Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 370 Kapag Ginalaw Mo Ako, Itutumba Ka Niya

Naghawak kamay si Xylean at Ann habang tinitingnan ang mga lalaking nakapaligid sa kanila. “Wag mo akong hawakan, Sean. Hindi ka ba natatakot na mabalatan nang buhay ni Yandel?!” Mukhang walang kabuhay-buhay ang mukha ni Sean, tila nangingitim ang paligid ng mhga mata nito. Para rin wala ito sa wisyo na tila ba katatapos lang magdroga. Kadalasan, kapag naririnig nito ang pangalan ni Yandel, natatakot na ito na parang asong palaboy. Pero ngayon, tila nasabik pa ito. Ang taong ito… nakadroga ba siya? “Sige nga! Tawagin mo si Yandel! Lakasan mo para pumunta siya rito!” Habang hinihila ni Sean si Xylean, sumigaw si Ann at sinabing, “Bastos, bitawan mo si Xylean!” Subalit pinigilan si Ann ng mga nakapaligid sa kanila kaya hindi rin ito makagalaw. Tinitigan ni Xylean nang masama si Sean. “Sige, hindi na ako aalis. Pakawalan niyo lang ang kaibigan ko.” Ngumiti si Sean, kinurot niya ang pisngi ni Xylean gamit ang mga daliri nitong amoy sigarilyo. “Anong tingin mo sa akin? Tanga?

Locked chapters

Download the Webfic App to unlock even more exciting content

Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.