Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1 Sorpresa

Nang dumating si Nell Jennings sa Lihua Hotel, 11:00 na ng gabi. Sa oras na tulad nito, hindi ligtas para sa isang taong nagtatrabaho sa isang negosyo na nagbebenta ng mga erotikong produkto na gumawa ng mga delivery nang personal. Lalo na kung isa itong dalaga at magandang babae. Subalit, wala ng ibang paraan. Hindi madali ang buhay. Kailangan ng pera sa kahit saan, mula sa pagkain, sa damit, sa bahay, hanggang sa pamasahe. Bukod pa roon, ilang araw na lang at uuwi na si Jason Morton. Anim na taon na silang nagde-date, subalit kalahati ng panahong ito ay hindi niya kapiling ang binata. Nag-aasikaso ito ng negosyo sa lokal at internasyonal na lebel. Ayaw rin naman niyang maging sagabal sa mga gawain nito. Mabuti na lang at malalim ang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Nagsimula pa nga siya ng maliit na negosyo dagdag sa kanyang araw-araw na trabaho upang mabigyan ng sorpresa si Jason sa nalalapit nitong kaarawan. Habang iniisip ito, umangat ng bahagya ang dulo ng labi ni Nell at napangiti siya. Hinila niya ang laylayan ng itim niyang sombrero at inayos ito bago niya hinawakan nang mahigpit ang dala-dala niyang kahon habang papasok siya sa loob. Sikat ang Lihua Hotel bilang isang lugar kung saan nagsasayang ng pera ang mga tao sa Jincheng. Halos lahat ng mga pumupunta rito ay mayayaman at matataas ang posisyon. Halata naman dahil sa pasilyong magara, at sa mga elevator na napapalamutian ng kulay ginto at pilak. Kung may taong tatayo sa tabi ng mga ilaw nito, kukupas sila sa hiya. Simpleng hinawakan lang ni Nell ang kahon at hindi na lumibot pa ang mata niya. Natatakpan ng mask ang kanyang magandang mukha, kung saan kita lamang ang pares ng malalalim at kalmado niyang mga mata. Tila ba nagbibigay pahiwatig ito ng kanyang katarayan. Sa isang ‘ding’, tumigil ang elevator sa 22nd floor. Lumabas siya at agad niyang nahanap ang Room 2202 at saka siya nag-doorbell. Bago pa man mabuksan ang pinto, may mga maalab na ugong ang maririnig mula sa lalaki at babaeng nasa loob. “Jay, ah… Tigil muna. Mukhang naririto na ang regalo natin.” “Sige, kukunin ko na.” Hindi mapigilan ni Nell na kumunot ang labi niya habang nasa labas. ‘Hindi pa nga dumarating ang laruan nila, at nagsisimula na silang maglaro?’ ‘Sabik na sabik naman!’ Agad na nagbukas ang pinto, at isang bagong ligo na lalaki na nakasuot ng bathrobe ang nagpakita. Hindi na siya tinignan ni Nell at agad niyang inabot ang kahon. “843 yuan! Cash ba or Wechat na lang?” Napatigil ang lalaki. Dalawang segundo ang makalipas, isang nag-aalangan na boses ang maririnig, “…Nelly?: Nagulat nang bahagya si Nell at itinaas niya ang kanyang ulo. Ang lalaking nakatayo sa pinto ay matangkad, may maiksi at basang buhok. Puting bathrobe lamang ang suot nito at sa ilalim ng liwanag, makikitang puno ng gulat, dismaya, at bakas ng takot ang gwapong mukha nito. Agad na nanlamig ang mukha ni Nell. “Jason, sino iyan?” “Wala naman. May nagdeliver lang.” Mabilis na sumagot si Jason Morton bago pa man makatugon si Nell. Naglabas agad ito ng pulutong ng pera mula sa kanyang pitaka at sinaksak na lang ito sa kamay ni Nell sabay kuha ng kahon sa kanya. Malakas na sinara nito ang pinto at rinig ang ‘bang’. Nakatayo lang doon si Nell, nanginginig ang kanyang mga kamay. Namumutla ang kanyang mukha. Sa sumunod na pagkakataon, bigla siyang napaismid. Tinignan niya ang salansan ng mga banknotes sa kanyang kamay na tila ba nakakita siya ng isang kakaibang biro, at saka niya tinuya ang sarili para kanyang katangahan. Nang marinig na niyang nagsisimula nang magtalik ang dalawa, huminga siya nang malalim at pinilit na huwag umiyak. Pagkatapos, tumalikod na rin siya at saka niya inilabas ang kanyang cellphone at nagtungo sa elevator. “Hello, ito ba ang Municipal Public Security Bureau? Gusto ko lang sanang i-report na may nangyayaring prostitusyon at paggamit ng drugs sa Lihua Hotel. Ang room number ay…” Makalipas ang dalawampung minuto. Isang sasakyan ng police ang makikita sa harap ng Lihua Hotel kasama ang ilang mga reporters na may dala-dalang camera. Habang papalabas na si Jason at ang babae, agad na lumapit ang mga reporters. “Mr. Morton, may nagreport na nagdala ka raw ng isang bayarang babae at gumagamit ka ng drugs. Totoo ba ito?” “Mr.Morton, bilang tagapagmana ng Morton Corporation, sa tingin mo ba tamang asal ito?” “Mr. Morton, sino ang babaeng kasama mo? May mga tsismis na isa siyang bayarang babae. Totoo ba ito? “Mr. Morton…” Napalibutan na talaga si Jason at kahit ang mga pulis ay hindi na sila mapigilan. Mamaya-maya, hindi na niya matiis ito at napasigaw na siya. “Buwisit!” Nagitla ang mga reporters at agad na lumayo. Napunta ang mga mata ni Jason kay Nell. Puno ito ng galit at kawalang-habag. “Ito ba ang gusto mo?” Malamig na ngumiti si Nell habang may bakas ng kutya sa kanyang mga mata. “Kahit gawin mo ito, wala nang tayo!” Biglang naglakad si Nell paharap at sinampal si Jason sa harap ng mga reporters at ng pulis— “Slap!” Dahil sa masakit na sampal, nabaling ang ulo ni Jason sa gilid. Biglang napatahimik ang lahat. Binuksan ng isang pulis ang kanyang bibig, “Ma’am…” “Pasensya na, nadulas lang ang kamay ko.” Ngumiti siya nang mahina at hinimas ang pulso niya. Malinaw at malamig ang boses nito habang tiningnan si Jason ng may sama ng loob. “Sa tingin mo ba may paki ako sa isang basura na nasa inidoro? Isipin mo na lang na interes ang sampal na ‘yun. Kukunin ko na lang ang mismong kapital sa susunod na tatlong araw!” Naguhitan ng takot ang mga mata ni Jason. “A-Anong kapital?” Napataas ang kilay ni Nell. “Gusto mo ba talagang ipaalala ko sa iyo?” Agad na namutla ang mukha ni Jason. Malamig ang ngiti ni Nell, puno ito ng pagkamuhi at panlilibak. Nang makita ng pulisya na wala na silang sasabihin, ikinumpas niya ang kanyang kamay at hinatid na sila Jason sa sasakyan. Ngayong wala na ang mga bida, wala ng dahilan para manatili ang mga reporters. Nagsimula na rin silang umalis. Nawalan bigla ng laman ang harapan ng hotel na punong puno ng tao kanina. Saglit lamang na tumayo si Nell doon at naghintay hanggang sa nakahinga na siya nang maayos saka umalis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang napalingon siya, natagpo ng kanyang paningin ang isang pares ng malalalim at mapagtanong na mata. Isang binata na nakasuot ng itim ang may-ari nito. Matangkad at tuwid ang anyo, malinis at maiksing buhok, at mga matang kasinglalim ng walang hanggang latag ng mga bituin. Sa ilalim ng gabing iyon, ang gwapo niyang mukha ay nagbigay ng isang maaliwalas na pakiramdam, hindi gaya ng madungis na paligid na pumapalibot sa kanya. Nagitla ang puso ni Nell. Sa likod ng kanyang isip, tila ba pamilyar ang binata. Subalit, nang lumingon siya ulit, napunta naman ang kanyang tingin sa secretary na nasa likod ng lalaki at sa kulay pilak na Porsche nito. Imposible namang may ganito siyang kakilala. Nagkibit balikat na lang siya at saka tuluyang umalis. Nang mawala na ang maliit na anyo ni Nell, inalis na rin ni Gideon Leith ang tingin niya rito at mahinahong nagtanong, “Sino iyon kanina?” Agad na tumugon si Matthew Starks na nasa likod niya, “Tinutukoy mo po ba ang lalaking dinala ng pulis? Mukhang siya yata ang anak ng may-ari ng Morton Corporation. Kababalik niya lang mula sa ibang bansa ilang araw ang nakararaan.” Napasimangot si Gideon nang bahagya. “Babae ang tinutukoy ko.” “Ano pong ibig mong sabihin?” Halata ang pagkalito ni Matthew. “Anong babae?” Nang makita ang simangot ni Gideon, agad na tumugon si Matthew. “Pasensya na po, Mr. President. Agad ko pong aalamin…” “Hindi na kailangan.” Pinigilan siya ni Gideon. Tila ba may naalala na ito matapos mag-isip nang ilang segundo. Isang bakas ng sorpresa ang gumuhit sa mga mata ni Gideon at napatingin ulit siya sa direksyon kung saan tumungo ang babae. Napangiti siya. Sunod, lumakad na rin siya patungo sa loob. … Dahil si Nell ang gumawa ng report, nagtungo rin siya sa police station. Nang matapos niya ang kanyang statement, isang grupo ng mga tao ang pumasok. Nangunguna sa grupong ito ang lola ng Jennings family, si Sylvia Walker. Agad siyang pumunta sa harap at binigyan ng malutong na sampal si Nell. Napaismid si Nell nang kumalat sa bibig niya ang lasa ng kanyang dugo. Malamig siyang tumingin sa mga taong nakatayo sa harap niya. “Isa kang hangal” Nanginig sa galit si Sylvia. “Alam mo namang kapatid mo iyon pero tumawag ka pa ng pulis? Sinusubukan mo ba akong galitin?” Pinunasan ni Nell ang dugo sa dulo ng kanyang labi at saka tumingin sa babaeng nasa harap niya. “Kapatid ko? Si Celine ba ang tinutukoy mo?” “Ano pa bang pinagpapanggap mo? Kumalat na ang balitang nilandi ng ikalawang anak ng Jennings family ang boyfriend ng iba. Ikaw ang dahilan nito, pero hindi mo pa alam?” Ibinababa ni Nell ang kanyang tingin at mahinang tumawa. “Siya pala ang babaeng yun! Akala ko kung sinong pokpok na pera lang ang habol, ‘yun pala mismong kapatid ko pa?”
Previous Chapter
1/1087Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.