Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 8 Anunsyo ng Kasal

Gayundin, sa bahay ng Jennings. Punong-puno ng mga tao ang sala nila, naroroon ang lola nilang si Sylvia Walker, ang ama na si Shaun Jennings, ang nanay na si Sally Youngs, at ang kapatid ni Jason Morton, si Hayley Morton, pati na rin ang iba pang mga kaibigan ni Celine Jennings. Magkatabing nakaupo si Celine at Jason sa sopa ng sala. Bahagyang malumbay ang ere nila. “Celine, kung ako ang tatanungin mo, ang dali mo kasing i-bully! Mahal niyo ang isa’t is ani kuya, bakit niya naman ‘yun ginawa? Alam niyang maselan ang pagkatao mo, pero tinawag niya pa rin talaga ang pulis para ipaaresto ka. Hindi ba halatang gusto ka niyang sirain?” “Totoo iyan. Bukod pa roon, nakikipaglokohan na nga siya kasama ang ibang lalaki pagkatapos nilang maghiwalay ni Young Master Morton, ibig sabihin hindi talaga siya mabuting tao!” “Celine, mas kawawa ka dahil sikat ka. Ngayon, pinag-uusapan na ng lahat ang relasyon mo sa Internet, sinasabing inakit mo raw si Jason at inaakusahan ka rin nilang gumagamit ng drugs. Alam naman naming hindi iyan totoo, pero kailangan mong mag-isip agad ng paraan para ayusin ito.” “Oo nga! Talagang sinadya ni Nell na tumawag ng pulis. Labanan mo siya! Huwag kang magpaapi.” Nagpakita si Celine ng isang nakakaawang tingin kay Sylvia. Ang kanyang maputi at magandang mukha ay nagpakita ng bakas ng kahinaan at kalungkutan “Anong gagawin ko? Pinipilit ni Ate na gawin ito, hindi ko naman siya pwedeng pigilan. Matapos ang lahat, pamilya pa rin tayo. Kung mag-a-away-away tayo, maaabala lang natin sila lola, mama, at papa.” Binigyan siya ng tango ni Sylvia sa mga sinabi niya. Napabulalas si Shaun Jennings sa galit. “Bakit naman ako maaabala? Tinuturing mo siya bilang kapatid, pero bakit hindi mo tanungin sa kanya kung bakit di niya kayang maging ate sa iyo?” “Huwag niyo po siyang sisihin dito.. Kasalanan ko naman po ito.” Napasimangot si Jason at marahang nagsalita. Agad na tumanggi si Celine, “Hindi, ako ang may sala. Kung hindi nahulog ang loob ko kay Jason, hindi sana…” “Celine, hindi iyan ang tinutukoy ko.” Pinatigil siya ni Jason at sinabi sa isang mababang boses, “Ang gusto kong sabihin, sana maaga na lang natin siyang sinabihan. Hindi na dapat natin pinatagal dahil ayaw natin siyang saktan. Kasalanan ko dahil hindi ko agad inayos, kaya ikaw pa itong nasisisi ngayon.” Nakaramdam si Celine ng saya sa sinabi ito at may pagpapasalamat na tumingin. “Jason…” “Ahem!” Sa isang marahang ubo, ngumiti si Sylvia at agad na lumingon kay Jason. “Young Master Morton, umabot na ang lahat sa ganitong punto, at nakita mo na rin ang opinyo ng publiko sa Internet. Hindi na ito isang maliit na bagay ngayon. Anong gusto mong gawin sa sitwasyon?” Lubog ang ekspresyon ni Jason. Napakuyom rin ang kamay ni Celine at tila ba kinakabahan siya nang bahagya, “Ma’am, makakasiguro po kayong hindi ko hahayaan na masisisi pa si Celine dito. Pagbalik ko, ipapasabi ko agad na maglabas ng isang statement tungkol sa relasyon ko kay Celine.” Natuwa si Sylvia. Nasiyahan rin si Sally at Shaun. Si Celine lamang ang may bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. “Pero alam ng lahat na engaged ka. Maniniwala ba sila sa atin?” Hinawakan ni Jason ang kanyang kamay at nagpaliwanag, “Kahit alam ng lahat na engaged ako, hindi naman nila alam sino ang fiancée ko. Kailangan ko lamang sabihin na ikaw naman talaga ang nasa marriage contract. Wala na silang masasabi pa kung ganoon.” Talagang doon na natuwa nang tuluyan si Celine. Subalit, sa sumunod na segundo, napasimangot ulit siya. “Paano si ate..” “Huwag mo nang isipin iyan! Ako na ang bahala sa kapatid mo.” Rinig sa boses ni Sylvia ang kapangyarihan na ilang taon niyang binuo sa pamilya. “Hindi na rin kailangang ipa-anunsyo pa ni Young Master Morton ang bagay na ito sa Internet, maliban na lamang kung may gulong maganap ulit. Sa makalawa, kaarawan na ni Celine, hindi ba? Magpapaparty tayo at mag-iimbita ng ilang mga reporters, doon na lang natin sabihin.” Tumango si Jason. “Sige po, gagawin ko po iyan.” “Bumalik ka na rin sa inyo at kausapin mo ang iyong mga magulang tungkol dito. Matapos ang lahat, kasal ito. Hindi magandang kayo lang ang magdedesisyon.” “Huwag po kayong mag-alala. Pumayag na po sila dito. Gustong-gusto rin po ng mga magulang ko si Celine.” “Mabuti iyan.” Kita sa mukha ni Sylvia na gumaan ang kanyang loob. “Manatili ka muna dito at kumain ng tanghalian kasama kami!” Tumayo si Jason. “Hindi na po kailangan. May mga gagawin pa po ako sa opisina, kaya sa ibang araw na lang ho siguro.” “Napakagandang bagay naman na marinig iyan mula kay Young Master Morton. Iba talaga ang kabataan, Lalo na ang mga katulad mo na may talento. Sige, hindi na kita pipilitin pa.” Tinignan ni Sylvia si Celine. “Celine, samahan mo ang Young Master palabas.” Agad na tumayo si Celine. “Opo.” Pagkalabas lamang ni Celine at Jason ng pinto saka lumubog ang ekspresyon sa mukha ni Sylvia. Inalis niya ang kanyang ngiti at galit na tinignan ang lugar na kinauupuan ni Shaun, at saka sinabing, “Tawagan mo ang malamig mong anak at sabihan na umuwi siya ngayong gabi.” Agad na pumayag si Shaun. “Opo.” … Ibinaba ni Nell ang tawag matapos kausapin ang isang tao tungkol sa isang bagay. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkatapos niyang ibaba ito, muli na naming tumunog ang kanyang cellphone. Nagulat siya nang bahagya at tinignan ang dalawang salita sa caller ID na nasa screen niya. Napataas ang kilay niya. Nawala agad ang gana niya. Agad niyang sinagot ang tawag at kaswal na sinabi, “Papa.” “Alam mo naming tatay mo pa rin ako!” Napakalakas ng boses ni Shaun at hindi mapigilan ni Nell na i-alis ang kanyang tainga palayo sa cellphone. Sunod, nilagay na lamang niya ito sa mesa at saka pinindot ang speaker button. “May kailangan ka ba?” “Kailan ka pa nakabalik?” Bumagsak ang mga mata niya at marahang tumugon, “Bakit mo tinatanong?” “Talagang sinasabi mo pa iyan? Hindi mo nga ako sinabihan na nakabalik ka na pala dito. Iniisip mo pa bang tatay mo ako? Hindi mo man lang ba maisip ang pamilya mo?” Napaangat ang labi ni Nell sa panunuya. “Mr. Jennings, kung natatandaan ko nang tama, tinawagan kita noong bumalik ako rito.” Napatigil si Shaun. Sunod, sinabi niya nang may pag-aalangan, “Kailan mo ako tinawagan? Bakit hindi ko maalala?” Napasinghal si Nell sabay ngisi. Simula noong bumalik si Celine, hindi man lang siya pinagtuunan ng pansin ni Shaun. Alam niya naman na gano’n talaga. Subalit, hindi niya akalaing ganitong lebel pala. Nakalimutan niya pang tumawag si Nell sa kanya. Ano pa ang mas nakakatawa, talagang tinawagan pa siya nito para tanungin siya kung bakit hindi siya tumawag. Agad na napagtanto rin ni Shaun ang kanyang pagkakamali at nahiya nang kaunti. “Mabuti naman. Alam mo namang ang daming nangyayari sa kompanya, lalo na at pinapalaki pa namin ito sa nakalipas ng dalawang taon, kaya masyado akong abala at nakalimutan ko. Bilang anak, hindi ba dapat maging maunawain ka? Matagal ka nang nakabalik at hindi ka man lang umuwi sa bahay. Anong klaseng asal iyan?!” Hindi na nag-abala si Nell na itanong iyan at malamig na sinabing, “Ano ba ang kailangan mo?” “Ah…” Nainis si Shaun sa malamig nitong boses, subalit nang maisip na baka magwala pa ito, pinigil ni Shaun ang galit niya. Matigas niyang tugon, “Pinapasuyo ng lola mo na umuwi ka raw para sa hapunan ngayon!” “Salamat pero huwag na lang.” “Anong sabi mo? Isa ka pa ring miyembro ng pamilya Jennings. Ano bang masama sa pagtawag sa iyo para umuwi ka? Kailangan pa bang sunduin kita dyan?” Ngumiti nang malamig si Nell. “Ang pamilyang ito na hindi man lang ako naalala kahit kailan ay biglang pinapatawag ako para kumain ng hapunan? Nag-aalala ako na baka lagyan niyo pa ng lason ang pagkain ko at patayin ako.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.