Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 11

”Binigyan kita ng pagkakataon, pero hindi mo iyon pinahalagahan. ‘Wag mo akong sisisihin sa mga susunod na mangyayari.” Nang matapos si Perseus sa kanyang sigarilyo, inilabas niya ang kanyang telepono—isang mas lumang modelo ng Nokia—at naghanda na tawagan si Charles. Ang totoo niyan, kinontak niya na si Charles noong binili niya ang mga sigarilyo kanina. Nauna nang nasabihan ni Nancy si Charles sa paglilipat ng pagmamay-ari. Ginamit din ni Perseus ang pagkakataong maglibot sa kumpanya. Pagmamay-ari niya na ngayon ang Quantum Innovations, pagkatapos ng lahat. Kailangan niyang pagtuunan ng pansin kung paano gumagana ang mga bagay. Ang hindi inaasahan ni Perseus ay sina Catherine at Raymond ang kakutsaba ni Dean para lang pagkaisahan siya. Kailangan niyang puksain ang ganitong pag-uugali sa lugar ng trabaho bago ito lumala. Kumpanya na ngayon ni Perseus ang Quantum Innovations. Hindi niya hahayaang maging lugar ito para lumaki at lumala ang lason. “Hah! Binibigyan mo akong ng pagkakataon? Nabulok ba ang utak mo sa lahat ng oras na sinayang mo sa kulungan? Anong naisip ng dating presong tulad mo na may karapatan kang pagsalitaan ako nang ganiyan?” Kinuha ni Dean ang telepono niya para tawagan ang mga security guard. Sa sandaling iyon, ang pinto ay bumukas mula sa labas kasabay ng mahinang langitngit. Isang kalbo, medyo may edad na lalaki ang nagmamadaling pumasok sa opisina. “Mr. Stout!” Tawag ni Dean sa lalaki na halatang nagulat sa presensya nito. Sa kasamaang palad para sa kanya, si Charles ay hindi nag-abalang sumulyap sa kanyang direksyon. Sa halip, mabilis siyang lumapit kay Perseus. “Hello, Mr. Caitford! Pasensya na talaga. Naipit ako sa trapiko ngayon lang, kaya pinaghintay tuloy kita. Pasensya na talaga doon.” Nakita na ni Charles ang larawan ni Perseus noon. Matapos ilipat ni Nancy ang mga karapatan sa pagmamay-ari ng Quantum Innovations kay Perseus kahapon, pinunan niya si Charles sa lahat. Kaya naman alam niyang si Perseus, na nakasuot ng payak at lumang damit, ang tunay na may-ari ng kumpanya. “Ayos lang. Kararating ko lang din.” Kinamayan ni Perseus si Charles nang isang beses. Pagkatapos, lumingon siya kay Dean, na halos pumuti na agad ang kutis. Nagsimula ring mamuo ang mga butil ng pawis sa noo ng lalaki. Alam ni Dean na labis siyang nagkamali. Kakilala pala talaga ni Perseus si Charles. Ang masaklap pa ay si Charles ang gumagalang kay Perseus habang tinatawag siyang “Mr. Caitford” sa halip na banggitin ang kanyang pagkakakilanlan bilang dating preso. Mabilis na nagkaroon ng reaksyon si Dean sa pamamagitan ng pagbaligtad sa sitwasyong pabor sa kanya. “M-Mr. Caitford, dapat kanina sinabi mo pa sinabing kakilala mo si Mr. Stout—” “Huwag mo akong tawaging gano’n. Mas gusto ko yung mayabang ka at mainitin ang ulo mo. Maigi pang tawagin mo akong dating preso. Mas sanay ako na tinatawag mong ganoon,” pagsingit ni Perseus habang natatawa sa loob. Ito ba ang pakiramdam ng totoong kapangyarihan? Sapat na ang kilos at pananalita ni Charles para mabago ang panunuya at panlalait ni Dean kay Perseus nang baligtad na para bang isa siyang pipi. Ang kanyang kayabangan ay agad na naglaho, na para bang hindi ito umiral. “Ano? Nangyari ba talaga iyon?” Biglang nagalit si Charles. Hindi siya tanga; alam niya ang umiiral na mga problema na naroroon sa lugar ng trabaho. Talagang may mga isyu sa Quantum Innovations, ngunit hindi gaanong pinansin ni Charles ang mga ito. Sa katunayan, nagpapanggap siyang hindi sila umiiral hangga’t walang anumang malalaking problema. Ang mga regular na empleyado ay nagtrabaho para sa pera. Ang mga manager, sa kabilang banda, ay nagtrabaho para sa parehong pera at kapangyarihan. Gustung-gusto nila ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kapangyarihan sa lahat. Hindi pinalad si Dean sa pagpiling tapakan ang mga daliri ni Perseus. Walang pakialam si Charles kung dating preso o hindi si Perseus. Ang alam lang niya ay si Perseus ang amo niya. “Hindi, Mr. Stout! Nag—” “Sisante ka na sa trabaho, Dean. Gusto kong mag-impake ka na at lisanin ang lugar na ito sa loob ng isang oras. Sasabihan ko ang finance department na ipadala ang sahod at severance fees sa account mo sa susunod na buwan.” Kailangang harapin ni Charles ang sitwasyong ito nang naaangkop, dahil nandoon si Perseus. Gayundin, nais niyang ipakita ang kanyang kalupitan at pagiging desidido bilang mabuting tauhan. “Mr. Stout...” “Lumayas ka!” singhal ni Charles, kasinglaki ng mga plato ang kanyang mga mata. “Bibigyan lang kita ng isang oras! Huwag mo akong piliting ipatawag ang mga security guard para palayasin ka! Hmph!” Hindi na nakapagbitaw ng kahit isang salita si Dean pagkatapos noon. Sa ngayon, nagmistula siyang kahabag-habag, kinamumuhiang pipi. Saka niya nakita si Perseus na nakangiti sa kanya. Bilog ang mundo, iyon ay tiyak. Kaya lang, hindi inaasahan ni Dean na darating kaagad ang kapalit. “Mr. Caitford, bakit hindi ka pumunta sa opisina ko?” Naglaho agad ang malamig at mabagsik na kilos ni Charles. Lumingon siya kay Perseus nang may palakaibigang ngiti habang likas na napayuko. “Sige. Pangunahan mo.” Tumango si Perseus bilang tugon. Lumabas siya ng opisina na si Charles ang nangunguna nang hindi man lang sinusulyapan si Dean. Kahit na maaaring si Charles ang CEO ng Quantum Innovations, nagpanatili pa rin siya ng low profile. Kasing laki ng opisina niya ang kay Dean. Gayunpaman, naroon si Perseus bilang panauhin sa halip na interviewee. “Mr. Caitford, nandito ka ba para suriin ang finance accounts o ang database ng human resource?” Sinimulan ni Charles ang paghukay ng mga account book at ang mga opisyal na dokumento habang nagsasalita siya. “Wala naman sa mga iyon.” Nag-isip sandali si Perseus bago nagpatuloy, “Nandito talaga ako para maghanap ng trabaho. Bakit hindi mo ako bigyan ng posisyon sa trabaho?” “Mr. Caitford, huwag naman kayong magbiro ng ganiyan. Sa’yo ang kumpanyang ito. Anong klaseng posisyon ang gusto mo? Ikaw ang totoong CEO dito! Nandito lang ako para magtrabaho para sa’yo!” Umiling si Perseus at tinanggihan ang mungkahi ni Charles. “Hindi. Gusto ko lang ng regular na posisyon.” Kailangan niya ng katamtamang posisyon na nagpapahintulot sa kanya na panatilihing mababa ang kanyang profile. Una sa lahat, maaaring manatili si Perseus sa kumpanya at tumuklas ng higit pang umiiral ng mga problema upang masimulan niyang ayusin ang mga ito. Pangalawa sa lahat, kailangan lang niya ng trabaho para masiguro kina Egbert at Lindsay na maayos ang kanyang buhay. Kung hindi, mag-aalala sila sa kanya sa lahat ng oras. Sa wakas, kailangan niya ng hindi mapagkunwari na pagkakakilanlan upang makita ang tunay na kulay ng mga empleyado sa kumpanya. Ayaw niyang magsimula bilang CEO dahil masyado itong mataas para sa kanya. Sa wakas ay napagtanto ni Charles na si Perseus ay seryoso. “Ah, intensyon mo pala talagang maging regular na manggagawa. Saang department mo gustong magtrabaho?” “Aling departamento ang may flexible na oras ng pagtatrabaho?” Gusto lang ni Perseus ng trabaho. Ayaw niyang malimitahan ang kanyang kalayaan dahil dito. Kung tutuusin, kailangan niya ng mas maraming oras para makipagtuos siya kay Rochelle. Sa sandaling maayos ni Perseus ang kanyang buhay sa Neptuna, babayaran niya ang mga nagpakita ng kabaitan sa kanyang pamilya at maghihiganti sa mga nangahas na saktan sila sa nakalipas na tatlong taon. “Buweno, sales department iyon,” sagot ni Charles. “Ang mga empleyado sa pagbebenta ay hindi kailangang mag-clock in at out para sa trabaho. Ang kanilang KPI ay sapat na upang ipakita kung gaano sila kadedikado sa trabaho. “Gayunpaman, kung hindi nila maabot ang kanilang KPI para sa buwan, matatanggap lamang nila ang kanilang base salary na 2,000 dollars.” “Sige. Magtatrabaho ako sa sales department, kung ganoon. Sige na’t sabihan mo ang manager sa pagkakatanggap ko. Pupunta rin ako sa department para magpakilala. “Huwag mong sabihin ang tunay kong pagkatao, ha? Tandaan mo, ikaw pa rin ang CEO ng Quantum Innovations.” Nagdesisyon si Perseus doon mismo. Wala siyang planong gawing impyerno ang buhay nina Catherine at Raymond. Sa halip, nagpasya siyang obserbahan sila nang kaunti pa. Kahit anong mangyari, pinsan pa rin niya si Catherine. Kailangan niyang ipakita kay Randolph ang paggalang na nararapat dito. “Sige. Saglit lang, sir. Sasabihin ko sa sales manager na pumunta kaagad dito sa opisina.” Pagkatapos nito, may tinawagan si Charles sa harap ni Perseus. Isang matangkad at payat na babae ang pumasok sa opisina wala pang tatlong minuto. Tumayo agad si Perseus. Namangha siya sa kagandahan ng babae sa unang tingin. Siya ay lubhang napakarilag, pagkatapos ng lahat. Hindi lang siya matangkad at payat, pero wala ding kapintasan ang balat niya at hugis puso ang kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ay kumikinang na animo’y mga mahahalagang hiyas. Gayunpaman, ang matingkad na pulang kolorete na ginamit ng babae ay nagpapahiwatig na siya ay mataray at suplada na may maapoy na bahid sa kanyang personalidad. Lumipad ang kanyang tingin kay Perseus bago dumaong kay Charles. “Anong problema, Mr. Stout?” tanong niya. “Ms. Lawrence, ito ang bagong salang sa sales department, si Perseus Caitford. Malayong kamag-anak ko siya. Gabayan mo siya kapag may oras ka, ha? Anong masasabi mo?” Nakaisip si Charles ng kasinungalingan doon mismo. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang tahimik si Perseus sa halip na tumutol dito. “Malayong kamag-anak?” Agad na kumunot ang noo ni Faith Lawrence. Likas niyang gustong talikuran si Charles. “Hello, Ms. Lawrence. Ako si Perseus Caitford.” Nagkusa si Perseus na batiin si Faith habang nakaunat ang kamay. Sinigurado niyang may ngiti sa kanyang mga labi. “Kamusta.” Tumango si Faith sa kanya, kahit na hindi nawala ang pagsimangot nito. “Mr. Stout, maaari ko na siyang kunin sa ngayon, ngunit alam mo ang mga patakaran ko. Kung hindi niya maabot ang kanyang KPI sa loob ng susunod na tatlong buwan, hindi ako magpapakita sa kanya ng anumang awa at hindi ko pagbibigyan ang kanyang pride.” “Kung ganoon...” mukhang balisa si Charles. Hindi niya alam kung gaano kahusay si Perseus. “Kung hindi ka papayag sa mga kundisyon ko, aalis na ako ngayon.” Hindi binigyan ni Faith ng pagkakataon si Charles na paikutin ang mga bagay-bagay. Wala siyang panahon para gabayan ang mga baguhan, kung tutuusin. Ang mga taong sumali sa kumpanya sa pamamagitan ng mga koneksyon ay ang pinakamahirap pakitunguhan. Samantala, tumaas ang isang kilay ni Perseus. Bakas sa kanyang mga mata ang paghanga. “Ayos. Pumapayag ako sa mga kundisyon mo. Magre-resign ako kapag hindi ko naabot ang quota,” sabi niya para hindi na mahirapan pa si Charles.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.