Kabanata 138
Dahil sa epekto ng tranquilizer, hindi alam ni Madeline kung gaano katagal siyang walang malay.
Noong magising siya, manhid ang pakiramdam ng kanyang braso. Pagkatapos, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang mga mata.
Dahandahan niyang minulat ang kanyang mga mata at napansin niya na nanlalabo ang paningin niya. Halos wala na nga siyang makita.
Bangungot lang ba ang nangyari?
Noong maalala niya ang sinabi ni Meredith bago siya mawalan ng malay, mabilis na umupo si Madeline at binalewala ang kanyang mga sugat. Kinapa-kapa ni Madeline ang sahig sa gitna ng kadiliman.
Yung larawan…
Ang larawan ng anak niya!
Nagsimulang siyang hanapin ang larawan sa dilim. Subalit, wala siyang nakita o naramdaman na kahit ano.
Kinuha niya ang phone niya mula sa kanyang bulsa at nagnadali siyang buksan ang screen nito. Subalit, hindi nagbukas ang screen nito. Naubusan kaya 'to ng baterya?
Habang nag-iisip-isip siya, nakapa niya ang isang bagay na parang isang card. Sigurado siya na i
Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link