Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 10

Lumipat na paalis ng bahay nila si Tang Ruochu matapos isang araw matapos ang pakikipagtalo niya kay Tang Song. Ipinadala ni Lu Shijin si Mu Ling para sunduin si Tang Ruochu at hindi niya napigilan na magbigay ng isang huling sulyap sa bahay nila bago siya umalis, mabigat sa puso ang pakiramdam niya. Ito ang naging tahanan niya ng higit sa 20 taon, kaya’t mabigat ang pakiramdam niya na lumisan dito. Gayunpaman, hindi niya hinayaang manatili sa kanya ang kalungkutan. Wala nang rason para siya ay manatili sa kanilang tahanan. Ang mansyon ni Lu Shijin ay nasa isang lugar na kung tawagin ay Royal Dragon View, na matatagpuan sa maunlad na parte ng siyudad sa bandang timog. Gayunpaman, ito as nasa tahimik na distrito kung saan malayo ito sa mga ingay ng siyudad. Ang lugar sa loob ng komunidad ay maganda at puno ng mga high-end na pasilidad. Mataas din ang seguridad at ligtas, kaya’t mataas ang mga presyo dito. Ang pangkaraniwang tao ay hindi makakabili ng mansion sa komunidad na ito kahit na mayroon siyang pera. Karamihan sa mga nakatira dito ay mga mayayaman at maimpluwensya. Kasalukuyang nasa bahay si Lu Shijin nang hinatid ni Mu Ling si Tang Ruochu dito. Siya ay nakasuot ng striped na navy suit. Ang mahusay na pagkakagawa at ang mga simpleng disenyo kasama nang isang magandang kurbata ay nagsama sama kaya’t naging mas elegante at maginoo ang itsura si Lu Shijin. Ang madilim niyang mga mata ay makitid, mahaba, malalim, at ang lamig sa kanyang mga mata marahil ang dahilan kaya’t tila mahirap siyang lapitan. Napagtanto ni Tang Ruochu na ang lalaking ito ay labis na kaakit akit at ang nakakabighani niyang aura ay walang tigil na lumalabas mula sa kanya. “Yan na ba ang lahat ng gamit mo?” ang sabi ni Lu Shijin habang nilalapitan si Tang Ruochu at itinuro ang tatlong bag sa likod niya. ... Nagising mula sa pag iisip si Tang Ruochu. Ngumiti siya at tinanong, “Bakit, masyado bang kaunti?” “Malaki ang pamamahay ko, kaya ang mga ari-arian mo ay mukhang kakaunti. Pero, hindi iyon problema dahil pwede ka naman bumili ng mga kulang mong gamit sa susunod,” ang sabi ni Lu Shijin. Inutusan niya ang mga katulong na empleyado sa bahay niya na buhatin sa itaas ang mga kagamitan niya. Pagkatapos, kumunot bigla ang noo niya habang nakatingin kay Tang Ruochu. “Bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?” Tumigil si Tang Ruochu sa pagkagulat bago tumango at sinabing, “Hindi ako nakatulog ng maayos.” Sobrang dismayado niya sa kanyang pamilya, kaya’t paano siya makakatulog ng maayos?” Binigyan siya ng makahulugang titig ni Lu Shijin na para bang alam niya ang pinagdaanan ni Tang Ruochu. Nilabas niya ang kanang kamay at hinimas ang pisngi ni Tang Ruochu bago sinabi, “Wala nang mananamantala sayo sa mga susunod na panahon ngayon at kasama mo ako.” Napakalaki ng palad niya at naglabas ito ng maginhawang init. Ngumiti ng maaliwalas si Tang Ruochu at sinabing, “May tiwala ako sayo.” “Umakyat na tayo?” ang biglang pagmungkahi ni Lu Shijin. Binalik niya ang kanyang kamay at tila matalinhaga ang kanyang mga mata. Tumango si Tang Ruochu at sinabing, “Sige.” Umakyat sila ng hagdan. Malawak ang kwarto at ito ay may magagandang dekorasyon. Mukhang mamahalin ang mga ito pero nananatiling simple, tila kapareho ng istilo ni Lu Shijin. Nagtingin tingin si Tang Ruochu sa paligid ng kwarto at napansin na marami ang mga dinagdag na panibagong dekorasyon sa kwarto. Mayroong mga pambabaeng kagamitan at panglalaking muebles at ang kalahati ng laman ng aparador ay walang laman. Pinaghandaan niya ang lahat ng ito para kay Tang Ruochu. “Sapat na ba sayo ito?” ang tanong ni Lu Shijin habang iniikot ni Tang Ruochu ang kwarto. Pumunta si Lu Shijin sa wine cooler, nagsalin ng dalawang baso ng red wine, at inabot ang isa kay Tang Ruochu. ... Kinuha ni Tang Ruochu ang baso ng wine at namula ang mga pisngi niya habang sinabing, “Ito ba… ay ang kwarto na paghahatian nating dalawa?” “Natural, dahil kasal naman na tayo!” pangkaraniwang sinabi ni Lu Shijin habang tumikim siya ng wine. ... Mas lalong namula ang mukha ni Tang Ruochu at hindi niya mapigilang tumingin sa malaking kama. Ito ay isang standard double bed at ang mga kumot ay halatang bago. Ang kama ay nilagyan ng magagandang dekorasyon at may mga rosas na nakakalat sa ibabaw ng kama. Ang mga rosas ay nakaayos para mabuo ang mga salitang “Pagpalain nawa ang inyong kasal”. Tila hindi siya pangkaraniwang ideya na nakakadagdag sa pagka romantiko ng sitwasyon. Inakala ni Tang Ruochu na maghahanda si Lu Shijin ng sarili niyang kwarto, ngunit klaro naman na hindi ito ang balak niya. Alam niya na kailangan niya makipag hati ng kama kay Lu Shijin sa darating na panahon. Napuno siya ng hiya at ang pamumula sa kanyang pisngi ay lumala. Ang maputi at maliit niyang leeg ay bahagya ding napinturahan ng pula. Tumingin si Lu Shijin sakanya na may maliit na ngiti nang makita niya kung gaano siya nahihiya. Nilagay niya ang kamay niya sa ilalim ng kanyang baba at sinabing, “Mrs., pinangako kong hindi kita gagalawin pero sinusubukan mo ang pasensya ko dahil sa itsura mo ngayon.” Ang boses niya ay napakalambing at napakababa. Parang tunog ng isang mahimig na cello. Naramdaman niya ang mainit na paghinga ni Lu Shijin at nalanghap ang preskong amoy ng kanyang cologne. Nararamdaman niya ang matipunong presensya niya, na punong puno ng panghahalina. Saglit na napatigil ang puso niya at bigla siya dinapuan ng kaba. Hindi siya mangmang kaya’t alam niya kung saan ito papunta. Hindi niya mapigilang lumunok at manginig, hindi niya alam kung ano ang itutugon niya. Isang ilaw ng kasiyahan ang dumaan sa mata ni Lu Shijin nang makita niya ang pagka kaba ni Tang Ruochu. At sa kanyang pagkagulat, binitawan siya ni Lu Shijin at sinabing, “Wag kang mag alala. Hindi kita gagalawin dahil nangako ako, at tumutupad ako sa usapan.” Patago siyang napahinga ng maluwag sa mga sinabi ni Lu Shijin at napagpasalamat sa kanyang pagiging maginoo. Sila ay kasal na na pero tila si Lu Shijin lamang ang nagsisikap para sa buhay mag asawa nilang dalawa, tulad ng paghahanda niya ng romantikong dinner sa wedding night nila, paglalagay ng dekorasyon sa kanilang kwarto, at pumunta rin siya sa kumpanya ni Tang Ruochu para sagipin siya kahit na kakatapos lang nila makuha ang kanilang marriage license... Si Tang Ruochu ang nag alok ng kasal sa kanya pero wala pa siyang nagawa para kay Lu Shijin habang siya ay patuloy na nagbibigay sakanya. Bakit kaya? Naglakas loob si Tang Ruochu at tila nakapagpasya na siya at ang mga kamay niya ay biglang tumungo at hinila ang dulo ng damit ni Lu Shijin. “Hmm?” ang pagkagulat ni Lu Shijin. ... Tumingin sa sahig si Tang Ruochu at nahihiyan sinabi na, “Sa totoo lang, kung gusto mo talaga, hindi… naman ako tatanggi sayo. Mag… mag asawa tayo, kaya kung… mangyayari rin naman ito, magiging ayos lang ako… kung meron tayong… gagawin…”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.