Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 4 Pagdududa sa Kakayahan niya sa Medisina

”Oo nga, iha, mas mabuti pang tumawag muna tayo sa 911. Mukhang naligaw ang batang ‘to. Kanina pa ako sumisigaw, pero walang dumating na kamag-anak niya,” sabi ng isang matandang lalaki. Natatakot siya na baka mapunta sa dalagang ito ang responsibilidad kapag may nangyaring masama sa bata. Mabilis na binuksan ni Wynter ang suit ng batang lalaki at humanap siya ng malilim na lugar sa malapit. “Ladies and Gentlemen, huwag kayong mag-alala, may medical license ako.” Hinila niya ang kanyang backpack habang nagsasalita siya upang kunin ang isang maliit na medical box. Noong bumukas ang kahon, makikitang naka hilera ng maayos ang mga karayom at iba’t ibang klase ng mga surgical knife. Muling sinuri ni Wynter ang pulso ng batang lalaki. "Tigil!” Hindi na nakatiis ang lalaking naka puting coat. Sumigaw siya ng malakas, “Paano mo nagawang turukan ng kung anu-ano ang pasyente?” Hindi siya pinansin ni Wynter, at ibinaba ni Wynter ang kanyang tingin. Binilang niya ang pulso at heart rate ng batang lalaki. Ngumisi ang lalaking naka puting coat, “Ako si Luke Johnson, isang estudyante mula sa Sacred Heart Medical University, at nasa ilalim ako ng paggabay ni Madam Gibson. Hindi ako isang ordinaryong tao. Sinasabi mo na may medical license ka? Ilang taon ka na ba?” Nanatiling walang pakialam si Wynter. Itinuon niya ang atensyon niya sa batang lalaki, at nilinis niya ang mga karayom. "Kinakausap kita!” Ito ang unang beses na may bumale wala kay Luke. "Kahit yung matandang lalaki alam tumawag ng 911. Hindi mo ba naiintindihan ‘yun?” Lumuhod si Wynter, matalim at malamig ang kanyang presensya. "Tatayo ka lang habang naghihintay ng 911? Idedelay mo ang emergency treatment? ‘Yun ba ang tinuro sayo ng guro mo?” "Sinong nagsabi na tatayo ako at maghihintay na dumating ang 911?” Nainis si Luke, galit siyang sumagot, "Ikaw ang nagdedelay ng emergency treatment ngayon. Naglabas ka ng mga karayom para magyabang. Mabuti pa itabi mo na ‘yang pekeng science ng tradisyonal na medisina mo. Hayaan mo akong magsagawa ng CPR para sa pasyente.” Nang marinig niya ito, tumingin sa kanya si Wynter, napakalamig ng tingin niya. Sinong mag-aakala na hindi magpapatalo ang isang babae na ganito kaganda? “Na-heatstroke siya. Anong magagawa ng CPR?" Pinindot ni Wynter ang mga daliri ng batang lalaki. Bakas ang galit sa kanyang boses noong sinabi niya na, “Walang kwentang doktor." Sumabog sa galit si Luke. "Sinong tinatawag mo na walang kwentang doktor? Kilala mo ba kung sino ang mentor ko?” Kakabalik lang niya mula sa ibang bansa kasama si Madam Gibson at mga award. Ang lakas ng loob ng babaeng ito para kwestyunin ang kakayahan niya sa medisina! “Hindi ako interesado na makilala siya." Nilinis ni Wynter ang mga karayom, at ipinagaptuloy niya ang ginagawa niya. “Tumabi ka." Namumula sa galit ang mga mata ni Luke. "Hindi ko ikukumpara ang mga kakayahan ko sa isang traditional medicine swindler na gaya mo. Nangingitim ang mya labi niya. Malinaw na may problema siya sa puso…” "Ang myocardial hypoxia at ischemia ay kayang mag-stimulate ng respiratory function, na nagdudulot ng pangingitim ng mga labi.” Tumingin si Wynter sa mga mata niya, malamig ang kanyang mga mata. "Subalit, maaari ding magdulot ng pangingitim ng mga labi ang heatstroke. Ang pagkakaiba ay nakadepende sa kanyang maayos at mabagal na pulso. Higit pa rito, tuyo ang mga labi niya, isa itong malinaw na indikasyon na matagal siyang nakababad sa init. Hindi mo man lang naobserbahan ang mga medical signs na ‘to, tapos tinatawag mo ang sarili mo na estudyante ng Sacred Heart Medical University?” "Oo, dapat obserbahan muna natin ang mga medical signs. Natutunan ko din ‘yun dati,” sabi ng isang tao. Ngumisi ang iba. "Mukhang hindi naman ganun kagaling ang estudyanteng ito mula sa Sacred Heart Medical University.” "Tingin ko pa rin maaasahan ang babaeng ‘to. Halata ko na isa siyang propesyonal base sa pulse reading niya.” Hindi matanggap ni Luke na napahiya siya. "Sige, kahit na may heatstroke siya, kaya ba siyang pagalingin ng mga karayom mo? Kung ganun, ano pang silbi naming mga medical student?" “Pwede ka lang magsalita para sa sarili mo, hindi para sa lahat ng mga medical student.” Malamig ang mga mata ni Wynter. "Uulitin ko: tumabi ka.” Dalawang klase ng mga tao ang pinaka ayaw niya sa buong buhay niya: ang mga taong nangmamaliit sa legasiya ng tradisyunal na medisina at ang mga walang kwentang doktor na humahadlang sa kanya sa pagliligtas ng mga buhay. "Sige, tatabi ako. Gusto kong makita kung gaano kahusay ang babaeng ‘to.” Ngumisi si Luke at itinupi ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib. “Kapag napagaling siya ng mga karayom mo, luluhod ako at tatawagin kitang isang henyo!” “Hihintayin ko yung ‘henyo’ mula sayo," sabi ni Wynter habang nakaharap siya sa liwanag. Pagkatapos ay kinapa niya ang katawan ng bata at mabilis niya ginalaw ang kanyang kamay!

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.