Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 8

Kinuha ni Carlisle ang college application form sa backpack niya at inabot yun kay Hilda. Nang mabasa ang application form, kumunot ang noo ni Hilda at sinabing, “Ikaw bata ka, Riverland University talaga ang nilagay mo?” Sumama ang tono ni Gordon, “Anong ibig mong sabihin? Hindi ba kayang makapasok ng anak ko sa Riverland University?” “Hindi yun ang ibig kong sabihin! Pwede pa sana siyang maglagay ng iba pang school!” “Ano? Isang school lang ang nilagay niya?” Inagaw ni Gordon ang application form at tiningnan ito. Biglang nanigas ang katawan niya. Diyos ko! Riverland University lang ang nilagay ni Carlisle. So, ibig sabihin ba ay Riverland University lang talaga ang gusto niya? Isang bagay na ang palakasin ang loob niya, pero ibang bagay na ang realidad. Hindi siya naniniwala na makakapasok si Carlisle sa Riverland University. Maingat na nilunok ni Carlisle ang pagkain niya at sinabing, “Dad, hindi na kayo naniniwala sa akin?” Huminga nang malalim si Gordon bago ilapag ang application form sa mesa. Mariin niyang sinabi, “Bakit hindi mo pa pag-isipan?” Ilang beses na kumibot ang labi ni Carlisle. Nangako ang tatay niya na susuportahan siya. Impokrito! Biglang naalala na noong may sakit siya. Madalas na umubo ang kaniyang ama at minsan naman ay nahihirapang huminga. Hinala niya ay may problema sa baga ang kaniyang ama. Malapit nang mamatay si Carlisle nang mangako itong titigil na sa paninigarilyo. “Dad, pustahan tayo. Kapag nakapasok ako sa Riverland University, hihinto ka na sa paninigarilyo,” Mungkahi ni Carlisle. “Tumigil sa paninigarilyo?” Hindi mapigilang kilabutan ni Gordon nang maalala niya ang tatlong buwang hindi niya paninigarilyo para mabilhan si Carlisle ng bike. Sinabi niya, “Baguhin mo ang pusta.” Ngumisi si Carlisle. “Wala ba kayong lakas ng loob na pumusta?” Nadala si Gordon at sumagot, “Sige, magpustahan tayo! Kapag nakapasok ka sa Riverland University, titigil ako sa paninigarilyo at pag-inom!” Matagumpay na ngumiti si Carlisle. Nagsalita agad si Gordon, “Tingnan mo ang sarili mo! Kung umakto ka ay para bang makakapasok ka talaga sa Riverland University!” Kinurot ni Hilda ang braso ni Gordon at nagtanong, “Sino ba ang buong-pusong naniwala na kaya niya yung gawin?” Hinimas ni Gordon ang braso niya at nagpunta sa balkonahe para manigarilyo. Bumalik si Carlisle sa kwarto niya para mag-aral pagkatapos maghapunan. Mathematics, Physics, Chemistry at Language ang mga kahinaan niyang subjects. Kailangan niya itong pagtuunan ng pansin. Sa sumunod na tatlong araw, walang tigil sa pag-aaral si Carlisle. Nakikinig siya nang mabuti sa bawat klase. Dati ay tahimik siyang estudyante, ngayon ay nagtataas na siya ng kamay para sagutin ang bawat tanong at magaling ang pagkakasagot niya. Isang araw, sinulat ni Lucy sa blackboard ang parehong math problem na unang kinonsulta ni Carlisle kay Wanda noon. “Pwedeng lumabas ang tanong na ‘to sa SAT paper. Sinong kayang mag-solve nito?” Tanong ni Lucy habang pinagmamasdan ang buong klase. Umaatras ang lahat dahil sa takot na matawag sila. Hindi naman nagalit si Lucy dahil talagang mahirap nga ang tanong. Kahit na ang class monitor na si Wanda ay kailangan ng brainpower para ma-solve yun. “Ms. Turner, kaya kong i-solve ang tanong na ‘yan,” Tinaas ni Carlisle ang kamay at kampanteng nagsalita. “Si Wanda na ang magso-solve!” Hindi pinansin ni Lucy si Carlisle. Kahit na mayroon ngang pagbabago kay Carlisle nitong mga nakaraang araw, hindi siya naniniwalang kaya nitong sagutin ang complex equation na ito. “Ms. Turner, hayaan niyong subukan ni Carlisle. Kaya niya talagang i-solve ang tanong na yan!” Kampanteng saad ni Wanda. Nagulat si Lucy bago tumango at sabihing, “Sige, Carlisle, i-solve mo ang tanong na ito.” Naglakad si Carlisle papunta sa podium at nagsimulang i-solve ang equation gamit ang chalk. Wala pang tatlong minuto ay napuno na ni Carlisle ang kalahati ng blackboard ng equations. Hindi siya huminto kahit sandali. “Tapos na!” Sabi ni Carlisle sabay balik ng chalk sa chalk box. “Ms. Turner, paki-check kung may mali!” Chineck ni Lucy ang sagot. Tama nga ang lahat at walang mali. Tiningnan niya si Carlisle at hindi makapaniwala. Mahirap akalain na kayang ma-solve ng isang low achiever na tulad niya ang ganitong tanong. Huminga nang malalim si Lucy at sinabing, “Mukhang malaki ang impluwensya sa iyo ng pagtuturo ni Wanda!” Ngumiti si Carlisle at sumagot, “Salamat, Ms. Turner sa pagbigay ng opportunity na ‘to sa akin, at salamat sa iyo, Wanda sa walang pagod na pagtuturo mo sa akin!” Isang bihirang ngiti ang lumitaw sa masungit na mukha ni Lucy. “Magaling, pwede ka na bumalik sa upuan mo. Sana mas masurpresa mo pa ako sa mock exam bukas!” Bumalik si Carlisle sa upuan niya. Tiningnan ni Wanda ang blackboard nang nakangiti. Alam niya kung gaano kalaki ang pinagbago ni Carlisle sa nakalipas na tatlong araw. Nakangiti rin si Sarah. Naniniwala siyang dahil sa kaniya ang progress ni Carlisle sa pag-aaral. Gusto siya nito, kaya naging masipag ito dahil lang sinabi niya na sa Riverland University siya pupunta. Yun ang kapangyarihan ng karisma niya. Pagkatapos ng klase, pinaalis ni Sienna si Quentin at naupo sa tabi ni Sarah. Bumulong siya, “Sarah, mukhang nagbago na si Carlisle!” Mapagmalaking tinaas ni Sarah ang noo at sinabing, “Siyempre! Kung hindi, paano siya makakapasok sa Riverland University? Paano niya ako mahahabol?” Nagtanong si Sienna, “Kinausap ka ba niya nitong mga nakaraang araw?” “Hindi mo ba nakikita na nag-aaral siya nang mabuti?” Umirap si Sarah. Para kay Sienna, ibig sabihin nun ay hindi pa rin kinakausap ni Carlisle si Sarah. Matapos ang sandaling pananahimik, nagtanong ulit si Sienna, “Ide-date mo ba siya kapag nakapasok siya sa Riverland University?” Nag-alinlangan sandali si Sarah bago tumango at sinabing, “Siguro. Depende sa attitude niya!” Dismayado siya kay Carlisle nitong mga nakaraang araw. Hindi lang siya nito hindi binilhan ng pagkain, hindi rin siya nito binibilhan ng snacks. Kung ganito pa rin ang attitude niya pagkapasok ng Riverland University, siguradong hindi niya ito tatanggapin. Pero kung patuloy siya nitong susuyuin katulad ng dati, baka pag-isipan niya na subukang makipag-date. Pagkatapos ng lahat, may itsura pa din si Carlisle. Nakapasok pa nga siya sa top ten senior high school heartthrob list! “Oo nga pala, sino yung taong laging nagpapadala sa atin ng almusal?” Tanong ni Sienna. “Sino pa ba? Isa siguro sa mga manliligaw ko. Ayaw ko ng mga pa-misteryoso. Huwag na natin tanggapin ang almusal niya simula bukas. Si Carlisle na ang pabibilhin ko!” “Sige, susundan kita!” Sagot ni Sienna. Physical education ang susunod na klase. Sinabihan na ni Lucy ang physical education teacher na hayaan ang mga estudyante na magkaroon ng free activities. Naniniwala siyang karamihan sa kanila ay magpapa-iwan sa classroom para mag-aral. At tama nga, karamihan sa mga babae ay nag-paiwan sa classroom. Karamihan sa mga lalaki ay wala doon. Si Herman lang ang naiba. Nanghihina siya at ayaw niyang magtagal sa arawan. Bumalik na lang siya sa classroom. “Herman, nasaan si Carlisle?” “Herman, nasaan si Carlisle?” Dalawang boses ang narinig ni Herman pagkatapak niya sa podium. Una, tiningnan niya ang class monitor na si Wanda at saka si Sarah na nakaupo sa sulok. Wow, may ganito bang karisma si Carl? Isang bagay na na hanapin siya ng school belle, pero hinahanap na rin siya pati ng class monitor! “Naglalaro siya ng basketball!” Sagot ni Herman. “Sabihan mo siya na umakyat. May sasabihin kamo ako sa kaniya!” Utos ni Sarah. “Sa…. sa tingin ko mahe-heatstroke ako,” Mahinang sagot ni Herman, Tumayo si Wanda at nagtanong, “Sarah, anong kailangan mo sa kaniya? Pababa na rin ako!” Walang emosyong sumagot si Sarah, “Hayaan mo na, bababa na rin ako. Gusto kong samahan niya ako maglaro ng badminton!” “Oh!” Sagot ni Wanda bago maglakad palayo. Mabagal na sinundan ni Sarah si Wanda. Nakaradam siya ng crisis dahil kay Wanda. Kahit na ayaw niya kay Carlisle, ayaw niya na rin na masyadong maging malapit si Wanda sa kaniya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.