Kabanata 20
Pinunasan ni Rebecca ang kanyang mga luha at humagulgol, “Sabi na nga ba. Hindi ako ang tunay na anak nina Mom at Dad. Hindi ko kayo kadugo. Natural lang na hindi mo na ako mahal at pinapahalagahan tulad ng dati.”
Pagkatapos, tumakbo si Rebecca at umakyat sa kanyang kwarto sa itaas na umiiyak.
Agad naman siyang sinundan ni Tanya dahil nag-aalala siya.
Samantala, sinulyapan ni William si Madison at sinabing, “Maddie, titingnan ko muna si Becky. Baka maging masyadong emosyonal at isipin ang mga bagay-bagay.”
Mabilis siyang sumunod sa likod ni Tanya para umakyat at pakalmahin si Rebecca.
Hindi sila sinundan ni Harvey. Sa halip, tumingin siya kay Madison. “Nagkamali kami ng intindi sa’yo noon. Akala naming lahat ay gumagawa ka lang ng livestreams para lang masabi mo. Hindi namin naisip na ganoon ka kaseryoso tungkol dito at makakamit mo ang bagay na nakakamangha.”
Lumapit siya kay Madison at marahang hinaplos ang buhok nito. “Masaya ako para sa’yo.”
Nawalan ng masabi si Madison. Naramdaman niya ang kakaibang pakiramdam na umiikot sa loob niya.
Matapos maranasan ang kamatayan at muling ipanganak na muli, naisip ni Madison na wala na siyang espesyal na damdamin para sa mga Locke. Gayunpaman, naramdaman niya ang mainit at kirot na pakiramdam sa kanyang puso nang ibigay sa kanya ni Harvey ang malumanay na mga salitang ito ng paninindigan.
“Natanggap ni Becky ang lahat ng pagmamahal at atensyon namin habang lumalaki siya. Natural na maninibago siya dahil bigla kang bumalik sa pamilya namin.
“Kung sakaling gumawa siya ng anumang bagay na sa tingin mo ay hindi katanggap-tanggap, huwag mo lang kimkimin iyon. Dapat mong ipaalam sa akin ang tungkol dito.”
Tinitigan siya ni Madison na may bilugan na mga mata.
Ngumiti nang bahagya si Harvey. “Bakit ganyan ka makatingin sa’kin?”
Parang nalilito si Madison. “Akala ko kasi si Rebecca lang ang tinuturing mo na kapatid.”
Iyon ang impresyon na nakuha niya sa lahat. Mula sa naaalala ni Madison, si Harvey ay palaging napakalamig sa kanya. Kahit na hindi nito lantarang pinapahalata tulad ng dalawa pa niyang kapatid, walang pa ring pakialam si Harvey sa kanya.
Bakas sa mga mata ni Harvey ang lungkot at pagsisisi. Nakaramdam siya ng labis na panghihinayang.
“Nagkamali ako ng inakala.”
Bago bumalik si Madison sa kanila, si Rebecca ay umiyak at nagpahayag ng kanyang pagkabalisa sa mga Locke. Siya ay nag-aalala na ang kanyang mga magulang at mga kapatid na lalaki ay hindi na masyadong magmalasakit sa kanya kapag umuwi si Madison.
Ang mga Locke ay nakabuo ng malalim na ugnayan kay Rebecca pagkatapos na manirahan kasama niya sa loob ng maraming taon.
Dahil nag-aalala siyang baka malungkot si Rebecca, nagpasya si Harvey na tratuhin nang malamig si Madison kapag nandiyan si Rebecca. Ayaw niyang maramdaman ni Rebecca na wala na itong lugar sa pamilya.
“Ang sinabi ni Jordan ay nagpaalala sa akin ng isang bagay na mahalaga,” sabi ni Harvey nang paumanhin.
“Anak ka rin nina Mom at Dad. Kayo ni Rebecca ay pareho kong kapatid. Nakarating ka sa hindi pamilyar na kapaligiran at natagpuan mo ang pamilya mo na halos hindi mo kilala. Malamang ay mas nakaramdam ka ng takot at kawalan ng magawa kaysa kay Rebecca.”
Inikot niya ang kanyang mga braso kay Madison para bigyan ito ng mainit na yakap. “Maddie, nagkamali ako. Hindi na ako magiging malamig sa’yo.”
Ito ang unang pagkakataon ni Madison na niyakap ng isang taong kadugo niya. Ito ay matatag, mainit na yakap na nagbigay sa kanya ng lakas at pakiramdam ng seguridad.
Sinira ni Jordan, na nakatingin sa gilid, ang mood sa kanyang mga komento. “Harvey, dapat mong tratuhin nang mabuti si Ms. Madison ngayong napagtanto mo na kung anong nagawa mong mali.
“Marahil ay hindi mo pa rin alam ang tungkol dito. Si Ms. Madison ay lumabas para bumili ng ilang bagay kahapon, ngunit hindi niya kayang magbayad ng kahit isang sampung milyong dolyar.”
“Ano?” Nagulat si Harvey.
Pagkatapos, naalala niyang binigyan ng pera ng kanilang pamilya si Madison pagkabalik nito. Gayunpaman, ito ay maliit na halaga lamang.
Ito ay dahil sinabi ni Rebecca na namuhay si Madison sa mas mahihirap na kondisyon at kapaligiran noon. Ang biglaang pagbibigay nila sa kanya ng maraming pera ay maaaring maging masamang impluwensya sa kanya. Samakatuwid, napakaliit ng pera ni Madison kumpara sa kung anong meron ang iba pang mga babae mula sa mayaman at prestihiyosong pamilya.
Sa araw na dumating siya sa tahanan ng mga Locke, binigyan siya ni Harvey at ng kanyang mga kapatid ng tig-100 libong dolyar. Binigyan din siya ng kanilang mga magulang ng kabuuang 100 libong dolyar. Nangangahulugan iyon na ang kabuuang halaga ng pera na ibinigay ng mga Locke kay Madison ay 500 libong dolyar lamang.
Sa wakas ay naunawaan na niya kung bakit hindi man lang nakakuha ng damit si Madison para makadalo sa isang party.
Napakapit si Harvey sa matinding panghihinayang. Inilabas niya ang itim na card na may mga gintong letra mula sa kanyang bulsa.
“Isa ‘tong card na walang fixed spending limit. Hindi mo kailangan ng password para magamit ito, at magagamit mo ito para bumili ng kahit anong gusto mo.”