Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6 Hanggang sa Huli, Magkasama Tayong Tatanda

May isang saglit na parang nakita ni Arianne ang anino ni Will sa likuran ni Tiffany. Kilalang-kilala nila ang isa't-isa kaya naman nagawa ni Tiffany Lane na gayahin ang boses ni Will Sivan. Napahinto ng saglit ang puso ni Arianne. Bumukas ng kaunti ang kanyang bibig na parang may sasabihin siya pero hindi niya alam kung paano ito sasabihin. Sa isang saglit, nakangiting kumaway sa kanya si Tiffany. "Ayos, tapos na ang misyon ko. Kung ano man ang sasabihin mo, ikaw na mismo ang magsabi niyan kay Will! Mag-ingat ka pauwi, magkita na lang tayo bukas!" Pumasok si Tiffany sa kanyang kotse at umalis, iniwan niyang nakatulala ng matagal si Arianne sa kanyang kinatatayuan. Paulit-ulit niyang iniisip ang sinabi sa kanya ni Tiffany... Pasado eight o'clock na ng gabi nang makarating si Arianne sa Tremont Estate. Maingat niyang binuksan ang regalo na binigay ni Tiffany at sa loob nito ay isang necklace. Bracelet naman ang binigay sa kanya ni Will. Napansin niya na may note sa regalo ni Will, "Hanggang sa huli, magkasama tayong tatanda." Kinilig si Arianne sa nabasa niya, agad niyang tinago ang mga regalo sa loob ng karton sa ilalim ng kanyang higaan. Alam niyang hindi papayag si Mark Tremont na makita sa kanya ang mga ganoong bagay, kaya hindi tatangkain ni Arianne na suotin ang mga ito sa harap ni Mark Tremont. Sa isang saglit, narinig niya sa kanyang likuran ang boses ni Mary. "Ari, nakauwi ka na pala? Hayaan mong lutuan kita ng birthday meal." Mabilis na tumayo si Arianne. "NaNay Mary, 'wag mo na po akong paglutuan. Kumain na ako kanina, magpahinga ka na po." Nagdadalawang isip na magsalita si Mary habang pinapainit niya ang kanyang mga palad . "Ari, mukhang nagmadaling umuwi si sir mula sa business trip niya para i-celebrate ang birthday mo. Nakita ko pa nga na may regalo siya para sayo, pero mukhang nainis siya kasi wala ka pa dito kanina. Bakit ganitong oras ka na nakauwi? Hindi pa kumakain si sir…" Biglang huminto ang hininga si Arianne dahil sa kanyang narinig, makikita ang sindak sa kanyang maputlang mukha. Ipinagbawal siya ni Mark Tremont na gamitin ang free time niya sa labas ng estate. Tinanggap niya ang imbitasyon ni Tiffany dahil inakala niyang hindi agad babalik si Mark Tremont. Na-trigger si Arianne sa sinabi ni Mary sa kanya. Anong rason para umuwi si Mark Tremont at i-celebrate ang birthday ni Arianne? Imposibleng magbibigay siya ng regalo sa dalagang ito! Hinawakan ni Mary ang kamay ni Arianne dahil nakita niyang natatakot ang dalaga. "Huwag kang mag-alala, hindi ka kakainin ng buhay ni sir. Paghahandaan ko siya ng pagkain at ikaw ang magdala sa kanya sa taas. Birthday mo ngayon. Hindi siya maiinis sayo kung sweet ka sa kanya." Tumango na lamang si Arianne. Pagkatapos lutuin ni Mary ang pagkain, maingat na umakyat ng hagdan si Arianne. Maingat niyang ginamit ang isa niyang kamay para katokin ang pintuan ng kwarto ni Mark. "Nasa loob ka ba?" Walang sumagot kay Arianne. Matagal nang sanay ang dalaga sa ganitong pangyayari. Hindi madaldal na tao si Mark Tremont, kaya normal sa kanya na hindi mamansin ng tao kapag bad mood siya. Kumuha ng lakas ng loob si Arianne para buksan ang pintuan. Nagulat siya sa kanyang nakita, nasa harap niya si Mark Tremont na nagsisigarilyo habang nakaupo sa harap ng French window. Binalot ng manipis na usok ang kwarto, mapapaisip ka na lang kung gaano karami ang hinithit ng lalaking ito. Natandaan ni Arianne na madalang mag sigarilyo si Mark. Hindi pa nagpalit ng damit si Mark Tremont, suot niya pa rin ang kanyang tailored suit. Ang kanyang buhok ay malinis na nakaayos, wala kang makikitang buhok na nakataas. Pinilit ni Arianne na pakalmahin ang sarili niya, binaba niya ang pagkain at naglakad siya papunta sa bukas na bintana sa gilid upang makahinga siya ng maayos. "Saan ka nanggaling?" Agad siyang tinanong ni Mark Tremont. Napahinto ang puso ni Arianne sa sobrang kaba. "Sa… kaibigan ko, gumala kami. Hindi ko alam na bumalik ka na pala." Mahinhin ang boses ni Arianne, sumabay ito sa malakas na hangin na pumasok mula sa bintana. Hindi sigurado si Arianne kung narinig ba siya ng mabuti ni Mark. Mukhang matalas ang pandinig ng lalaking ito. "Hindi mo alam na nakabalik na ako? Sinasabi mo ba na pwede mong gawin ang kahit anong gusto mo kapag wala ako dito?" Kinilabutan sa lamig si Arianne kaya sinara niya ang bintana. "Hindi… mali ang ginawa ko. Hindi na mauulit." Hindi na siya nagpaliwanag pa at hindi niya rin sinubukang banggitin na eighteenth birthday niya ngayon. Sa kahit anong sitwasyon, parating manghihingi ng tawad si Arianne sa kasalanan niya kapag nakita niyang galit si Mark. Sa isang saglit, mapangutyang tumawa si Mark Tremont, nakangiti siya habang pinapatay niya ang kanyang sigarilyo at isinalin niya ang liquor sa isang baso. Uminom siya ng kaunti nang bigla siyang ni-remind ni Arianne, "Uminom ka pagkatapos mong kumain…" Tiningnan ni Mark Tremont ang baso sa kanyang kamay at lumapit siya kay Arianne. "Birthday mo ngayon." Ayaw inumin ni Arianne inumin ang liquor na inabot sa kanya ni Mark. Hindi niya kasi alam kung paano ito inumin at alam niyang baso ito ni Mark. Clean freak si Mark Tremont. Napakasama ni Arianne para hawakan ang baso ng lalaking ito, paano pa kapag ininuman niya ito? "Hin… hindi ko alam kung paano ito inumin." Agad na sumimangot si Mark Tremont, bigla niyang hinawakan ang baba ni Arianne at pinainom niya ito ng liquor. Mabilis na uminit ang lalamunan ni Arianne kaya ilang beses siyang umubo. Bago pa siya maka-recover sa kanyang ubo, bigla siya hinila at niyakap ni Mark.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.