Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1 Pinalayas

Basa ang daan. Umuulan sa Southdale buong araw. Ihinagis palabas ng bintana ang backpack ni Wynter ng butler ng pamilya, na si Glen Clark. "Ms.Quinnell, hindi darating si Mr. Yates. Hayaan mong asikasuhin ko ang ilang mga bagay para sa kanya. Nasa probinsya ang mga tunay mong magulang, at Quinnell ang apelyido nila. Napagkamalan ng Yates family na ikaw ang anak nila. Ngayong nahanap na si Yvette, sana ay hindi mo na abalahin ang Yates family,” sabi ni Glen. Inilabas ni Glen ang isang card at nagpatuloy siya, "Heto ang ten thousand dollars. Sinabihan ako ni Mr. Yates na ibigay ito sayo bilang kabayaran." “Hindi ko kailangan ‘yan." Ni hindi man lang ito tiningnan ni Wynter. Binitbit niya ang itim niyang bag. Naiinis na tiningnan ni Glen ang babae sa harap niya. Ayaw tanggapin ni Wynter ang pera. Sinusubukan ba niyang umarte na mayaman siya? Tsk. Ni hindi inisip ni Wynter kung gusto pa ba siya ng Yates family. Nahanap na ng Yates family ang tunay nilang anak. Isa lang siyang mahirap na babae mula sa nayon. Hindi siya makakaakyat sa social ladder. “Sige na, Ms. Quinnell. Makakaalis ka na!” Isinara ng malakas ni Glen ang gate. Hindi siya pinansin ni Wynter. Umalis siya sa Yates family dala lang ang isang itim na bag. Diretso at maganda ang kanyang tindig. Aalis siya ng gaya ng una siyang dumating sa lugar na ito. Maliban sa mga patak ng ulan na pinagmukha siyang gusgusin at magulo. Nakita ng mga tao sa taas na paalis siya at tumawa sila. Hindi sila nag-abalang itago ang tuwa nila para marinig niya ito. “Sa wakas umalis na siya.” “Akala ko mananatili siya dito at hindi siya babalik sa probinsya.” Hindi sila pinansin ni Wynter. Bahagyang nakangiti ang kanyang mga labi. Dapat ba niyang sabihin na hindi alam ng Yates family kung paano pahalagahan ang magagandang bagay? Hindi talaga. Tahimik na kinain ni Wynter ang kanyang fruit candy. Hindi nagmukhang magulo ang itsura niya dahil sa maganda niyang mga mata, mahabang buhok, at maputlang mukha. Sa halip, nagmukha siyang misteryoso dahil dito… Kasabay nito, sa isang courtyard sa Kingbourne, nagdaos ang Quinnell family ng isang transnational meeting. Nakaupo sa tuktok si Fabian Quinnell, hawak niya ang isang dragon staff. Nakakatakot ang kanyang presensya. “Napakaraming taon na ang lumipas. Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid niyo?” Tinanong ni Fabian ang anim niyang apo na lalaki. Ang anim na anak na lalaki ng pinakamayamang tao sa Kingbourne, ang Quinnell family, ay puro mga elite. Kapag nasa harap sila ng publiko, ang bawat isa sa kanila ay pinagkakaguluhan sa kani-kanilang mga propesyon at industriya. Ngunit ngayong araw, lahat sila ay mukhang sawi, ng may bakas ng kalungkutan at pangungulila sa kanilang mga mata. Nawala sa kanila ang ika-pito nilang kapatid noon. Isa pa lamang siyang maliit na sanggol noong panahong iyon, cute at napakaganda. Hindi siya umiyak o nagwala. 18 taon na ang nakalipas, at mula noon ay hindi sila tumigil sa paghahanap sa kanya. Nawala ang huling bakas ng kapatid nila sa isang maliit na nayon sa bundok. Hindi nila alam kung paano siya nakarating doon. “Lolo, hindi kami titigil sa paghahanap. Makikita din natin siya!” Sa sandaling iyon, isang matabang lalaki ang dumating dala ang mga dokumento at hinihingal. “Mr. Quinnell! Natagpuan na namin si Ms. Quinnell!” Si Fabian, na laging kalmado, ay agad na tumayo. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay. “Nasaan siya? Utusan niyo ang mga tauhan na sunduin siya agad!” Sabi ni Fabian. Inabot ng lalaki ang mga dokumento kay Fabian at sinabing, “Nasa Southdale siya. Kinukumpirma pa namin ang eksakto niyang lokasyon.” “Kung ganun, pupunta tayo sa Southdale!” Nasasabik na sagot ni Fabian. “Ihanda niyo ang kotse!” … Palubog na ang araw sa Southdale noong pinalayas si Wynter. Hindi siya bumalik sa probinsya. Sa halip, pagkatapos tumila ng ulan, bumalik siya sa bahay niya. Nasa isa itong liblib na komunidad. Noong ipinarada niya ang kotse niya, mayroong bumati sa kanya, “Welcome back, Wynter.” “Nakabalik na ako.” Ngumiti si Wynter. Binigyan siya ng tindero ng prutas ng isang mansanas at sinabing, "Halos kalahating buwan kitang hindi nakita. Walang nag-aalaga sa’kin. Nanginginig ang mga kamay ko sa tuwing maglalaro ako ng chess.” Kilala ng lahat ng nasa Harmony Community si Wynter. May ilang mga retiradong opisyal ang mahilig makipagkwentuhan sa kanya habang kinokonsulta niya sila. Hindi dapat magpaloko ang sinuman sa tila ordinaryo nilang itsura. Binabalot sila ng mga sikreto, gaya ng manlalaro ng chess na lumalaban noon nationally. Para naman sa iba sa kanila, hindi inimbestigahan ni Wynter ang mga pagkatao nila. Tumira siya dito para lang makapag-relax.
Previous Chapter
1/200Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.