Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 3

Dumiretso pauwi si Tang Ruochu matapos nilang magkita ni Lu Shijin. Agad niyang nakita si Gu Ruoruo at ang kanyang ina, si Zhao Xiaowan, na masayang nakikipagkwentuhan sa kanyang ama sa sandali na pumasok siya sa pintuan. Silang tatlo ay mukhang isang masayang pamilya, at pakiramdam ni Tang Ruochu na pumasok siya sa maling bahay. Para bang hindi siya nababagay sa sarili niyang tahanan. Pumait ang kanyang mukha habang isinara niya ang pintuan at nagsimulang umakyat sa hagdanan nang hindi man lang sila binabati. “Huminto ka nga muna!” ang sabi ni Tang Song nang makita niya na umaakyat si Tang Ruochu sa hagdanan ng wala man lang isang pagbati. Huminto sa pag akyat si Tang Ruochu at malamig na sumagot nang “Bakit?” ... “Bakit parang wala kang tahanan na inuuwian? Dalaga ka pa lang pero nagpapalipas ka na ng buong gabi sa labas at hindi ka man lang babati pagbalik mo ng bahay? Ito ba ang uri ng respeto na pinapakita mo sa iyong magulang?” pagalit ni Tang Song kay Tang Ruochu na halata na masama ang loob sa kanya. ... “Matagal na panahon na rin noong pumanaw ang aking ina, at bagamat buhay pa ang aking ama, patay na siya para saakin,” mapanuyang sabi ni Tang Ruochu. “Ang lakas ng loob mong magsalita sa akin ng ganyan, mapag sariling bata ka!” ang atungal ni Tang Song nang hinampas niya ang kanyang kamay sa mesa habang biglaang napatayo sa kinauupuan niya. ... “Pa, pakiusap kumalma ka muna. Wag ka magpaapekto sa mga sinasabi ni Ruochu, masama sa kalusugan mo yan,” ang sabi ni Gu Ruoruo habang hinihimas niya ang likod ni Tang Song. Mukha siyang tunay na mabait at mapag-alaga na anak. ... Daling nagbago nang asta si Zhao Xiaowan na parang isang maalagang ina at masuyong sinabi na, “Ruochu, hindi ka dapat magsalita ng ganyan sa ama mo. Tatay mo parin siya.” “Tignan mo nga kung paano ka umasta at ikumpara mo sa kilos ng kapatid mo. Kailan ka ba matututong tumulad sa kanya?” pagalit na sinabi ni Tang Song. Tila bang masama ang loob niya dahil hindi makita ni Tang Ruochu ang maling ginagawa niya. “Ano ba ang gusto niyong matutunan ko sa kanya? Dapat ba akong matuto kung paano mang akit ng nobyo ng ibang tao?” O di kaya matuto kung paano maging walang hiya katulad niya?” galit na sagot ni Tang Ruochu. “Tang Ruochu, paano mong…” namilipit sa galit ang mukha ni Gu Ruoruo at sisigawan na sana niya ang kanyang kapatid nang naunahan siya ni Zhao Xiaowan sa galit at sabing, “Ruochu, paano mo nasasabi ang mga ganyang bagay sa sarili mong ate?” ... “Ako lang ang pinanganak ng nanay ko, kaya bakit ko siya kikilalanin bilang kapatid? Hmph, kung sabagay hindi nga naman nalalayo ang puno sa bunga. Sumusunod lang naman sa yapak mo ang sarili mong anak na mahilig mang agaw ng lalaki ng iba. Ang gagaling ninyo, mag ina nga talaga kayong dalawa,” malupit na sinabi ni Tang Ruochu. ... Namutla ang mga mukha nina Gu Ruoruo at Zhao Xiaowan. “Tang Ruochu, sumosobra ka na talaga!” ang sabi ni Zhao Xiaowan habang nanginginig sa galit. “Ibinigay ko ang lahat para sa pamilyang ito, kaya gaano man kalaki ang galit mo sa akin, dapat mo parin ako respetuhin. Isa pa, mas nakakatanda ako sa’yo! Paano mo ko nasasagot nang ganyan kabastos?” ... “Hindi mababago noon ang katotohanan na kabit ka ng isang lalaking may asawa? Ang taas naman ata ng tingin mo sa sarili mo?” pakutya na sinabi ni Tang Ruochu. ... “Sumosobra ka…” namilipit sa galit ang mukha ni Zhao Xiaowan. Ang lubos na kinamumuhian niya sa lahat ay ang tawagin siyang isang kabit. ... Napakarami niyang pinagdaanan noong buhay pa ang ina ni Tang Ruochu, at kung hindi pa pumanaw ang ina ni Tang Ruochu ay hindi niya maluluklok ang sarili niya bilang maybahay ng kanilang tahanan. Walang may lakas ng loob na tawagin siyang “kabit” matapos na lumipas ang maraming taon, at bihira lang din ito mabanggit ito Tang Ruochu. Lubos siyang napahiya ngayon na direkta at malinaw na sinabi ito ni Tang Ruochu. “Ma, wag kang magalit,” mahinahon na sinabi ni Gu Ruoruo nang makita niya na si Zhao Xiaowan ay malapit nang sumabog sa galit. Ang mga titig niya ay nanlamig habang lumakad siya patungo kay Tang Ruochu. ... Tumingin nang may lamig sa mata si Tang Ruochu at pumait ang kanyang itsura. “Haha, Tang Ruochu, pinagbibintangan mo ang ibang tao sa pagiging kabit pero ang totoo ay ikaw ang napaka walang kwentang babae. Dahil nabigo kang bantayan ang lalaki mo, di mo masisisi ang iba para sa pagbabago ng damdamin niya. Alam kong lubos na masama ang loob mo, kaya hayaan mong sabihin ko sayo kung bakit ako ang pinili ni Yinfeng…” Nagsalita ng marahan si Gu Ruoruo upang si Tang Ruochu lang ang makarinig sa kanya. Patuloy siyang nang galit, “Pinili niya ako dahil pinagbubuntis ko ang anak niya. Nakakaawa naman na ang matagal niyong relasyon ay napakadaling gumuho dahil sa isang beses na magtangka ako na mang akit.” “Boom—” Naramdaman ni Tang Ruochu na para bang may sumabog sa kalooban niya. Ang balitang ito ay tunay na isang malaking gulat para sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Buntis ba si Gu Ruoruo?” “Totoo ba talagang pinagbubuntis niya ang anak ni Ji Yinfeng sa kanya?” Malinaw na hindi ito ang unang beses na inakit ni Gu Ruoruo si Ji Yinfeng, pero naitago niya ito kay Tang Ruochu at siya ay walang kamalay malay sa relasyon na ito. Siya ay… pinahiya nila ng lubusan! “Ipapaalam ko na ito kay Papa at sigurado ako na hindi siya tututol sa relasyon namin. Ikakasal na ako kay Yinfeng sa madaling panahon, kaya tanggal ka na sa laban!” ngumiti ng payabang si Gu Ruoruo habang nilalasap niya ang sakit na nararamdaman ni Tang Ruochu. ... “Gu Ruoruo, napaka walang hiya mo talaga!” sabi ni Tang Ruochu habang nanginginig sa galit. Ramdam niya ang lubos na lamig at pait. ... Hindi niya mapilit ang sarili niya na magtagal pa sa pamamahay na ito, kaya umakyat siya sa kwarto niya para magpalit ng damit at dumiretso agad sa trabaho. Ang Times Entertainment News ay ang nangungunang entertainment gossip tabloid sa kanilang lugar at ang pangunahing pokus nila ay ang mag ulat ng mga iskandalo at tsismis tungkol sa pakikipag-date ng mga sikat na personalidad para makakuha nang atensyon sa publiko. Mabilis ang pag gawa nang mga nagtatrabaho dito, si Tang Ruochu ay nagtrabaho para sa kumpanyang ito bilang isang tagapag-ulat pagkatapos niya sa kanyang pag aaral sa kolehiyo. Nakagawa na rin siya ng maraming sikat na news article at kilala din siya sa loob ng industriyang ito. Hindi masyadong nakagawa nang maayos si Tang Ruochu sa kanilang morning meeting, kaya’t pinagsabihan siya ng kanyang manager. Mas nagmukha pa siyang haggard at pagod nang matapos na ang kanilang meeting. Ang kaibigan niyang si Song Anyi ay nakita si Tang Ruochu na mukhang pagod na pagod, dinala niya ito sa isang cafe sa pagkukunwaring mayroon siyang lead sa trabaho. Tinanong niya ng may pagmamalasakit, “Ruochu, di ba’t meron kang gown fitting kahapon kasama si Mr. Ji? Bakit parang maputla ka ngayon? May masama bang nangyari?” Nagsimulang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Tang Ruochu nang makita niya ang malasakit sa mata ng kanyang kaibigan at tuluyan na siyang umiyak. Para bang ang kalungkutan at pagdurusa niya ay nakahanap ng mapupuntahan at ito’y rumagasa palabas mula sa kanya. “Ruochu, bakit ka umiiyak? Ano ang nangyari? Sabihin mo ang lahat sa akin!” ang tanong ni Song Anyi sa kanya. Nabigla siya nang nakita niya kung gaano kabalisa ang kaibigan niya at hindi niya alam kung paano mag re-react dito. Magkaibigan na sila ni Tang Ruochu ng maraming taon at ang pagkakakilala niya sa kanya ay isang matatag at banayad na babae na laging maasahan at positibo. Ito ang unang beses na makita niya si Tang Ruochu na balisa. Patuloy na tumulo ang mga luha sa pisngi ni Tang Ruochu habang siya’y naglabas ng sama ng loob sa kanyang kaibigan. Hinampas ni Song Anyi ang kanyang kamay sa mesa at napatayo sa kanyang mga paa matapos niyang marinig ang kwento ng kanyang kaibigan. “Mga walang hiya at kasuklam suklam sila! Di ako makapaniwala sa kawalang hiyaan ni Gu Ruoruo! Pinagsisisihan ko ngayon na ang taas ng tingin ko kay Ji Yinfeng bilang isang huwaran na nobyo. Hindi ko inaasahan na siya pala ay isang manloloko!” “Sa dinami dami nang babae bakit si Gu Ruoruo pa? Alam niya kung gaano ko siya kinamumuhian…” Sinubukan ni Tang Ruochu na magpakita ng katapangan ngunit ramdam niya ang sobrang pagkabalisa tulad ng isang sugatang hayop. Ang pakikiramay ni Song Anyi ay binahagi niya sa kanyang kaibigan. Bilang isang magkaibigan sa matagal na panahon, pamilyar na siya sa background ng pamilya ni Tang Ruochu. Ang ama ni Tang Ruochu ay nagkaroon ng kabit na si Zhao Xiaowan habang ang ina ni Tang Ruochu ay buhay pa, at ang ina ni Tang Ruochu ay laging malungkot dahil sa pangangaliwa nang kanyang asawa. ... Dinala ni Zhao Xiaowan si Gu Ruoruo sa tahanan ng pamilyang Tang at pinakasalan si Tang Song matapos pumanaw ang ina ni Tang Ruochu at siya’y naging maybahay ng tahanan. Mala demonyo sina Zhao Xiaowan at Gu Ruoruo. Nagpapanggap sila na maging mabait kay Tang Ruochu kapag naroroon si Tang Song ngunit pinapahirapan nila si Tang Ruochu kapag ang ama niya ay wala sa paligid. Inagaw nila ang pagmamahal ng ama niya sa kanya at hinikayat siyang pangalanan si Gu Ruoruo na maging tagapagmana, na magmamana ng kalahati ng lahat ng pagmamay ari niya. Ang posisyon ni Tang Ruochu sa loob ng pamilya ay bumagsak na ng lubos, at ngayon, inagaw na rin ni Gu Ruoruo ang nobyo niya sa kanya. Nakiramay si Song Anyi kay Tang Ruochu higit pa sa kahit kanino. Alam niya na ipinapakita lamang ni Tang Ruochu ang katatagan niya pero sa loob ay dumudugo ang puso niya. “Ruochu, wag ka na masyadong mabalisa. Mas mabuti na natuklasan mo ang tunay na kulay niya bago mo siya pinakasalan. Niligtas mo ang iyong sarili mula sa marami pang gulo,” marahan na sinabi ni Song Anyi habang yumayapos sa kanyang kaibigan Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang damayan si Tang Ruochu. Pinunasan ni Tang Ruochu ang kanyang mga luha bago tumango at sinabing, “Salamat, Anyi. Wag ka mag alala, magiging maayos din ako. At sisiguraduhin ko na yang si Gu Ruoruo at Ji Yinfeng ay magsisisi sa huli.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.