Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 19 Hindi Siya Nagkulang sa Pera

Nagtanggal ang pamamasyal nila mula tanghali hanggang gabi. Napatunog ang tiyan ni Nell sa gutom. Inimbitahan siya ni Gideon sa isang hapunan upang pasalamatan siya sa pagtulong nitong pilian siya ng damit. Gutom na si Nell, kaya hindi na siya tumanggi pa. Alas siyete ng gabi, nagtungo na rin sila sa isang malapit na restawran para kumain. Kumain si Nell ng sampung Chinese mitten crabs mula sa Yangcheng Lake. Napaisip bigla ang lalaking nasa kabilang mesa habang pinapanood si Nell, ‘Mukha namang mayaman at gwapo pa ang lalaking ito, bakit naman niya ginutom ng ganyan ang girlfriend niya? Ilang araw ba itong hindi nakakain?’ Dahil sa gutom ni Nell, kumain lang siya na tila ba wala siyang paki sa mundo. Isa itong bagay na nakasanayan niya sa ilang taon sa trabaho. Laging siyang abala sa lahat ng pagkakataon, kaya kasaganahan na sa kanya ang makakain sa tamang oras. Kaya bakit pa niya iisipin kung ano ang itsura niya? Ang iniisip lang niya ay kumain nang mas mabilis para makabalik na siya sa trabaho. Nang matapos niya ang pangsampu niyang crab, kukuha pa sana siya, pero bigla itong inalis ni Gideon. Tumingin siya rito nang blangko. “Anong ginagawa mo?” Inabot ni Gideon ang plato sa waiter at sinabi sa isang malalim na boses, “Lalamigin ang katawan ko kapag kumain ka ng maraming crabs. Kumain ka muna ng iba.” Napanguso si Nell pero alam niya namang tama ito, at nakinig na lamang siya. Subalit, pagkatapos niyang tumingin sa ibang pagkain sa mesa, naramdaman niyang busog na siya at ayaw na niyang kumain. Ibinaba niya na lang tuloy ang kanyang chopsticks. Nakita ni Gideon na ibinaba nito ang kanyang chopsticks at saka napatigil rin/ Tinawag ni Gideon ang waiter para magbayad ng bill bago tumayo silang dalawa at lumabas. Nakaparada na ang itim na Rolls-Royce sa tabi. Bumaba si Matthew Starts mula sa kotse at magalang na binuksan ang pinto para sa kanila. Binati siya ni Nell nang may tawa. “Mr. Starks, kumain ka na ba?” Naramdaman ni Matthew na parang may mali sa tawang iyon at agad na ngumiti nang mapagpasensya, “Opo.” “Mabuti naman.” Pumasok si Nell sa kotse at bumulong kay Gideon. “President Leith, talagang nangahas ang assistant mo na ito para gamitin ang kotse mo upang maghapunan pagkatapos ka niyang iwan sa isang restawran. Nagiging arogante na yata ito.” Agad na nanigas si Matthew at nagpaliwanag nang mapakla. “President Leith, hindi. Kumain lang ako sa malapit.” Subalit, para bang walang narinig si Gideon at tumango na lang sabay ngiti. “Hm, tama ka nga. Medyo arogante na siya ah. Paparusahan ko na lang siya mamaya.” “Salamat.” Nakapaghiganti na rin si Nell. Mapait siyang tinignan ni Matthew, subalit nagulat siya nang malambing siyang tinapik ni Gideon sa ulo. Nang mapaandar na ang sasakyan, may inilabas si Gideon mula sa bag na nasa likod niya sabay abot kay Nell. “Para sa iyo ito.” Nagulat si Nell at tinignan ang loob nito. Ito ang damit na sinukat niya kanina. “Paano ito napunta rito?” Ngumiti si Gideon. “Ayaw mo ba nito? Nakita ni Matthew na nagustuhan mo ito, kaya binili na niya.” Tumingin si Nell kay Matthew. Agad na nakuha ni Matthew ang pahiwatig ni Gideon at tumango na lang. “Opo, ako ang bumili niyan, Ms. Jennings. Sa pagsisinungaling pala sa kaibigan mo kanina, kinailangan lang naman iyon. Isa kang mabuting tao, Ma’am, huwag niyo na po itong masyadong isipin!” Napatawa bigla si Nell. Inaasar lang naman niya si Matthew at hindi niya inasahang kakabahan ito. Tumango siya at inilabas ang kanyang cellphone. “Babayaran kita. Ililipat ko sa iyo ang pera.” “Hindi, hindi, hindi na po kailangan.” Agad na tumanggi si Matthew. Galing sa President ang pera. Bakit naman niya ito tatanggapin? Ngumiti ito at nagpaliwanag. “Ang totoo… ako lang naman ang nakaisip. Si President pa rin ang nagdesisyon na gawin ito, kaya kung may babayaran ka, siya dapat iyon!” Sunod, tumahimik na siya at wala nang sinabi pa. Lumingon si Nell aky Gideon sa gulat, at marahan itong sumagot, “Hindi naman ako nagkulang sa pera.” Nell. “…” Hindi ba ito alam ni Nell? Kailangan niya pa ba itong sabihin nang malakas? Ngumiti na lang si Gideon. “Kung gusto mo talaga akong bayaran, pwede namang may gawin ka na lang para sa akin?” “Ano iyon?” May kinuhang piraso ng papel si Gideon mula sa salansan ng dokumento sa tabi niya. Tinignan ito ni Nell. Isa itong kaso ng kasisikat lamang na lalaking artista sa Anning International. Simon Wilburn ang pangalan ng lalaki. Ang huli nitong ginanapang role ay sa isang historical drama na talagang naging sikat, mula roon, tinawag na siyang ‘Little Prince of Historical Dramas’. Subalit, nagkaroon ang ‘little prince’ ng isang iskandalo. Biglang nagpakita ang dati nitong girlfriend at inakusahan ito ng pambababae at pananakit, na ginatasan raw siya nito ng malaking pera bago maging sikat at hindi pa siya nito nababayaran. Mahirap na nga sa bahaging nagkaroon ito ng ibang babae, pero may pera pa at pananakit na kasama. Totoo man ito o hindi, isa itong balitang magdadala ng napaka-negatibong imahe sa kahit sinong artista. Kung seryoso ito, hindi na malayong mawawalan siya ng trabaho at masira ang kanyang kinabukasan. Tinignan ni Nell si Gideon, nagtataka nang bahagya. “Isa siyang artista sa ilalim ng Anning International. Wala ba kahit sino sa kumpanya mo ang kayang humawak ng PR para sa kanya?” “Sinubukan namin, pero hindi rin epektibo. Maraming hawak na talento ang kumpanya ngayon, kaya imposibleng ibigay namin ang lahat ng oras sa kanya.” Napasimangot si Nell. “Hindi mo pa rin ito kailangan isipin! Ikaw ang president ng corporation. Bakit ka ba nag-aalala para sa isang artista?” Napatigil si Gideon at nag-alangan. Sunod, sinabi niyang, “Pinsan ko siya.” Nell. “…” … Salamat sa pinsang ito, nagkaroon siya Nell ng pagkakataon na malaman ang kasaysayan ng pamilyang Leith. Nakakagulat na malamang isa itong istorya ng prinsipe at ni Cinderella. Sinasabing ang ama ni Gideon Leith ay isang mahinahon at gwapong lalaki. Subalit, ayaw niya sa babaeng ipinakasal ng pamilya niya sa kanya. Sa halip, nahulog ang loob niya sa isang babaeng nagmula sa mahirap na pamilya. Natural na ayaw ng pamilyang Leith dito, nagtanan silang dalawa, at pagkabalik, may anak na sila. Nang makita ito ng mga matatanda, hindi na nila mapuwersang paghiwalayin sila at pumayag na lamang. Ang batang iyon ay si Gideon Leith. Si Simon Wilburn naman ang nag-iisang anak ng nakababatang kapatid ng ina ni Gideon. Kahit hindi nag-uusap ang kanilang mga pamilya sa loob ng ilang taon, nagtutulungan pa rin sila sa tuwing kailangan. Tuwang-tuwa si Nell habang pinapakinggan ang kuwento. “Sino naman ang nakakaalam na napakagaling pala ng papa mo. Mukhang naging masaya sila nang magkasama!” Napatingin si Giden sa labas ng bintana. May bakas ng lungkot ang boses nito. “Masaya sana sila kung buhay pa sila!” Napangiwi si Nell. Nanigas ang ngiti sa labi niya. Ilang segundo pa bago siya nakatugon. Agad niyang pinigil ang kanyang emosyon at bumulong na lang, “Pasensya na. Hindi ko alam…” “Ayos lang.” Tinignan siya ni Gideon pabalik. “Ilang taon na rin ang nakalipas. Natanggap ko na ang katotohanan.” Sa isang sandali, hindi alam ni Nell ang sasabihin. Biglang bumigat ang ere at naging matamlay ang lahat. Binalik na lamang niya ang usapan sa kaso ni Simon Wilburn. “Pwede kitang tulungan rito. Libre rin ako at walang ginagawa, pero kailangan ko muna siyang kilalanin!” “Hm.” Napatango si Gideon. “Sige, gawin mo na lang sa makalawa! Kapupunta niya lang sa ibang bansa para magpakalma, pero pababalikin ko agad siya bukas.” “Sige.” Matapos tapusin ang plano, dumating na rin sila sa gusali ng apartment ni Nell. Binuksan niya ang pinto at saka lumabas ng kotse. Kumaway rin siya kay Gideon. Sa gabing iyon, naramdaman niyang ang mahinahon at eleganteng lalaking nakatabi niya sa sasakyan ay malungkot pala, tila ba nag-iisa siyang lampara na nagliliwanag sa gitna ng mahabang gabi. Tila ba nakaramdam siya ng kirot at napabalik rin sa realidad. Ngumiti si Gideon sa kanya at sinabihang umakyat na siya sa taas. Tumango si Nell at naglakad na patungo sa apartment niya. Hindi umalis ang sasakyan hangga’t hindi pa nawawala ang kanyang anyo sa gusali. Tinignan ni Nell ang direksyon kung saan lumisan ang kotse at nag-isip muna saka niya inilabas ang kanyang cellphone para tumawag. “Hello, gusto ko lang sanang magtanong tungkol sa isang tao. Kilala mo ba si Simon Wilburn?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.