Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 14 Aalis na Siya

Matapos ang lahat, isang A-list celebrity si Celine sa pamamagitan ng kanyang mga koneksyon, at magaling rin ang kanyang kakayahan sa negosyo. Masasabing isang naglalakad siyang pera sa ngayon. Ang isang kagaya niya ay handang pumirma sa Fenghua. Natural, masaya ang lahat. Halata namang natuwa si Jason sa reaksyon ng lahat at agad niyang tinaas ang kanyang kamay para sumingit sa mga galak na boses nila. “May isa pang bagay. Ang babaeng nasa tabi ko ay si Skylar Terrell. Halos lahat sa inyo ay hindi pa siya kilala, subalit higit sa sampung taon na siyang nasa industriya. Umaasa ako na sana narinig na siya ng iba.” “Ang dahilan kung bakit dinala ko siya rito ngayon ay dahil siya na ang magiging bagong PR manager at ang mangunguna sa public relations upang dalhin ito sa mas mataas na antas! Papalaguin natin ang kompanya at gagawin itong mas matatag.” Nang mabitawan niya ang mga salitang ito, natahimik ang lahat. Halos walang makapagbigay ng reaksyon, subalit matapos ang ilang segundo, pumalakpak na rin sila. Sunod, napunta ang kanilang tingin kay Nell. Napuno ito ng simpatiya at pagsisisi, tila ba nakumpirma na nila ang mga tsismis kaninang umaga. Sa mga hindi nakakakilala kay Skylar, napatanong sila sa mga kasamahan nila, at napunta ang tingin nila kay Nell. Hindi sila sigurado kung ano ang dapat nilang maramdaman. Matapos ang lahat, alam naman nilang magaling ito. Subalit, sa kwalipikasyon na mayroon si Skylar, natural, masasabing may kakayahan rin ito. Dahil si President Morton na ang nagdala sa kanya rito, wala na silang masasabi pa. Sa huli, mayroon pa ring isa o dalawang nasa mabuting ugnayan kay Nell na siyang tumayo at agad na nagprotesta. “Hindi ako payag!” “Hindi ko rin ito matatanggap! Gaya ng alam nating lahat, ang kasalukuyang PR manager ay si Nell Jennings. Lagi namang maayos ang trabaho niya at lagi siyang handang tumulong sa kompanya lalo na sa tuwing nasa alanganin tayo. Siya ang nagdala sa PR Department kung nasaan ito ngayon. Dapat tayong magpasalamat sa kanya. Hindi nakakabastos ang pagpalit mo sa kanya, President Morton?!” “Tama iyon! Wala namang nagawang pagkakamali si Ms. Jennings. Kahit gusto siyang palitan ni President Morton, may dahilan dapat ito, hindi ba? Kahit isang beterano si Ms. Terrell at isang napakasikat na anyo dati, narinig kong hindi na siya nagtatrabaho sa mga kaso ng mga celebrities sa nakalipas na dekada, kaya hindi talaga natin alam ang kakayahan niya. Kung nabigo siya, hindi ba magiging isa itong pagkakamali?” Tila ba ang mga tanong na ito ang siyang naging bato na naging dahilan para magkaroon ng mga alon, napabulong na rin ang iba. Oo, sikat nga si Skylar dati, subalit sampung taon na ang nakalilipas. Ilang beses nang nagpalit ang mga artista sa industriya. Magiging ayos lang ba si Skylar kung magtatrabaho siya sa PR? Napakunot ang noo ni Jason sa mga tanong nila. Nang magsasalita na sana siya, biglang may humila nang kanyang manggas. Binigyan siya ni Celine ng isang tingin, at tumigil na si Jason. Sunod, nakita niyang tumingin si Skylar at sinabing, “May hindi kayo nauunawaan!” Tinignan niya ang lahat ng naroroon saka tumingin sa walang paking si Nell. “Hindi ako kinuha ni President Morton para palitan si Nell Jennings. Isang mabuting empleyado si Nell Jennings at siya ang dahilan kung bakit maayos ang lahat dito sa Fenghua. Paano namang gagawa ng gano’ng napakalamig na desisyon si President Morton?” Nalito ang lahat sa mga sinabi niya. “Ngayon, anong gustong iparating ni President Morton?” Ngumiti si Skylar at kalmadong sinabi, “Gaya ng nalalaman nating lahat, hindi na isang maliit na kompanya ang Fenghua. Ngayon, Anning International na lamang ang kayang tumapat sa atin.” “Sa ibang salita, ang tanging kalaban natin ay ang Anning International. Naniniwala akong hindi ko na kailangang ipaliwanag pa iyan. Alam niyo dapat ito.” “Upang labanan ang gano’ng klaseng kompanya, kailangan natin ng maraming abilidad at mabilis na tugon, subalit kalakip dapat nito ang isang malalim na pag-unawa sa industriya at dami ng koneksyon.” “Subalit, ito ang dalawang bagay na wala kay Ms. Jennings. Matapos ang lahat, dalawang taon lamang ang karanasan niya sa industriya. Ito ang dahilan kung bakit inaya ako ni President Morton. Gusto niya lamang akong tumulong sa PR Department at samahan si Ms. Jennings. Tutulungan ko siya sa mga impormasyon na dapat niyang malaman at mga koneksyon na dapat buuin. ‘Yun lamang.” Doon lamang napagtanto ng lahat kung ano ang nagaganap. Iyon pala. Kailangan nilang aminin na tama naman si Skylar. Ngayong malago na sila sa ganitong punto, hindi na sapat ang kakayahan ng isang Negosyo. Kumpara sa lakas pampinansyal, ang mga matitibay na koneksyon at malalim na pag-unawa sa industriya ay mas mahalaga. Kung walang kakayahan ang isang tao na magplano ng sampung hakbang at wala pa itong masyadong karanasan sa industriya, mahihirapan siyang panatilihing nangunguna ang kompanya. Naunawaan na rin ito ng lahat, subalit may isang nagtanong. “Kung gano’n, dahil si Ms. Terrell ang magiging PR manager, ano na ang magiging posisyon ni Ms. Jennings?” Tumingin ang lahat kay Nell. Lumingon si Jason kay Nell at tumahimik nang ilang Segundo bago sinabi sa isang mababang boses, “Madedemote muna si Nell at magiging assistant manager na muna siya sa ngayon! Matuto kayo sa inyong mga seniors upang magkaroon kayo ng pagkakataon na lumago sa hinaharap.” Ang lahat. “…” Hindi naman kakaiba na ma-demote . Subalit, ang mademote matapos gumawa ng malalaking kontribusyon… Isa iyang sampal sa mukha! Ngumisi si Nell. Sa ilalim ng paningin ng lahat, kalmado lamang siyang tumayo at inilagay niya ang kanyang kamay sa mesa bago tumingin kay Jason na nakaupo sa harap. “President Morton, sinabi mong ang kahinaan ko ay ang lebel ng aking kaalaman at koneksyon sa industriya. May ebidensya ka ba o mga espisipikong kaso na makapaglalarawan nito?” Natigil si Jason. Ayaw niyang aminin na lahat ng kasong hawak ni Nell ay natapos nang maayos. Wala naman talaga siyang ebidensya. Nakatitig lamang si Nell nang malamig bago mapasinghal. “Dahil walam ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit matatalo ako kay Ms. Terrell sa dalawang aspeto na ito?” Jason. “…” Pinanood ni Nell na hindi ito makapagsalita at tumawa na lang sa kanyang puso. Kung iisipin lang, sa nakaraan, ang dami niyang binuhos na oras at gabing walang tulog para alamin ang industriyang ito at tignan ang lahat ng mga impormasyon sa mga kasong hawak niya. Upang makabuo ng mga koneksyon sa Fenghua, pumunta siya sa mga inuman kahit ayaw niyang nakikipaghalubilo sa iba. Ilang beses ba siyang uminom hanggang sa mapasuka siya sa mesa, para lamang makagawa ng koneksyon para sa Fenghua? Ilang beses ba siyang nag-overtime hanggang hatinggabi? Kahit pagod na pagod na siya pagkauwi, isang tawag lamang mula sa management department at sapat na ito para mapabangon siya. Sinasabing kapag may nangyari sa isang artista mula sa entertainment industry, siya agad ang nakakaisip ng madaling solusyon. Subalit, walang nakaisip kung gaano karami ang dugo at pawis na binuhos niya sa likod ng mga tagumpay na iyon. Hindi ito nakita ni Jason. Sa totoo nga, nagbulag-bulagan pa ito. Ngayon, ginagamit pa nito ang kanyang karanasan bilang isang halimbawa. Nabastusan si Nell rito. Hindi pa siya nabigyan ng ganitong sama ng loob dati. Bago pa man ito, handa na talaga siyang mag-resign. Hindi niya lang inakala na ganito kawalang hiya si Jason. Hindi makapagsalita si Jason at napasimangot na lang. “Nell, isa itong magandang oportunidad para sa iyo. Magpasalamat ka, at sa susunod na pagkakataon…” “Hindi na kailangan ng ‘susunod na pagkakataon’!” Sa isang ngisi, inilabas niya ang kanyang resignation letter mula sa kanyang notebook at ihinampas ito sa harap niya. “Hindi ba ito ang gusto mo? Ibibigay ko ang kahilingan mo. Bukod pa roon, hindi ko na kayang magtiyaga sa isang mangkok ng marumi, at mababang kalidad na kanin gaya ng Fenghua. Bahala kang pumili kung sino ang mangunguna sa PR department sa hinaharap. Aalis na ako rito. Ayoko na!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.