Kabanata 30
Tumahimik kayo. Huwag ninyo istorbohin si Mr. Lewis habang nanggagamot siya,” paalala ni Rose sa iba.
“Okay lang. Madali lang ang dalawang technique na ito,” sambit ni Steven.
“Malaki ang utang na loob namin sa iyo sa pagkakataong ito. Kung hindi ka dumating sa tamang oras at sinuportahan si Mr. Lewis, marahil nakagawa kami ng malaking pagkakamali. Hindi namin kakayanin ang mangyayari. Tatandaan namin ang kabutihan mo.”
Nakahinga ng maluwag si Samantha. Makikita ang bakas ng tuwa sa mukha niya habang pinapasalamatan si Rose.
Hindi niya lubos maisip kung anong mangyayari kung hindi dumating si Rose ngaoyn. Kung sinundan nila ang treatment plan ni Xavier, namatay na sana si Kennedy!
“Mrs. Carter, masyado kang magalang. Si Mr. Lewis ang tunay na bayani. Sinabi ko lamang ang totoo at nagtiwala sa kanya.”
Hindi tinanggap ni Rose ang puri ni Samantha. Balak ni Rose na bumisita kay Kennedy, pero ang motibo niya ay mag-alok ng tulong para makuha ang loob ng pamilya Carter.
Si Kennedy ng
Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link