Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 19

Naging magalang bigla ang staff ng makita ang babae. “Anong problema, Ms. Carter?” Mabilis na lumapit si Jessie sa counter at sinabi, “Ang maalamat na doktor ay nagbigay ng riseta na makapagliligtas sa ama ko, at kailangan ang Dragon Grass dito. Ako ang bibili nito.” “Sige, kunin mo kung ganoon. Ang pagligtas kay Mr. Carter ang prioridad namin.” Walang alinlangan na ibinigay ng staff ang Dragon Grass kay Jessie. Nagsalubong ang mga kilay ni Steven ng hawakan niya ang kahon. “Alisin mo ang kamay mo,” malamig na tinignan ni Jessie si Steven. “Binayaran ko na ang Dragon Grass na ito. Wala siyang karapatan na ibigay ito sa iba.” Ang Dragon Grass ay mahalaga sa kanya. Malabo na makahanap siya ulit ng Dragon Grass sa Levix City. Hindi ito basta basta isusuko ni Steven. “Kilala mo ba ako?” tanong ni Jessie. “Hindi, at wala akong pakielam.” Mabilis na nakielam ang staff. “Si Ms. Carter ay anak ni Mr. Carter, Director of Finance Division ng Levix City. Hindi mo siya dapat kalabanin.

Locked chapters

Download the Webfic App to unlock even more exciting content

Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.