Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 4

Dahil ipinagbabawal ng kasalukuyang regulasyon ang gender checks, palihim na binibigay ng Innerzen Medical Center ang ganitong serbisyo. Masasabi pa ngang kahit ang pinakamagagaling na beteranong doktor sa Innerzen Medical Center ay nahihirapang matukoy ang kasarian ng isang tatlong buwang fetus. Madalas na nauuwi sa gulo ang pagkakamali at kailangan nilang lunukin ang nalugi sa kanila habang binayaran nila ang mga pagkakamali nila. Sa huli, nagpasya silang mag-install ng imported na color ultrasound equipment sa basement para mabilis at madaling makakuha ng pera. Tumawa si Rachel, “Mr. Wright, bakit ka nag-aalala? Kung hindi ka kampante sa kakayahan mo, mas mababa ang tyansa ng lalaking to na tumama siya. Kahit na sugal ito, may limampung porsyentong tyansa para manalo.” Tumawa rin si Cyrus, “Kung takot si Mr. Wright, sundin natin ang dating patakaran at paghatian natin ang pantay ang bayad.” Kaninang nag-aalangan, biglang napakilos si Mr. Wright sa pang-aasar ni Cyrus. “Bakit ako matatakot sa isang talunang kagaya mo? Magiging katatawanan ako! Gusto mo lang pumili ng mahirap na kaso at subukan ang swerte mo, tama?” Umiling si Cyrus, “Ang malas ko nitong mga nagdaang taon, tignan natin kung magtatangka ka.” “Hindi ako takot sa isang askal, lalo na sa'yo. Magsimula na tayo.” Kinakabahan lumingon si Benedict kay Rachel na tusong tumingin naman sa kanya. Kaagad na gumaan ang pakiramdam niya. Agad-agad na pinasok ang buntis at ang asawa niya sa consultation room. Nakaupo roon sina Cyrus at Benedict na nakasuot ng puting coat kasama ng isang bihasang eksperto sa malapit. Ngumiti ang buntis, “Bakit tatlo ang doktor?” Ngumiti ang eksperto, “Kasalukuyang may promotion ang clinic namin. Nag-aalok kami ng libreng konsultasyon para sa mas tamang pagtukoy sa impormasyon ng bata.” Natuwa ang buntis na magkaroon ng libreng konsultasyon sa talong eksperto; napakaswerte niya. Sinuri ng bawat doktor ang kanyang pulso, at pagkatapos ay umalis sina Cyrus at Mr. Wright nang walang sinasabi. Patuloy na nagtanong ang eksperto tungkol sa iba pang mga detalye, na nakikibahagi sa tapatang pakikipag-usap. Pagbalik sa Serenity Suite, dalawang baso ang inilagay sa harap nila. Ang unang baso ay naglalaman ng pangunahing impormasyon, gaya ng kasarian, na may mga tala sa loob na nakabaligtad. Ang pangalawang baso ay naglalaman ng karagdagang impormasyon. Kung hindi matukoy sa unang baso ang panalo, bubuksan ang pangalawang baso, at ang nanalo ay pagpapasyahan batay sa impormasyong ibinigay. Magkakatrabaho ang lahat ng mga manonood, na may 20 doktor na nagtatrabaho sa klinika na nagsisilbing mga potensyal na hukom. Hangga't walang sinasadyang pandaraya, sa pangkalahatan ay wala namang mangyayaring makabuluhang pagkakamali. Nanigarilyo si Benedict at uminom ng kanyang tsaa. Napakakalmado niya at sinabing, "Sabi ko, Lord Cyrus, dahil gumagawa tayo ng charity, bakit buhay mo pa ang ipapalit mo? Ipaubaya mo na sa'kin ang asawa mo. Isa rin yung klase ng charity." Nagtawanan ang mga tao, ang lahat ay sabik na naghihintay sa palabas. "Oo, isandaang dolyar kada hulog, ang laki ng kita nito.” “May ilang magbabato ng ilang daang libo sa panig mo, kapag nanalo ka, mababayaran mo na ang utang mo.” Sa mga nakalipas na taon, sa paghina ng pamilya Johnson, gustong angkinin ng mga lalaki sa Herbal City ang kagandahan ni Zoey . Madalas nilang dinadalaw at niligawan si Zoey, ngunit tinatanggihan niya lang sila. "Ganyan ka ba kakampanteng mananalo?" Ngumisi si Cyrus. "Syempre. Hindi ba't dalawa o tatlong milyon ang nakuha ko sa iyo noon? Basta pumayag ka sa mga kondisyon ko, kaya kong itaas ang pusta sa 1.5 milyon," ani Benedict. Para kay ni Zoey, talagang handa siyang dumugo. Umiling si Cyrus nang nakangiti, "Hindi ako nagmamadali. Manalo na tayo ng barya ngayon at bayaran kita ng sampung beses sa hinaharap." Kung pumayag siyang gamitin si Zoey bilang pampusta, kasama ang mga karagdagang taya mula sa mga manonood, madaling mananalo si Cyrus ng dalawang milyon ngayon. Kaya nga nitong maibsan ang kasalukuyang krisis at mababayaran niya ang lahat ng utang niya. Gayunpaman, ang isang lalaki na ginamit ang kanyang asawa bilang taya ay mas masahol pa sa hayop. Si Cyrus, ang kilalang "dakilang medical expert", ay hindi kayang gumawa ng mga kasuklam-suklam na bagay. Sapat na ang paghihirap ni Zoey. Ayaw na niya siyang pahirapan o bastusin. "Mr. Wright, hindi ka man lang itinuturing na banta ni Cyrus," tumawa si Rachel. Hindi pamilyar ang pakiramdam ng Cyrus na ito. Isa pa rin siyang sugarol pero hindi na siya ganun katanga. Anong nangyari? Natulog siya nang parang baboy kagabi. Uminom ng tsaa si Cyrus, ngumiti, at nagsabing, "Hindi ko pinupuntirya si Mr. Wright. Ang lahat ng tao dito ang pinupuntirya ko. Babayaran ninyo kong lahat nang sampung ulit." Nanatili sa ere ng teahouse ang mga salitang ito sa loob ng tatlong segundo. Nagulat ang lahat sa pagmamayabang ni Cyrus. Pagkatapos ay nagtawanan ang paligid. Hindi napigilan ni Rachel na matawa at nagsabing, "Cyrus, kung kaya mong tanggalin sa'kin ang yaman ng pamilya ko, magagawa mo ang lahat ng gusto mo sa akin sa hinaharap." Tumawa din nang nakakaloko si Cyrus, nag-aalala siya na baka nagulantang sila nang sobra sa katapangan niya. Pinitik niya ang matangos na ilong ni Rachel at nagsabing, "Oo naman, huwag ka lang magmakaawa sa'kin kapag nangyari iyon." Tiningnan ni Rachel ang kanyang relo at sinabing, "Sa susunod na 15 minuto, lalabas na ang mga resulta. Pwede ka pang mangarap." Hindi nagtagal, dinala ng front desk nurse ang resulta ng ultrasound. Palihim na niyang tiningnan ang mga resulta at isang mapang-asar na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi. Tumayo siya roon at handang panoorin ang palabas. Mukhang natalo na naman ang talunang ito. Sinulyapan ni Benedict ang nurse, alam niyang nanalo siya. Kinuha niya ang report mula sa kanyang bag, sinulyapan ito, at itinulak iyon kay Cyrus. Pagkatapos, nang nakangiti, ibinunyag niya ang note sa baso na may nakasulat na, "Lalaki ang bata." "Cyrus, tingnan mo ang sarili mo. Aamin ka bang talo ka na?" Tinaas ni Rachel ang tasa ng tsaa niya habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Cyrus. Masyado siyang pamilyar sa ekspresyon ni Cyrus sa tuwing natatalo siya sa taya—isang naiinis at miserableng ekspresyon. Nagsimulang maghiyawan ang mga tao. "Haha, nawalan ka pa nga ng buhay ngayon." "May iba na sigurong magsasaya kasama ng asawa mo." "Balita ko virgin pa siya.” Si Cyrus, na walang gaanong reaksyon, ay tinignan ang imahe ng ultrasound, itinulak ito kay Rachel, at sinabing, "Rachel, i-double check mo para makita mo kung may mali." "Anong ibig mong sabihin? Pinagbibintangan mo ba akong nandaya?" Tanong ni Rachel nang may halong inis. "Gusto mo ba talagang banggitin ko sa'yo?" Isang matalim na kimang ang lumitaw sa mga mata ni Cyrus. Biglang kinilabutan si Rachel. Ang mabangis na tingin na ito ay isang bagay na hindi pa niya nakita mula sa kanya. Sa pagdududang may makita siyang mali, tumawa siya, "Huwag mong subukang maglaro nang madumi kapag natalo ka. Pwede ba magpakalalaki ka? Aminin mo ang pagkatalo mo. Ang reputasyon ng Innerzen Medical Center ay hindi isang bagay na maaari mong siraan." "Bakit ka nagsasayang ng oras para kausapin siya? Bilisan mo at dalhin mo na ang organ donation contract. Hayaan mo siyang maglaro nang madumi ngayon," sigaw ni Benedict. "Sige, mukhang masaya ang araw ngayon.” Nagmamadaling pumunta ang nurse sa opisina para kunin ang kontrata, at inhanda ang signing pen nang puno ng pananabik. Kung tutuusin, ito ang unang tanga na hindi lang nawalan ng pera kundi itinaya pa ang buhay niya simula nang magbukas ang Innerzen Medical Center. Akala ng lahat ay matatakot si Cyrus, ngunit ang nakakagulat, ngumiti siya nang hindi man lang natataranta. "Wag ka nang magpanggap, dalian mo na sa pagpirma. Naghihintay akong mabayaran. Simula ngayon, akin na ang buhay mo. Kung gusto mong iligtas ang kaawa-awa mong buhay, ibigay mo sa'kin ang asawa mo ngayong gabi," udyok ni Mr. Wright.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.