahat ng tubig ng niyog. Pagkatapos, masigla niyang binanlawan ang kanyang bibig. Matapos maubos ang tubig ng niyog, nawala ang kalawang na lasa sa kanyang bibig. “Nakagat si Freya ng makamandag na ahas habang sinusubukan niyang iligtas ako. Kaya ibinalik ko siya dito,” paliwanag ni Ryan. Ibinaba niya si Freya at tiningnan ang kalagayan nito. Doon niya napansin na maputla ang labi ni Freya. Mabilis ang kanyang paghinga, at bahagyang naging asul ang mukha nito. Halatang nagsisimula nang magkabisa ang kamandag ng ahas sa kanyang katawan. Hindi niya maaaring hayaang magpatuloy ito. Mamamatay si Freya. “Mukhang nalason siya ng husto. Nawawala na ang kulay sa mukha niya. Anong dapat nating gawin?” Inilagay ni Nina ang kanyang kamay sa ilalim ng ilong ni Freya at napansin niyang humina na ang paghinga nito. “Lalabas ako at hahanap ako ng mga halamang-gamot na nakakalunas sa kamandag ng ahas. Pwede mo bang alagaan si Freya dito?” “Umalis ka na. Ako na ang magbabantay sa kanya dito. Huwag kang mag-alala,” walang pag-aalinlangan na sagot ni Nina. Medyo nagulat si Ryan sa sagot nito. Hindi niya inaasahan na ganoon pala ka-matulungin si Nina. Nang makasalubong ang mga tingin ni Ryan, ngumiti si Nina at diretsong sinabi, “Huwag mo akong tignan ng ganyan. Magkasama tayo sa lugar na ito. Kaya magkakampi na tayo. Dapat magtiwala at tumulong tayo sa isa’t-isa. Tsaka...” Nagkibit-balikat si Nina. “Nasaktan si Freya para iligtas ka. Hindi ba makokonsensya ka kung mamatay siya ng ganoon lang? Kung manlulumo ka, sino nang maghahanap ng sariwang tubig para sa akin?” “Bilisan mo. Ibilin mo na siya sa’kin. Huwag kang mag-alala.” Lumambot ang tingin ni Ryan habang nakatingin kay Nina. Nang walang patumpik-tumpik pa, tumango siya at sinabi na may malalim na boses, “Okay, magkakampi tayo. Aalis na ako.” Mabilis siyang lumabas ng kweba patungo sa kagubatan upang maghanap ng mga halamang gamot. Sa pangkalahatan, dahil may mga makamandag na ahas, dapat merong mga halamang gamot na maaaring gamutin ang kamandag ng ahas. Ito ay isang bagay na iniwan ng kanilang mga ninuno. Gayunpaman, pagkatapos maghanap sa malapit nang ilang sandali, walang mahanap na halamang gamot si Ryan. Nang magsimula na siyang makaramdam ng pagkabalisa, bigla siyang nakakita ng isang pigura na dumaan sa kanyang harapan. Nagbubulong ang tao sa sarili habang naglalakad. Nagtago si Ryan sa likod ng malaking puno malapit at nagmasid nang mabuti. Napagtanto niyang nakilala niya ang tao. Iyon ay ang travel blogger, si Sherry, na nagpakilala kanina. Nakita niyang maingat na naglalakad si Sherry na parang may hinahanap. Pagkatapos, mahina niyang narinig ang salitang “tubig”. Huminto si Ryan. Nakahanap kaya si Sherry ng tubig? Iniisip niya kung makakahanap din ba siya ng tubig kung susundan niya ito. Habang pinagmamasdan niya ang pigura ni Sherry, sumagi sa isip ni Ryan ang mga imahe ni Freya. Nagdalawang isip siya. Mutated ba ang mga ahas sa islang ito? Ang kamandag ng isang banded krait ay hindi dapat masyadong malakas. Wala naman sa matinding panganib si Freya sa ngayon. Sa saloobing ito, si Ryan ay tiyak na sumunod kay Sherry. Naglakad ang dalawa sa kagubatan, si Ryan na nasa likod ni Sherry. Dumaan sila sa isang maliit na bundok at umikot sa likod nito. Maya-maya ay tumigil si Sherry sa kanyang kinatatayuan. “Nahanap ko na! Tulad lang ng naalala ko! Andito,” umalingawngaw ang sabik na boses ni Sherry. Nakatayo sa hindi kalayuan, sinundan ni Ryan ang direksyon ng boses ni Sherry. May nakita siyang maliit na talon sa likod ng maliit na bundok. Sa lupa, merong siwang na halos dalawang metro ang lapad, kung saan ang tubig mula sa bundok ay umaagos pababa sa puwang. Totoo nga, nakatuklas na ng sariwang tubig si Sherry bago ang lahat ng ito. Tumayo si Ryan at pinagmasdan siya saglit. Napansin niyang hindi pa nakakainom ng tubig si Sherry. Lumapit siya ng ilang hakbang at napagtanto niya ang problema. Ang talon ay nahiwalay sa lupa ng malaking bangin. Imposibleng maabot ang tubig maliban kung ang isa ay may mga braso na umaabot ng mga 6’5” talampakan. Siyempre, hinding-hindi mangyayari iyon. Nang makitang tuliro pa rin si Sherry sa harap ng talon, naglakad si Ryan papunta sa kanya. “Nang sinabi ko sa lahat tungkol sa pagtataksil ni Yasmine, sinabihan mo akong kalimutan na iyon at patawarin ko na siya. Akala ko ay may malasakit kang tao. Ngayon, parang hindi ka naman pala masyadong mabait.” “Tama ako, diba, Sherry? Nakahanap ka na pala ng sariwang tubig, pero hindi mo sinabi sa kanila. Iniwan mo silang uhaw sa dalampasigan buong magdamag,” panunuya ni Ryan habang papalapit kay Sherry. Nawala sa pag-iisip si Sherry hanggang sa bigla niyang narinig ang boses ng kung sino. Nagulat siya at humakbang pasulong. Patuloy na hinahampas ng talon, ang gilid ng siwang ay natatakpan ng lumot, dahilan upang ito ay maging madulas. Nang hindi namamalayan ay nalaglag si Sherry at nadulas. Kasabay ng malakas na kalabog, nahulog si Sherry sa bangin at malakas na bumagsak sa lupa. Kung pagbabasehan ang tunog sa ibaba, parang hindi masyadong malalim ang bangin. Humigit-kumulang 6’5” talampakan ang lalim nito. Nakatitig sa bangin sa harapan niya, saglit na napatulala si Ryan. Gusto lang niyang makipagpalitan ng salita kay Sherry, ngunit hindi niya inaasahan na mahuhulog ito. Anong dapat niyang gawin ngayon? Palubog na ang araw, at malapit nang sumapit ang gabi. Dapat ba niyang iwan si Sherry dito at hayaan ito?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.