Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 499 Pinapalaki Sa Layaw Ni Heaton

Naramadaman ni Verian ang mga bakat ng kagat sa likod ng kamay ni Heaton. Sumimangot siya ng onti dahil siya ang kumagat kay Heaton nung nanganganak siya. Hindi niya inakalang ganoon kalalim ang kagat niya. Tinanong niya habang nakahawak sa sugat, “Masakit ba? Gusto mo ba tulungan kita gamutin?” Tinignan niya ang sugat. Meron tong dalawang bakat ng kagat ng ngipin at dumudugo. Para siyang kinagat ng aso. Mukhang kahit gumaling ito, ang mga bakat ng kagat ay makikita padin. Tinakpan ni Heaton ang mata ni Verian, “Bilisan mo at matulog ka na. Anong gusto mong kainin? Ipapadala ko nalang kay Madam Leah.” Hinila ni Verian ang kamay ni Heaton at sinabi, “Kakagising ko lang at hindi ako pagod. Lapit ka. Patingin ng mukha mo.” Naalala niya nung nanganganak siya, dahil sa mga sinasabi ni Heaton, nasapak niya ito sa pisngi. Malakas ang sapak niya. Hinawakan ni Verian ang pisngi nito. Medyo namumula. “Pasensya na Heaton. Hindi ko naman sinasadya sapakin ka.” “Hindi naman kita sinisisi. Bilisan m

Locked chapters

Download the Webfic App to unlock even more exciting content

Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.