Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content
Buhay IslaBuhay Isla
By: Webfic

Kabanata 13

Lumingon si Ryan sa lawa. Puno ng pananabik ang kanyang mga mata habang nakatitig sa tubig. Putol ni Sherry, “Bakit iniiwasan mo na naman naman yung topic? Anong nakapukaw ng atensyon mo?” “Wala naman akong iniiwasan! Tingnan mo kasi yung tubig!” “Bakit ka nakatingin sa tubig? Ano bang meron?” Inilibot niya ang mga mata sa kanya at itinuro ang lawa. “Kagabi ko pa ‘to pinag-iisipan. Napansin mo na ba kung gaano kalinaw ang tubig sa pond na ito kahit iisa lang ang labasan?” Idinagdag niya, “Akala ko ay mula lamang sa ito sa natural na talon, na siyang nagpapanatiling malinaw dito. Ngunit ngayon napansin ko ang rippling sa ibabaw.” “Bakit ang dami mong ebas? Bakit hyped ka?” Tanong ni Sherry na mukhang tuliro pero nauusisa. Lalong nayamot si Ryan. Hiniling niya na sana si Nina na lang ang nandito dahil alam niyang maiintindihan nito ang ibig niyang sabihin. Pagkatapos, itinuro niya ang tubig, nagpapaliwanag, “Tingnan mo ang ripples! Ibig sabihin, may underground stream. Malamang ay may lagusan iyan sa kung saan. Maaaring ito na ang hinahanap nating solusyon!” Sandaling pinag-isipan ni Sherry ang kanyang paliwanag bago niya ito tuluyang naintindihan. “Bale, sinasabi mo bang lalangoy tayo palabas dito?” “Oo, maliban na lang kung sasabihin mo sa akin na hindi ka marunong lumangoy,” sagot ni Ryan, na may pagdududa na nakatingin sa babae. “Ano ka ba, isa akong sikat na travel blogger. Na-explore ko ang kailaliman ng Istopia at nakalangoy na sa kristal na tubig ng Tropica,” may kumpiyansa niyang pagyayabang. Bago pa siya makapagpatuloy, sumabat si Ryan, iminumuwestra ang kanyang kamay. “Oo na, tama na ‘yang pag-flex. Ano, kaya mo bang lumangoy kasama ako palabas dito?” Nag-alinlangan si Sherry, at ang kanyang pagkasabik na umalis ay nagbigay daan sa pagdududa. “Anong problema? Nagdadalawang-isip ka bang umalis?” tanong ni Ryan. Mabilis siyang sumagot, “Hindi, hindi iyon. Kailangan ko lang makasigurado. “Makakaasa ba tayo sa underground stream na ito para makalabas? Ang paglangoy ba mula rito ay talagang magdadala sa atin sa kaligtasan?” Ang kanyang mga salita ay sumasalamin sa mga pagkabalisa ng babae at kawalan ng katiyakan ng lalaki. Napangiti si Ryan at umiling bilang tugon. “Oo, hindi natin masisiguro. Kumplikado ang underground streams, parang mazes. Wala akong ideya saan ‘to patungo. “Maaari tayong swertehin at mabilis na makakahanap ng daan palabas. O maaari tayong gumala nang ilang sandali, papagurin ang ating mga sarili hanggang sa lumulutang na lamang tayo sa lawang ito. “Handa akong subukan. Pagkatapos ng lahat, hindi lang ako uupo dito para maghintay mamatay. Ano, kaya mo ba?” Nag-alinlangan si Sherry, namumula ang kanyang mukha bago siya tuluyang tumango. “Kung g ka, g rin ako. Mas mabuting makipagsapalaran kaysa maghintay dito para mamatay! Sige, gawin na natin! Tama na ang pananatili ko sa kakila-kilabot na lugar na ito!” Tiningnan niya ang babae nang may bagong respeto matapos marinig ang mga determinadong salita nito habang tumatango bilang pagsang-ayon. Tinawanan niya ang makwela nitong komento bago siya sumagot, “Teka lang, hindi pa tayo dapat umalis. Hindi ligtas lumangoy nang walang laman ang tiyan; baka magka-cramps tayo sa ilalim ng tubig. Kumain muna tayo bago tayo umalis.” Dahil doon, nagmamadali siyang umikot sa lawa para maghanap ng mga kuhol. Sa araw, maraming kuhol ang nakatago sa ilalim ng tubig, dahilan para madaling makahuli si Ryan. Kumuha siya ng isang dakot at itinapon sa nagbabagang apoy. Pagkatapos ay inutusan niya si Sherry na ibaon ang mga kuhol sa mga baga, ginagamit ang natitirang init para sa masusing pagluluto. Pagkatapos, nanguha siya ng lumot sa ilalim ng malalaking bato, hinugasan ito sa tubig, at binalot ng mga dahon. Sa mga simpleng hakbang na ito, may almusal na sila. Umupo sila sa tabi ng apoy habang sabik nilang nilalamon ang mga lumot na kanilang nakalap. Sa pagkakataong ito, walang pagdadalawang-isip na kumain si Sherry. Nang naubos na ang lumot, nilasap nila ang perpektong inihaw na mga kuhol, ninanamnam ang isa pang nakakabusog na pagkain. Matapos mapuno ang kanilang mga tiyan, iniunat nila ang kanilang mga paa’t kamay. Nagsimula nang maghanda si Ryan para sa pagsisid. Tinanggal niya ang jacket niya at tinabi ang lighter. Pagkatapos ay hinubad niya ang kanyang boxers, dahilan para saglit na matigilan si Sherry. Bigla niyang tinakpan ang kanyang dibdib. “Ryan, anong ginagawa mo? May gusto ka bang gawin bago tayo mamatay? Kung gusto mo talaga, sige! Payag ako!” Namula siya habang nahihiyang hinubad ang jacket niya. Naguluhan ang lalaki sa mahalay nitong pag-iisip. “Handa kang maghubad, pero ako hindi. Naghuhubad lang ako para mabuhay. “Hindi ba delikado kapag nakasuot ng marami habang nasa ilalim ng tubig? Maghubad ka na rin. Maghubad ka ng kahit anong damit.” Nag-alinlangan si Sherry at tinignan ang damit niya. “Pero paano kung makalabas nga tayo at tuluyang lamigin dahil sa kakulangan ng damit?” Nang sabihin niya ito, isinantabi niya na lang ang kanyang mga alalahanin at mabilis na tinanggal ang kanyang mga panlabas na kasuotan, iniiwan lamang ang kanyang sarili sa kanyang underwear. Ang biglaang malamig na simoy ng hangin ay nagdulot ng hindi mapigilang panginginig, kasabay ng pagtaas ng kanyang mga balahibo. Hindi napigilan ni Ryan na sumipol nang mahina habang sinusulyapan si Sherry sa gilid ng kanyang mata. Sa kabila ng hindi mapagpanggap na kasuotan nito, sa sandaling naghubad ang babae nang kaunti, ang pigura nito ay kapansin-pansin. Umubo siya at iminungkahi, “Suotin mo na lang yung short sleeve. Kapag may nakasalubong tayo, hindi natin gugustuhing maging iba ang tingin nila.” Nagpatuloy ang kanilang asaran, unti-unting naglalaho ng tensyon na nakabitin sa hangin. Sa ilalim ng nagniningas na araw, inakay ni Ryan si Sherry sa lawa. Mapanganib na desisyon ito. Kung hindi sila makakahanap ng labasan kaagad, selyado na sa batis ang kanilang kapalaran. Bago umalis, walang nagsalita ni isa. Huminga ang lalaki ng malalim bago matapang na bumulusok sa nagyeyelong lawa. Ang pagkabigla ng malamig na tubig ay agad na bumalot sa kanya, na naging dahilan ng kanyang panginginig. Sa determinadong mga hampas, lumangoy siya pasulong hanggang sa marating niya ang batis sa ilalim ng lupa. Sa kabutihang palad, merong isang maliit na espasyo ng hangin kung saan siya ay maaaring umahon at makahinga. Si Ryan ay ganap na nakatutok ngayon, ang kanyang isip ay walang anumang intidihin kay Sherry na nahuhuli. Buong lakas siyang tumulak paabante, paminsan-minsan ay umaahon para makahinga. Habang lumalangoy siya, hindi niya masukat ang distansyang dinayo niya. Hindi nagtagal, naramdaman niyang bumaba ang temperatura ng kanyang katawan, at unti-unting humina ang kanyang lakas. Ang bawat hagod ay naging pakikibaka laban sa kanyang mabibigat na paa. Itinulak niya ang sarili, ngunit ang nakasalubong niya sa unahan ay madilim na kawalan. Ang kanyang nag-iisang pag-asa ay nakasalalay sa pagkakataong makita ang kahit isang kislap ng liwanag sa unahan. “Ryan, pagod na pagod na ako. Hindi ko na kayang lumangoy,” mahinang wika ni Sherry mula sa likuran. “Padyak lang, Sherry. Malapit na tayo,” bulong niya, halos hindi marinig ang boses. Sa kabila ng kanyang mga paniniguro, ang lakas ni Ryan ay nagsimula nang humina. Sa bawat sandali na siya ay lulusong, pakiramdam niya ay walang hangganan ito bago siya muling umahon. Hindi nagtagal, nahirapan na siyang huminga. Ganito ba ang magiging wakas para sa kanila?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.