Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 10 Ano ang Iniwan ni Mama

Nanigas ang mukha ni Celine. “Ate, paano mo naman iyan nasabi sa akin?” Pumilit si Sally ng isang ngiti. “Nell, wala namang masamang intensyon ang kapatid mo, bakit hindi mom una siya kausapin? Ayusin niyo ang mga hindi pagkakaunawaan. Pamilya pa rin naman tayo.” “Pamilya! Pasensya ha! Kaya kong maging pamilya ang kahit sino sa bahay na ito maliban sa inyong dalawa.” “Bukod pa roon, isa lang ang anak ng mama ko. Kailan pa ako nagkaroon ng kapatid? Pakiusap huwag mong pansinin ang mga problema ko. Mag-ingat kayo sa multo ng mama ko, sana hindi niya kayo bisitahin sa gitna ng gabi!” “Ahhh—!” Napasigaw si Celine sa takot mula sa malamig at matikas na anyo ni Nell at saka lumapit kay Sally. Sa pagkakataong iyon, isang malakas na sigaw ang maririnig sa hagdan. “Nell Jennings!” Tumingin si Nell sa itaas at nakita niya na naglalakad si Sylvia habang may tungkod ito. Kahit matanda na ang Old Madam, malusog pa rin naman ito at malinaw ang paningin. Laging mabigat ang ekspresyon nito at nakakatakot ang dating. Subalit, hindi takot si Nell sa kanya. Tumayo lamang siya nang pirmi habang malamig ang kanyang mga mata. Galit na galit si Sylvia sa bahaging ito ni Nell. Matigas ang ulo nito at malayo ang loob sa mga tao, gaya ng kanyang pumanaw na ina. Tila ba nasa dugo na niya ang ganitong yabang at wala na siyang paki sa iba. Malamig siyang nagsalita. “Anong sabi mo?” Hindi nag-abala si Nell na sumagot. May mga bagay na wala ng punto pa para pag-usapan. Ilang taon ang nakalilipas, nagtalo na rin sila tungkol sa mama niya. Ngayon, alam niyang wala namang kahit sino sa pamilyang ito ang may paki sa nanay niya, kaya hindi na niya kailangang makipag-away pa kahit kanino. Naisip na lang ni Sylvia na natakot si Nell kaya hindi ito sumagot. Ganoon din, lumuwag ang ekspresyon ng matanda. Sunod, tinignan niya si Celine na nasa braso ni Sally. Sa maselang mukha nito na para bang isang hayop na natatakot, hindi mapigilan ni Sylvia na gumaan ang kanyang loob. “Sige! Dahil nakabalik na rin naman, huwag na nating pag-usapan ang nakaraan. Kumain na tayo.” Pagkatapos, tumungo na sila sa dining room. Sumimangot si Nell ngunit sumunod rin siya. “Nell, sinabihan ko si Aunt Carroll na ipagluto ka ng paborito mong pagkain dahil babalik ka. Tikman mo ito. Nagustuhan moba?” Nang maupo sila sa mesa, agad na pumili si Sally ng mga ulam para kay Nell. Tiniis ni Nell ang irita niya sa ginawa nito. Hindi ginalaw ni Nell ang kanyang chopsticks at hindi rin siya tumugon. Agad na tumaas ang galit ni Shaun nang makitang parang yelo lamang ang anak niya. “Ano? Hindi ka na ba naming pwedeng tawagin para sa hapunan? Mas matanda pa rin si Sally kaysa sa iyo. Hindi mo ba alam kung paano magsabi ng ‘salamat’ dahil pinipilian ka niya ng kakainin? Nanatiling tahimik si Nell. Kahit ayaw niyang makipagtalo sa kanila, hindi naman nila maaasahang maging maganda ang kanyang pakikitungo sa babaeng naging dahilan para magpakamatay ang kanyang ina, lalo naman ang kumain sa iisang hapag kasama siya. Ibinaba niya ang kanyang chopsticks at malamig na sinabi. “Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa! Hindi ako gutom at ayoko ring kumain. Bakit niyo ba ako tinawag?” Naguhitan ng listo ang mga mata ni Sylvia. Sa ngayon, hindi siya nagalit at sinabi lamang sa isang mababang boses, “Mukhang ayaw mo sa pamilyang ito. Sige, walang pipilit sa iyo na kumain. Ang dahilan kung bakit ka naming pinatawag ngayon ay upang sabihan ka.” “Sa makalawa, kaarawan ng kapatid mo, at may party na magaganap. Napag-usapan na rin namin ng pamilya Morton ito, iaanunsyo naming ang relasyon nilang dalawa sa araw na iyon. Kailangan mong pumunta roon.” “Kapag may nagtanong, sabihin mong engaged talaga ang kapatid mo kay Jason Morton. Makakabuti rin ito para sa iyo. Dahil tapos na rin naman kayo, pakawalan mo na ito!” Tumingin si Nell sa kanya na puno ng gulat. Hindi niya akalaing gagawa pa sila ng ganitong klaseng hapunan para lamang sabihin ito sa kanya. Tinignan niya si Sylvia, at matapos ang mahabang sandal, tumawa siya sa isang mababang boses. “Ang gusto mong sabihin maging panangga ako? Gusto mong ako ang maging daan para sa pag-aanunsyo ng kanilang relasyon?” Nandilim ang mukha ni Sylvia. “Ayusin mo ang mga salita mo. Hindi lamang ito para sa kapatid mo. Para rin sa iyo ito!” Matapos ang isang sandal, dagdag niya pa, “Isa ka ring babae at ikakasal ka rin. Hindi ba magandang hindi nila malaman na naiwan ka?” “Paano kung ayoko?” “Wala kang magagawa rito! Huli na ang lahat! Wala kang paraan para tumanggi!” “Paano kung ipipilit ko na huwag pumunta?” Tumawa nang malamig si Sylvia, at tumingin ito nang may paghamak. “Pupunta ka talaga, maliban na lang… Kung ayaw mo sa mga gamit na naiwan ng ina mo.” Agad na nabalot ng katahimikan ang silid. Tumayo si Nell mula sa kanyang kinauupuan. Nakatitig siya kay Sylvia habang maputla at malamig ang mga mata. Matapos ang ilang sandal, tumawa siya nang walang sigla. “Sige! Maganda iyan! Pinagbabantaan niyo ako ngayon, pero hindi iyan habambuhay!” “Sapat na ngayon lang.” Pinigil ni Sylvia ang galit niya at kalmadong ibinaba ang chopsticks niya. “8:00 ng gabi sa makalawa, Dijue Hotel. Huwag kang mahuhuli.” … Nang makaalis na si Nell sa bahay nila, 8:00 na ng gabi. Malamig ang simoy ng taglagas sa kanyang katawan, subalit hindi nito maaalis ang galit sa puso niya. Alam naman talaga niyang paborito ni Sylvia si Celine, pero hindi niya alam na hanggang ganitong lebel pala. Hindi man lang ito nagpanggap na lola niya pa siya, kundi ginamit agad nito ang nanay niya para pagbantaan siya? Isang malaking kalokohan kung iisipin! Tumayo si Nell sa tabi ng kalye at galit na galit, subalit lumubog rin ang mukha niya. Sa taong iyon, bago ang insidente, kinomisyon ng kanyang nanay na si Cathy Morrison ang isang abogado para gumawa ng last will niya. Simple lang naman ang laman nito. May safe siya sa isang bangko, at kapag namatay siya, lahat ng laman nito ay mapupunta kay Nell. Isa lang naman ang kondisyon nito, hintayin ang pagkakataong makasal siya. Hanggang sa pagkakataong iyon, ang abogado muna ang hahawak nito para sa kanya. Hindi alam ni Nell bakit ito ginawa ng kanyang mama, at hindi rin naman niya alam kung ano ang laman ng safe na iyon. Sa loob ng ilang taon, sinubukan ng pamilya Jennings na ipasuko sa kanya ang manang ito sa iba’t ibang paraan. Syempre, hindi siya pumayag. Bukod pa sa halaga ng mga items na nasa loob noon, ang katotohanan palang na iniwan ito ng mama niya ay sapat na para hindi niya hayaang mapunta ito sa iba. Subalit, nararamdaman niyang hindi lamang simple ang laman nito. Kung hindi, hindi naman ito bibigyang pansin ng pamilya Jennings. Habang napaisip siya, isang itim na Audi ang dumaan at tumigil sa harap ng gate. Habang nakatulala si Nell, isang pamilyar na boses ng lakaki ang maririnig. “Nell? Bakit andito ka?” Napalingon si Nell at nakita niya si Jason Morton na kalalabas lamang sa kotse. Nakasuot ito ng itim na Armani suit na siyang nagpapakita ng tuwid niyang postura. Pakutyang siyang sumagot at sinabi sa isang malamig na boses, “Mukhang abala si Young Master Morton at nakalimutan na niya kung ano ang apelyido ko.” Nanghina ang mukha ni Jason at nanigas ito. Syempre, hindi niya nakalimutang Jennings si Nell. Tahanan naman talaga niya ito. Subalit pinutol na ni Nell ang ugnayan niya sa pamilyang ito ilang taon na ang nakararaan, kaya natural lamang na magulat siya kung bakit naririto ito ngayon.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.