Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 145

Kailangan lang ni Perseus ang upahan ito sa loob ng isang taon, o hindi bababa sa kalahating taon. “Dito idaraos ang engradnebg kasal ng ex-girlfriend ko. Gusto ko siyang bigyan ng malaking regalo.” “Oh?” Alam ni Liam na may kakaiba sa ekspresyon ni Perseus. Saglit siyang nag-isip bago nagtanong, “Girlfriend mo si Rochelle Koch? Sa ika-20 ng Mayo ba ang kasal niya?” “Oo.” Tumango si Perseus. “Mangyayari sa buwang ito, sampung araw mula ngayon.” “Makakasakit bang itanong kung anong nangyari sa inyong dalawa?” Sa totoo lang, ang mga lalaki ay hayok din sa tsismis gaya ng mga babae. Si Liam ay hindi eksepsiyon. “Natanong mo na ehh, paano kung nakakasakit nga?” Inilibot ni Perseus ang mga mata kay Liam at nagsindi ng sigarilyo. Naging malamig ang kanyang tingin, at naging garalgal ang kanyang boses. “Tatlong taon na ang nakalilipas, noong mga intern kami sa Beacon Hospital, piangsamantalahan siya ng grupo ng mga gangster. Binugbog ko sila at nasentensiyahan ako ng tatlong taon sa bi

Locked chapters

Download the Webfic App to unlock even more exciting content

Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.