Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 4

Nagmamadaling umalis sina Vincent at Jordan sa tahanan ng mga Locke. Nang makaalis na sila, seryosong sabi ni Rebecca, “Paano mo nagawang pagsalitaan si Mrs. Salle ng ganoon, Maddie? Mahal na mahal nila ni Mr. Salle ang isa’t-isa. Gagalitin mo lang siya sa pagsasabi niyon.” Hindi man lang nag-abalang sumagot si Madison. Lumingon siya sa itaas, sinasabing, “Matutulog na ako kung wala nang ibang gagawin.” Ibinaba ni Rebecca ang kanyang ulo, mukhang malungkot. Nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata at dumaloy sa kanyang mga pisngi. Pinunasan ito ni Tanya, kumikirot ang puso niya. Reklamo niya, “Kailangan talagang ayusin ni Maddie ang ugali niya. Mapalad siya na ang mga Salle ang may kinalaman sa bagay na ito—kasundo natin sila, pagkatapos ng lahat. Kung ibang pamilya iyon, tiyak na mababastos sila sa mgas sinabi niya.” Ganun din ang naisip ni William. “Hindi na natin pwedeng hayaan na ipagpatuloy niya ang livestreams.” … Kinaumagahan, bumaba si Madison para mag-almusal. Sa kanyang pagtataka, nakita niyang naroroon sina Ethan Locke, ang kanyang pangalawang kapatid, at Jason Locke, ang kanyang ikatlong kapatid. Isang beses lang siya nakausap ng dalawa sa unang araw niya pagkabalik sa tahanan ng mga Locke. Pagkatapos noon, hindi na sila nagpakita. Sinabi ni Ethan, “Ikaw at si Becky ay parehong anak ng pamilyang Locke. Huwag mo siyang apihin.” Si Jason ay naging mas direkta. “Palaging magiging pamilya ni Becky ang pamilyang Locke. Walang makapagtataboy sa kanya dito.” Ang dalawang kapatid na lalaki ay lumapit upang suyuin si Rebecca pagkatapos babalaan ang kanilang totoong kapatid na babae. Hindi pa nga sila umuwi para sa welcome party ni Madison kagabi. Matamis na ngumiti si Rebecca nang makita si Madison. “Dali at sumama ka na sa amin, Maddie. Hinihintay ka na ng lahat.” Tumalikod si Jason at binigyan ng malamig na tingin si Madison. “Gaano ka kabastos para paghintayin kaming lahat sa’yo?” Umasta si Madison na parang hindi niya narinig ang lalaki. Naupo siya nang kampante at nagsimulang kumain. Kung mas walang pakialam siya, mas galit si Jason. “Balita ko inagaw mo ang damit ni Becky kahapon.” “Oo, ginawa ko nga iyon,” sabi ni Madison. “At hindi ka man lang nahihiya kahit kaunti, ano? Ginutom ka na ba ng pamilyang Locke o minamaltrato ka? Hindi ka ba namin binigyan ng pera para bilhan ang sarili mo? Bakit kailangan mong kunin ang evening gown ni Becky?” Ibinaba ni Madison ang kanyang mga kubyertos at malamig na tumingin sa mga taong nakaupo sa mesa. Mukha silang nagyeyelo o nakasimangot, halatang hindi nasisiyahan sa ginawa niya kahapon. “Wala akong gown na nagkakahalaga ng 500 thousand dollars na maisusuot,” sabi niya. “Hindi ba pwedeng bumili ka na lang ng para sa’yo?” Ngumiti nang nakakaloko si Madison. “May naiisip ka bang mga gown o dress na ibinebenta sa halagang 500 thousand dollars?” Ang mga damit ni Rebecca ay idinisenyo lahat ng mga kilalang designer sa buong mundo. Ang gown na kinuha ni Madison sa kanya kahapon ay nagkakahalaga ng 500 libong dolyar. Hindi ito ang pinakamahal na damit sa aparador ni Rebecca. Ito ay malamang na pangkaraniwan lamang. Ngunit si Madison, bilang aktwal na anak ng pamilyang Locke, ay walang anumang koneksyon. Kahit na meron siyang pera, hindi siya makakakuha ng kilalang designer upang magdisenyo ng anuman para sa kanya. Maliwanag na naunawaan ng pamilyang Locke ang ibig niyang sabihin, at nailang ang kanilang mga ekspresyon. Gayunpaman, tumanggi si Jason na bitawan ang bagay na ito. Pakiramdam pa rin niya ay si Rebecca ang inalipusta rito. “Hindi ibig sabihin niyon ay pwede mong agawin ang gown ni Becky! Mali ang pag-agaw mo sa kanya.” “Anong karapatan niyang magsuot ng nagkakahalaga ng 500 thousand dollars sa welcome party ko kung ang pwede ko lang suotin ay nagkakahalaga ng 5,000 dollars?” tanong ni Madison. Ang mga bagay ay tila mas masahol pa kapag ginawa ang gayong paghahambing. Kahit si Jason ay hindi napigilang manigas. Bakas sa ekspresyon ni Tanya ang pagkakasala at kirot ng puso. “Kasalanan ko, Maddie. Dapat pinaghandaan kita ng mas maayos na maisusuot.” Nasanay lang siya sa mga bagay na ganito. Dahil lumaki na si Rebecca at bumuo ng sariling istilo, hindi na pinakialaman ni Tanya ang pagbibihis ng kanyang mga anak. Palagi niyang ibinibigay sa kanila ang kanyang card at pinapayagan silang bumili ng kahit anong gusto nila. Maaari silang kumuha ng sinumang designer na gusto nilang magdisenyo ng kanilang mga damit. Luminga-linga si Rebecca sa paligid at minasid ang ekspresyon ng lahat. Pagkatapos, hinila niya ang manggas ni Jason. “Kalimutan mo na, Jason. Pwedeng kunin ni Maddie ang lahat ng meron ako kung gusto niya. Dapat nga hindi naman naging akin ang mga iyon noong una pa lang.” Hindi makayanan ni Jason na makitang minamaltrato si Rebecca. “Paano mo nasabi iyan, Becky? Ikaw palagi ang magiging anak na babae at prinsesa ng pamilyang Locke. Kung may mangahas na mang-api sa’yo, ako ang unang magtuturo sa kanila ng leksyon!” Huminto siya at tumingin kay Madison. “Kasama ka doon!” “Jason!” singhal ni Harvey. Kanina pa sana pumalag si Madison. Ngunit pagkatapos na gumugol ng isang siglo sa mundo ng cultivation, nagbago ang kanyang pag-iisip. Ang angkan ay kakaibang bagay—hindi ito bagay na maaaring pilitin. Kalmado niyang tinanong, “Bale, sinasabi mo bang si Rebecca ang prinsesa ng pamilyang Locke habang ako naman ang katulong ninyo?” Natahimik si Jason. Namumula ang mga mata ni Rebecca habang sinasabi, “Paano mo nagawang sabihin ‘yan, Maddie? Mahal na mahal ka nina Mom, Dad, at ng mga kapatid natin.” Hindi siya pinansin ni Madison at tinuon ang tingin niya kay Jason. “Kung hindi iyon ang kaso, hindi ba dapat binabalaan mo si Rebecca? Hindi ba dapat sinasabi mo sa kanya na huwag akong apihin?” “Paano magagawang apihin ni Becky ang kung sino man? Kilala ko siya tulad ng likod ng kamay ko,” banat ni Jason. “Ehh ako ba, kilala mo? Bakit mo iniisip na inaapi ko siya?” Naisip ni Madison ang kanyang unang araw pagkabalik sa tahanan ng mga Locke. Siya ay napuno ng pag-asa para sa pagmamahal ng kanyang pamilya, ngunit ang tanging natanggap niya ay malamig na pakikitungo mula sa kanyang mga magulang at mga babala mula sa kanyang mga kapatid na lalaki. “Hindi ako maglalakas-loob na hingiin sa inyo na tratuhin ninyo ako nang mas maayos kaysa sa ginagawa ninyo sa kanya, pero sana naman, kahit papaano ay magiging pantay ang turing ninyo sa amin.” Ngumisi si Madison. “Kung hindi ninyo man lang kaya, itigil mo na ang paggamit ng katayuan mo bilang kuya ko para sermunan ako. Hindi karapat-dapat sa’yo iyon!” Nalaglag ang panga ni Jason. Ang mga salita ni Madison ay insulto para sa kanya, at ginalit ng mga ito ang buong pamilyang Locke. Tumikhim si William. “Sige. Tama na. Pamilya tayong lahat—hindi na tayo dapat magsabi ng mga ganyan sa hinaharap. Alam namin na marami kang pinagdaanan sa nakaraan, Maddie, at tama ka na hindi ka namin naibigay ang atensyon na nararapat sa’yo. “Huwag kang mag-alala. Makukuha mo ang lahat ng makukuha ni Becky sa hinaharap. Katulad nito, makukuha ni Becky ang lahat ng meron ka. Pareho kayong anak ng pamilyang Locke at mga prinsesa namin.” Nanliit ang mga mata ni Rebecca ng ilang segundo bago siya nakabawi. Samantala, kumirot ang puso ni Tanya habang nakatingin kay Madison. Ang dalaga ay ang kanyang anak na babae, kaya paanong hindi niya magagawang mahalin at pangalagaan ito? Kaya lang, sobra ang pag-uugali ng dalaga... Hindi niya alam kung paano makikitungo kay Madison. “Kahapon, nabanggit mo na hindi ka nakapag-aral sa university. Napag-usapan na namin ito ng tatay mo at sa tingin namin ay mahalaga pa rin para sa’yo na makakuha ng maayos na edukasyon. Baka hindi ka na makapasok sa lokal na university, kaya’t aasikasuhin namin ang pag-aaral mo sa ibang bansa,” sabi ni Tanya. Bago pa makapagsalita si Madison, idinagdag ni William, “Ayos lang naman kung ayaw mong mag-aral. Palagi kang magkakaroon ng tahanan dito, at hindi ka namin hahayaang magutom. Tungkol sa livestreams na ginagawa mo... Huwag mo nang gawin iyon.” Tumingala si Madison. “Iyon ang trabaho ko.” “Anong klaseng trabaho kaya iyon?” Putol ni Jason. Lumiit ang boses niya habang tinititigan siya ni Harvey. “Kung gusto mong magtrabaho, pwede naming aregluhin iyon para sa’yo. May mga koneksyon kami na pwede nating gamitin kung gusto mong sumali sa industriya ng showbiz.” Sinubukan ni William na manatiling kalmado at matulungin habang nakikipag-usap siya kay Madison. Ilang sandali lang, walang pakialam na sinabi ni Ethan, na hindi pa masyadong nakapagsalita, “Hindi naman imposibleng sumali ka sa industriya ng showbiz gaya ni Becky.” “Bale, areglado na. Ititigil mo ang livestreams mula ngayon,” sabi ni William. Sa pagkakataong iyon, may lumapit na kasambahay para sabihin, “Nandito po sina Mr. Vincent at Mr. Jordan, sir.” Nagmamadaling tumayo si William. Mabilis na pumasok sina Vincent at Jordan sa hapag kainan. Nag-aalalang tanong ni Vincent, “Nasaan si Maddie, William?” Nalito si William dito. Hindi niya akalain na nandito si Vincent para makipagtuos o turuan ng leksyon si Madison. Sa kabila ng kanyang iniisip, ngumiti siya at sinabing, “Huwag mong isapuso ang pagiging immature ng isang bata, Vincent. Tinuturuan ko si Maddie ngayon, at sinisigurado kong hindi na siya gagawa ng mga livestream.” “Anong pinagsasabi mo William?” Nanlaki ang mga mata ni Vincent nang makita si Madison. “Nasisiyahan ako sa mga livestream ni Maddie—nagsasabi siya ng magagandang kuwento, at hinahangaan ko iyon.” Natigilan si William.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.