Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content
Buhay IslaBuhay Isla
By: Webfic

Kabanata 6

Pagkatapos niyang magsalita, lumapit si Yasmine kay Ryan at hinawakan ang braso nito, tumatangging bumitaw. Nang hindi nag-iisip, sinabi niya, “Hindi pa tayo opisyal na naghihiwalay. Dahil asawa mo pa rin ako, kailangan mo akong ipagluto. “Gusto kong kumain ng inihaw na isda at kabibe na sinasabi niya. Gusto ko rin ng maiinom. Ryan, hindi mo ako pwedeng iwan!” Nang makita kung paano siya pinagsasamantalahan ni Yasmine, nanatiling tahimik si Ryan. Dati-rati ay susunod na siya kaagad at mag-aasikaso para maghanda ng pagkain para kay Yasmine. Gayunpaman, ngayon ay napagtanto niya kung gaano siya katanga. Hindi karapat-dapat ang babaeng ito! Lalong nagutom si Yasmine habang nagsasalita. Dinilaan niya ang kanyang labi at dismayadong tinitigan si Ryan. “Bakit hindi ka pa nagluluto? Gusto ko ng isda, buko, at lahat ng binanggit niya! “Teka nga, sa’kin ka kinasal. Mas nararapat sa’kin ang matinong pagkain kaysa sa kanya! Ryan, hindi mo ba ako narinig? Asikasuhan mo na ako ng makakain!” Sa kalagitnaan ng sinabi ni Yasmine, biglang tumawa si Ryan. “Anong tinatawa-tawa mo?” Dumilim ang mukha ni Yasmine habang galit na nagtanong. “Natatawa ako na hindi mo pa rin matanggap ang reyalidad. Yasmine, may natitira ka bang kahihiyan? Nakipagtalik ka na sa ibang lalaki, tapos ngayon ay buong tapang mo akong inuutusan. “Sa tingin mo ba lingkod mo ako? Kailangan ko bang gawin lahat ng sasabihin mo? Tsaka maghihiwalay naman na talaga tayo kapag nakauwi na tayo. Anong kinalaman pa nito sa akin, patay ka man o buhay? “Lagi mo na akong minaliit. Kaya magmatigas ka at huwag mo na akong kausapin. Ikaw na mismo ang manghuli ng isda at mamitas ng buko. Wala na akong kinalaman diyan,” panunuya ni Ryan habang tinutulak ang kamay ni Yasmine. “Ryan, how dare you!” Bumagsak ang mukha ni Yasmine. Maya-maya, may bakas ng taranta sa mga mata niya. Naguguluhang tumingin siya kay Ryan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang naging ibang tao si Ryan sa loob lang ng isang gabi. Nakahawak pa rin nang mahigpit kay Ryan, dinilaan ni Yasmine ang kanyang nagbibitak na mga labi. “Dahil hindi pa tayo divorced, mag-asawa pa rin tayo. Obligasyon mong alagaan ako! “Ryan, lalaki ka pa ba? Kahit anong mangyari, asawa mo pa rin ako. Nagkaroon tayo ng relasyon. Paano mo natitiis na iwan mo lang ako dito ng ganito? Nasaan ang responsibilidad at katapatan mo? “Kahit niloko kita, maliit na pagkakamali lang iyon. Nahirapan din ako sa lahat ng mga taon na magkasama tayo.” Pumwesto siya sa pagitan nina Ryan at Nina, tumatangging sumuko. Pinagmasdan ni Ryan ang kilos ni Yasmine. Bigla niya itong malutong na sinampal sa mukha. Nagulat ang iba. Nagtinginan sila na may pagtataka. Bumagsak si Yasmine sa lupa. Napatakip siya ng mukha habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Ryan. Malamig na tinitigan siya ni Ryan bago sinabing, “Gising ka na ba? “Huwag mong mabanggit-banggit yung relasyon natin dati. Nandidiri ako. Ako yung kumikita ng pera para suportahan ang pamilya nitong mga nakaraang taon. Hindi ako tumigil sa pagkayod. Lakas ng loob mong sabihin na nagdusa ka? “Yasmine, huling babala ko na ‘to. Mula ngayon, wala na tayong kinalaman sa isa’t-isa. Huwag mo nang gagamitin yung nakaraan natin. “Wag mong isipin na may pakialam ako sa’yo! Estranghero na tayo sa isa’t-isa ngayon. Maswerte ka at hindi kita pinatay. “Nina, alis na tayo.” Dahil doon, tumalikod si Ryan at naglakad patungo sa gubat sa disyertong isla. Hanggang sa nakalakad na sila ng medyo malayo ay natauhan si Nina. Napatulala siyang tumingin kina Yasmine at Ryan bago tumalikod at hinabol si Ryan. Hindi nagtagal, naabutan siya ni Nina. Naglakad siya katabi nito. Nang maramdaman ang titig ni Nina sa kanya, mahinahong tanong ni Ryan, “Anong tinitingin-tingin mo? Tinitingnan mo ba kung galit ako?” “Oo eh, pagkatapos ng lahat, naging mag-asawa pa rin kayong dalawa. Nangangamba akong baka may nararamdaman ka pa sa kanya.” Nagkibit-balikat si Nina. “Wala na. Sinukuan ko na ang babaeng iyon. Hindi siya karapat-dapat,” panunuya ni Ryan. “Bale saan tayo pupunta ngayon? Mukhang hindi ito katulad ng dinaanan natin kahapon.” Luminga-linga si Nina at biglang may nakitang berdeng butiki na nagtatago sa mga sanga. Halos mapasigaw siya sa gulat. Pinigilan niya ang sigaw at tahimik na lumapit kay Ryan. Napansin ni Ryan ang galaw niya at bahagyang ngumiti. Kaswal siyang dumampot ng kahoy na patpat at sinimulang linisin ang daan sa unahan. “Medyo matalino ka. Alam mo siguro na ang islang ito ay nasa tropikal na klima. Malamang na walang anumang malalaking mabangis na hayop tulad ng tigre, leon, o lobo dito. “Ngunit maaaring merong mga insekto, butiki, ahas, at kahit na makamandag pa na mga klase,” sabi ni Ryan. “Hindi pa ako nakakapunta sa ganitong klaseng lugar. Hindi ko inaasahang makikita ko ang mga nilalang na iyon.” Bahagyang namutla si Nina, ngunit nanatili siyang kalmado. Tumango si Ryan bilang pagsang-ayon sa kanya at nagpatuloy, “Natulog tayo sa lupa kagabi. Maswerte tayong hindi tayo nakakita ng anumang ahas. “Ngunit ang swerte ay wala sa panig natin araw-araw. Maaari tayong makagat ng makamandag na ahas. Kung walang gamot, mapapahamak tayo.” “Bale, naghahanap ka ba ng masisilungan ngayon?” Mabilis na nakasagot si Nina. Agad niyang naintindihan ang sinabi ni Ryan. “Oo, kailangan nating humanap ng ligtas na lugar na matutulugan. Imbes na tawagin itong silungan, mas maiging ituring natin na campsite. Doon tayo matutulog, makakapagluto, at masisigurado na hindi mananakaw ng mga taong iyon ang mga supply na makikita natin.” mahinahong sabi ni Ryan. Tumango si Nina. Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad at pinagmasdan ang kanilang paligid. Naghahanap sila ng angkop na lugar para magtayo ng kampo. Maya-maya, nakarating sila sa tigang na lugar na may kalat-kalat na ligaw na damo. Tuwang-tuwang itinuro ni Nina ang dalawang puno at iminungkahi, “Ano kaya kung magtayo ng kampo sa pagitan ng dalawang malalaking punong ito? Puwede tayong gumawa ng treehouse.” Tumingala si Ryan sa mga puno at tiyak na umiling. “Hindi, ang pag-akyat sa mga puno ay kumokonsumo ng enerhiya. Hanggang sa makakita tayo ng pinagmumulan ng sariwang tubig, ang pagtitipid ng enerhiya ay napakahalaga para sa kaligtasan. Maghanap pa tayo.” Pagkaraan ng mahabang paglalakad, sa wakas ay huminto sila nang halos maubos na ang kanilang lakas. Pinagmasdan ni Ryan ang paligid at tumango bilang kasiyahan. “Puwede na ‘to.” Sa harap nila ay isang maliit na kuweba. Hindi ito masyadong maluwang, ngunit sapat na para sa dalawang tao na tumira. “Mataas ang kweba na ito. Kailangan nating umakyat. At saka, walang mga damo sa paligid. Malabong pumunta dito ang mga ahas at insekto. Dito tayo matutulog ngayong gabi.” Napatingin si Nina sa kwebang nasa harapan niya at walang pag-aalinlangan na tumango. Pagkatapos ay tinanong niya, “May maitutulong ba ako?” “Maaari kang magsimula sa paglilinis ng kweba. Baka may dumi ng paniki at putik sa loob. Alisin mo ang mga iyon, pagkatapos ay humanap ka ng mga tuyong dahon ng palma o tuyong damo para ilatag sa lupa. Makakatulog na tayo diyan mamayang gabi. “ Matapos ibigay ang kanyang mga tagubilin, tumingala si Ryan sa langit. “Maaga pa naman. Lalabas ako at mamumulot ng panggatong para sa pagluluto mamayang gabi. Titingnan ko rin kung makakahanap ako ng mapagkukunan ng sariwang tubig.” Hindi nagreklamo si Nina. Tiningnan niya ang maseselan niyang mga kamay at sinabing, “Mamumulot ako ng panggatong. Sige, humanap ka ng sariwang tubig. Kung may makikita kang kabibe o pagkain, mas maigi. Medyo nagugutom na ako.” “Walang problema.” Hinati ng dalawa ang mga natitirang gawain, at agad na lumabas si Ryan upang maghanap ng sariwang tubig. Ang tao ay maaaring mabuhay nang walang pagkain sa loob ng ilang panahon ngunit hindi mabubuhay kung walang tubig. Maaari siyang umakyat ng mga puno upang mamitas ng mga buko, ngunit ang pag-akyat sa puno ay kumonsumo ng maraming enerhiya. Pansamantalang solusyon lamang iyon. Ang kanilang priyoridad ngayon ay humanap ng pinagmumulan ng sariwang tubig! Tumayo si Ryan sa harap ng kweba at nagmuni-muni sandali. Pagkatapos ay sinundan niya ang kanyang intuwisyon at nagtungo sa kanluran. Makalipas ang ilang hakbang ay may narinig siyang yabag sa likuran niya. “Nina, may kailangan ka pa ba?” Lumingon siya at nagtanong, doon lang niya napagtanto na ang sumusunod sa kanya ay hindi si Nina kundi ibang babae. Pinakitid niya ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang babae. Ito yung tahimik palagi. Kaya naman, hindi ito nag-iwan ng gaanong impresyon kay Ryan. Nakalimutan na niya ang pangalan nito. “Sino ka?” “Ako si Freya,” nanginginig na sabi ng babae. Namamalat ang boses niya. “May kailangan ka ba sa akin?” Patuloy na tanong ni Ryan. Sa pagkakataong ito, hindi na sumagot si Freya. Sa halip, inabot niya at hinubad ang kanyang coat. Bago pa magkaroon ng reaksyon si Ryan, tinanggal nito ang suot na pang-itaas at tumingin sa kanya nang may nagmamakaawang mga mata.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.