Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6

Nang matanggap ni Carlie ang college application form, mabilis niyang hinanap ang code para sa Riverland University and isinulat yun agad. “Carlisle, talagang Riverland University ang pinili mo?” Lumingon si Wanda habang hawak ang isang lapis at nagtanong. Pinakita ni Carlisle ang application form niya at sinabing, “Heto, tapos ko na pirmahan ang form!” Tanging Riverland University lang ang nakasulat doon. Nagtaka si Wanda pero ngumiti siya. “Mukhang confident ka , huh?” “Sigurado akong matutupad ang mga goals ko!” Seryosong sabi ni Carlisle. Bilang isang reincarnator, mas mabuti pang mabangga na lang siya nang matapos na kung hindi pa siya makakapasok sa Riverland University. Matapos mag-alinlangan sandali, nilagay din ni Wanda ang Riverland University sa application form niya. Biglang nagtanong si Carlisle, “Wanda, kaya mong pumasok sa Standford o Harvard sa grades mo. Kaya mong makapasok sa Ivy League. Bakit mo pinili ang isang regular university tulad ng Riverland University?” Bahagyang nanigas ang kamay ni Wanda habang hawak ang lapis, namula rin nang kaunti ang mga tainga niya. Tumango si Carlisle na para bang naiintindihan niya si Wanda at nagpatuloy, “Naiintindihan ko. Riverland University rin ba ang pinili ng taong nagugustuhan mo?” Lumingon siya sa academic chairperson, si Armand Finley. Pagkatapos ay ngumisi. “Si Armand, ‘no?” Pinanganak na mayaman si Armand. 6’1 ang height niya at magaling sa academics. “Hindi rin. Sa galing at family background ni Armand, siguradong sa Ivy League siya pupunta! Si Dave ba?” Nagliwanag ang mga mata ni Carlisle habang tinitingnan si Dave Pugh na nakaupo sa row bago kay Sarah. “Dave, anong school ang pinili mo?” Kinalabit ni Sarah si Dave na nasa harapan niya gamit ang pambura ng lapis na hawak niya at saka nagtanong. “Riverland University! ikaw?” “Riverland University rin ang pinili ko!” Sagot ni Sarah. Sa tabi nila, nagsalita si Quentin, “Mataas ang cutoff score para sa Riverland University. Duda akong makakapasok ako!” Ngumisi si Sarah. “Swerte ka na kung makakapasok ka sa isang Tier 3 university. Iniisip mo pang pumasok sa Riverland University?” Pagkatapos niyang magsalita, napansin ni Sarah na patago siyang tinitingnan ni Carlisle. Dahil nasa front row siya, mahihirapan na itong magnakaw ng tingin sa kaniya, tama? “Hoy, huwag ka ng gumawa ng kwento. Wala akong gusto!” Namumula ang mukha ni Wanda at masama ang tingin kay Carlisle. Kita ang maputing ngipin ni Carlisle nang ngumiti siya at sabihing, “Namumula ka na, siguradong may tinamaan ako. Pinili mo ang Riverland University dahil kay Dave…” Pagkatapos niyang magsalita, napahinto si Carlisle sandali. Pero, parang hindi naman si Dave ang pinakasalan ni Wanda noon. Tiningnan nang masama ni Wanda si Carlisle habang naluluha-luha ang mga mata at nagtanong, “Carlisle, tapos ka na ba?” “Carlisle….” Kumunot ang noo ni Lucy at pinagsabihan siya. Yumuko si Carlisle at nilabas ang libro para mag-review. “Nasulatan mo na ba ang application form?” Malamig na tanong ni Lucy. Tumango si Carlisle at sumagot, “Tapos na po.” “Ipakita mo sa akin!” Nilahad ni Lucy ang kamay at inabot ni Carlisle ang application form sa kaniya. Tiningnan ni Lucy ang form at kumunot ang noo. Ngumisi siya. “Carlisle, wala ka bang self-awareness? Sa grades mo, sa tingin mo ay makakapasok ka sa Riverland University?” “Ang cutoff score para sa Riverland University ay 1280. Wala pang 900 ang score mo sa mock exams. Anong plano mo para makapasok sa Riverland University?” Galit si Lucy, para sa kaniya ay basta na lang sinagutan ni Carlisle ang application form. “May isang buwan pa kami para mag-aral. Paano kung makapasok nga ako sa Riverland University?” Buong tapang na sagot ni Carlisle. Ngumisi si Lucy at sinabing, “Kapag nakapasok ka sa Riverland University. Magsasabit ako ng banner para sa iyo sa school building!” “Kayo nagsabi niyan!” Hinawakan ni Carlisle ang ilong at naging determinado. “Sinabi ko yun, at pwedeng tumestigo ang buong klase!” Mariin na sabi ni Lucy. Ang totoo, gusto siyang i-motivate ni Lucy. Kung kayang i-motivate ng pangako niya si Carlisle at magbabago nga ito at makapasok sa Riverland University, walang problema sa kaniya na magsabit ng banner. … Karamihan sa mga estudyante ay nag-aaral nang mabuti kapag oras ng self-study session. Si Sean lang ang natutulog sa tabi ng patong-patong na mga libro. Nakatayo si Lucy sa harap ng bintana at malamig na nakatitig kay Sean. Kumuha naman si Carlisle ng kapirasong chalk mula sa podium at binato yun sa ulo ni Sean. “Nasaan angs sniper?” Sigaw ni Sean. Kasabay nito, napansin niya si Lucy na nasa bintana at agad na kinuha ang libro niya para magbasa nang malakas. Pagkatunog ng bell, agad na binaba ni Sean ang mga libro niya at tumayo. “Carlisle, mag-lunch tayo.” Nag-inat si Carlisle at tiningnan si Wanda. Nagtanong siya, “Gusto mo bang sumama sa cafeteria?” Bahagyang kumunot ang noo ni Wanda at umiling, may luha pa rin sa sulok ng mga mata niya. Nagdilim ang ekspresyon ni Carlisle. “Wanda, anong problema?” Huminga nang malalim si Wanda at umiling ulit. “Medyo masama ang pakiramdam ko. Mauna na kayong kumain!” Sagot niya. “Sigurado ka bang okay ka? Gusto mo bang samahan kita sa sick bay?” “Hindi, ayos lang ako,” Tumanggi si Wanda at umiling ulit. “Carlisle, bakit ang bagal mo?” Narinig ang boses ni Sean mula sa pinto ng classroom. Nagtanong ulit si Carlisle, “Sigurado kang okay ka?” Tumango si Wanda. “Ayos lang ako!” Tinikom ni Carlisle ang mga labi at lumabas. ... Sa cafeteria, binigyan ni Sean ng fried chicken si Carlisle at nagtanong, “Pupunta ka ba mamayang gabi?” “Saan?” Tanong ni Carlisle. "Sa Internet café!” “Hindi ako pupunta,” Tumanggi si Carlisle at sinimulang kainin ang fried chicken. “Tsk tsk, Carlisle, iniisip mo ba talagang makapasok sa Riverland University?” “Hindi ko lang yun iniisip. Determinado akong makapasok!” Determinadong sagot ni Carlisle. Tumawa nang malakas si Sean at nagpatuloy, “Dude, pwede bang huwag mo na akong lokohin? Maging totoo ka sa akin. Dahil ba kay Sarah?” Tiningnan nang masama ni Carlisle si Sean at sinabing, “Sinabi ko na sa iyong wala yung kinalaman sa kaniya!” Tumahimik na lang si Sean kahit na hindi siya sigurado kung bakit naiinis si Carlisle dahil kay Sarah. Pagkatapos kumain nang kaunti, sinabi ni Carlisle, “Busog na ako ngayon. Mauuna na ako.” Naglakad siya papunta sa convenience store pagkatapos ma-dispose ng lunchbox niya. Bumili siya ng sanitary pads at isang bote ng mineral water sa checkout counter. Pagkalabas niya ng convenience store, nakabangga niya ang tila nagmamadaling si Sienna. Nahulog ang itim na plastic bag na hawak niya. “Aray… Bulag ka ba?” Hinaplos ni Sienna ang dibdib niya at napasigaw. Mas lalo pa siyang nagalit nang makitang si Carlisle ang nakabangga niya. Nang sasabog na siya, napansin niya ang isang pack ng sanitary pad na nasa loob ng plastic bag na nahulog. “Huh…. Pinabili ba ‘yan ni Sarah sa iyo?” Tanong niya. “Anong sinasabi mo?” Pinulot ni Carlisle ang plastic bag at aalis na sana. Ngumisi si Sienna. “Nagpapanggap ka pa rin. Naaalala mo ang menstrual cycle ni Sarah!” Natisod si Carlisle at muntik nang matumba. So, may period din pala si Sarah ngayon? Pero hindi niya ito binili para kay Sarah. Napansin niyang hindi komportable si Wanda kanina at hawak-hawak nito ang tiyan. Kaya naisip niyang baka may buwanang-dalaw ito. Nahihiya lang siguro itong magsabi. Napakabait ni Wanda sa pagtuturo sa kaniya. Kaya naman, hindi niya dapat ito pabayaan. Pagbalik sa classroom, nakaupo si Wanda sa desk niya at hindi mapakali. Nagpunta na si Lily sa cafeteria para kumain. Pero nakalimutan ulit ni Wanda na magdala ng sanitary pads. Ayaw niyang umalis sa upuan niya ngayon. Hinihiling niyang bumalik na agad si Lily. Sa sandaling ito, nagmamadaling pumasok si Carlisle sa classroom. Agad siyang pinigilan ni Sarah. “Carlisle, sandali!” Naguguluhang tiningnan ni Carlisle si Sarah at nagtanong, “Ano yun?” “Ibigay mo sa akin ‘yan.” Nilahad ni Sarah ang kamay. “Ibigay sa iyo ang alin?” Kumibot ang labi ni Carlisle. “‘Yang hawak mo!” Sabi ni Sarah. Bumibili siya ng sanitary pads kada buwan. Kaya isang tingin pa lang ay alam na niya ang laman ng plastic bag na dala ni Carlisle. “Hindi ‘to para sa iyo!” Bumalik agad si Carlisle sa upuan niya. Saka niya nilagay ang itim na plastic bag sa drawer ni Wanda. Nanlaki ang mga mata ni Wanda, at umabot sa kaniyang leeg ang pamumula ng mukha niya. “Carlisle….” Kinuha ni Carlisle ang libro niya at nagsimulang magkabisado ng vocabulary. Pero, ang bilis ng tibok ng puso ni Wanda. Binilhan… binilhan siya ni Carlisle ng ganito ka-personal na gamit. Bihira para sa mga lalaki na bumili ng sanitary pads para sa mga lalaki. Pero kadalasan, nangyayari ito kapag nasa isang relasyon sila. Dahil hindi man lang siya tiningnan ni Carlisle, kinagat ni Wanda ang labi at kumuha ng isang pad bago lumabas ng classroom. Hindi nagtagal, bumalik si Sienna sa classroom habang kumakain ng ice cream. Nagtanong si Sarah, “Enna, nasaan na yung pinapabili ko?” Naguluhan si Sienna. “Hindi ba’t binilhan ka na ni Carlisle?” Nagngingitngit si Sarah. “Hindi niya yun binili para sa akin.” “Oh…. Carlisle, bakit ka nagkakaganito?” Tanong ni Sienna habang tinitingnan nang masama si Carlisle. Tinakpan ni Carlisle ang mga tainga niya at nagpatuloy sa pagkakabisado ng vocabulary. Napahawak naman si Sarah sa tiyan niya at sinabing, “Enna, pwede mo ba akong bilhan?” Walang nagawa si Sienna kung hindi ang ilapag ang hindi pa nauubos na ice cream sa desk niya at pumunta ulit sa convenience store.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.