Kabanata 10 Kulang ng Mrs. Fudd
Naglaho ang Maybach sa isang ulap ng abo. Nakatuon ang mapanlamig na titig ni Heaton sa lumalayong hugis sa rear-view mirror.
Kumandong sa kanya ang katabi niyang munting bata na may halong kapilyahan. Kumapit sa kanyang daddy ang malalambot nitong kamay. “Daddy, bakit ‘di pwedeng sumama sa dinner si Monty?”
Tumingin dito si Heaton. Hinaplos niya ang ulo ng anak niya at maingat na nagtanong, “Jelly Bean, gusto mo ba talaga si Monty?”
“Yes!” Kumurap kurap ang cute na bata at tumango nang masigasig.
“Dahil ba binigyan ka niya ng candy?”
Kahit naman bigyan siya ng mga pagkain at snacks ng mga babae mula sa mayayamang pamilya noon na naka-blind date niya kasama si Little Jelly Bean ay tila ‘di niya sila nagustuhan. Umiiyak pa nga siya minsan kasi ayaw niyang makasundo ng mga ito ng tatay niya.
Paano napukaw ni Verian ang puso ni Jelly Bean?
Umiling si Little Jelly Bean. Bumuo lang siya ng dalawang bilog gamit ang daliri niya at ipinatong ito sa mga mata niya. Tinignan niya ang ta
Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link