Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 15

"Syempre, dapat gastusin mo yan lahat. Hindi ba hindi bababa sa isandaang libo ang presyo ng isang set ng international designer evening gowns?" tanong ni Cyrus. Sa mahabang panahon na nanirahan siya sa kabundukan, hindi siya bihasa sa mga makamundong bagay. Ngunit mula sa panahong pinagaling niya ang mga mayayamang tagapagmana noon, hindi bababa sa isandaang libo ang halaga ng damit nila. Hindi dapat mas mababa ang asawa niya sa mga taong iyon. "Hindi, sobra yan. Ito lang ang pera natin," nagmamadaling sabi ni Zoey. "Zoey, hindi problema ang pera; wag kang mag-alala. Naaalala kong nakakasilaw ang kagandahan mo suot ng isang gown, mas maganda ka pa sa kahit sinong artista," sabi ni Cyrus. "Kailan mo pa ako nakitang naka-gown?" "Sa kasal natin. Gusto kitang kuminang at magulat ang lahat sa'yo, tapos mabawi mo ang dignidad mo sa harapan ng pamilya mo," nasasabik na sabi ni Cyrus. Hinanap niya sa alaala niya ang eksenang iyon. Hindi napigilan ni Zoey na maging emosyonal. Ang wedding dress na iyon ay ang pinakamagandang sandali ng buhay niya, at simula rin ng trahedya niya. Matapos ang paulit-ulit na pakiusap ni Cyrus, nagtapang si Zoey na lumabas at maghanap ng mga damit. Tatlong taon na siyang hindi nakakapunta sa malaking shopping mall, kadalasan lang siyang bumibili ng murang damit sa Amazon sa halagang ilang dosenang dolyar. Nang tinignan niya ang mga presyo na umaabot kaagad sa sampu-sampung libo sa mga luxury clothing boutique, hindi siya nagtangkang magtagal doon. Una, gumastos siya ng limang libong dolyar sa isang kumpletong set ng suit at leather na sapatos para kay Cyrus. Pagdating sa sarili niy at kay Mira, pagkatapos ng maingat na pag-iisip, gumastos lang siya ng tatlong libong dolyar, bumili ng isang set parent-child coats na kulay rosas na nagpatingkad sa kanila sa publiko. Sa matangkad na tindig niya, maputing balat, pambihirang pangangatawan, at eleganteng pag-uugali, anumang suotin niya ay nagkakaroon ng epekto nang sampung beses nang hindi nagmumukhang baduy. Ang natirang pera ay kailangan niyang ipunin para pigilang lumala ang komisyon ni Mira ... Sabado ng gabi, nang nagpalit si Zoey ng bagong damit niya para ipakita kay Cyrus, tila hindi siya nasisiyahan. "H-hindi ba maganda?" Kinabahan si Zoey. "Maganda ka sa kahit na ano. Pero kapag ganito ang suot mo, baka kutyain ka ng stepmother mo at mga kapatid mo," sabi ni Cyrus. “Sa tingin ko sapat na'to," pilit na ngumiti si Zoey at natakot na baka magbago ang isip ni Cyrus at magalit siya sa sandaling iyon. Hindi man lang umabot ng tatlong libong dolyar ang perang ginastos niya pambili ng damit sa mga nagdaang taon. Hindi siya nangahas na umasa ng mas engrande. Niyakap ni Mira ang leeg ni Cyrus at pinakiusapan siya, "Papa, huwag kang magalit. Maganda na si mama." Ngumiti si Cyrus at sinabing, "Hindi galit si Papa. Naisip ko lang na nararapat sa nanay mo ang mas magagandang damit. Tara na." Binuhat ni Zoey si Mira at nag-aalangang nagtanong, "Kahapon, nakakita ako ng smart wheelchair na nagkakahalaga ng mahigit 10 thousand dollars. Dahil may oras naman tayo ngayon, pwede ba tayong magtingin?" Kung hindi pumayag si Cyrus, hindi siya mangangahas na bilhin ito. "Zoey, naihanda ko na ang regalo ng papa mo. Dadating yun sa isang oras, at hindi na niya kakailanganing mag-wheelchair," sagot ni Cyrus. "Anong ibig mong sabihin na hindi na niya ito kakailanganin?" "Malalaman mo mamaya." Misteryosong ngumiti si Cyrus at kinuha si Mira mula sa mga bisig ni Zoey habang pinakawalan ang isang kamay niya para magpadala ng mensahe, "Ito ang young lord ng Hippocrates Sect. Mayroon ka na ngayong pagkakataong suklian ang pagligtas ko sa nanay mo. Sa loob ng dalawang oras, gusto kong makita ang pinakamahal na ladies' evening gown ng Summerland sa entrance ng Jorsproburgh Golden Hotel, ang mga sukat ni Zoey ay ang mga sumusunod: 86, 58, 88, 168 cm, 47 kg..." "Masusunod, Grand Doctor." Noong una, ayaw niyang maging masyadong pansinin, ngunit natural na gusto niya ang pinakamaganda dahil kumikilos na siya. Maganda ang timpla ni Zoey sa bus, nakikipagkwentuhan sila at nagtatawanan ni Mira. Lalo na't matagal na niyang hindi nakikita ang tatay niya. Inisip niya ang sariling sitwasyon ng pera niya at inisip na kahit na mag-alinlangan si Cyrus na gumastos ng pera sa mga regalo, hindi naman siya maisisisi ng tatay niya. Pagdating nila sa entrance ng Jorsproburgh Golden Hotel, madilim na sa labas. Isang prusisyon ng mga magagarang sasakyan, mula sa BMW hanggang Audis, ang pumasok. Sa mga dumalo, silang tatlo lang ang nakarating sakay ng bus. Pinigilan sila ng tatlong security guard, na nagtatanong, "Nandito ka ba para sa birthday celebration?" "Oo, ako si Zoey, ang panganay na babae ng birthday celebrant." Nagkatinginan ang mga security guard, na tila nakatanggap ng espesyal na utos. Kumaway sila at sumigaw, “Pag walang invitation, hindi pwedeng pumasok. Tumabi kayo." Malapit nang makipagtalo si Zoey; paano kasama ang sarili niyang anak sa birthday ng isang tatay? Nanatiling tahimik si Cyrus, tinignan ang oras, at sinabing, "Ayos lang. Papapasukin rin nila tayo." Pagpasok ng dalawang sasakyan, bumalik sila nang napansin nila ang pamilya. Sina Rachel at Sean, na kumakatawan sa Jorsproburgh Herbal City para sa pagdiriwang, ay nasa isang Land Rover. Nakasunod sa likuran nila ang Audi A8 nina Frederick at Cecilia. "Oh, diba si Ms. Clarke? Bakit hindi ka pumapasok?" kutya ni Rachel. Ibinaba ni Sean ang bintana ng kotse at ngumisi, "Pauwiin mo na ang walang kwentang lalaking yan at ang bata. Papapasukin kita.” Niyakap nang mahigpit ni Zoey si Mira dahil isa itong malamig na gabi. Sumagot siya, "Hindi na kailangan." Ano namang mabuting intention ang meron si Sean? Di ba malinaw na ito? "Sean, tignan mo ang damit niya. Napakabaduy, siguro mga murang segunda-manong damit lang yan. Papapasukin mo ba talaga siya? Hindi ka ba nag-aalalang mapahiya?" Pahayag ni Rachel. "Iyan ang napapapala mo at pinakasalan mo ang isang basura,” dagdag niya. Hindi na nakayanang manood ni Cecilia at sumigaw, "Kayong dalawa, tama na yan! Anong punto na pagdiinan niyo pa yan?” Gusto niyang tulungan si Zoey, pero hinila siya ni Frederick sa isang tabi at sinabing, "Huwag kang makisali. Baka magalit si Wallace kapag pumasok ang walang kwentang lalaking ito." Tumingin si Cecilia sa matalik niyang kaibigang nanginginig sa malamig na hangin, at naawa sa kanya. Pagkatapos makasama ang lalaking gaya ni Cyrus, alam niya kung gaano nagtiis si Zoey. Nagmamakaawa si Zoey, "Tito Lopez, pwede niyo ba akong papasukin? Gusto ko lang makita ang tatay ko. Aalis din ako pagkatapos.” "Zoey, ideya siguro to ng madrasta mo. Kalimutan mo na yan, umuwi ka na," sagot ni Frederick. Tumingin siya muli kay Cyrus, naalala niya ang mga walang lamang pangako niya, at pinagalitan siya, "Pumunta ka dito nang walang dala at naglakas-loob ka pa ring sumama sa pagdiriwang. Araw-araw ka na lang sumusuka ng kasinungalingan. Napakawalanghiya mo.” Pagkatapos makitang sisihin ng lahat ang tatay niya, umiyak si Mira, “Pakiusap, huwag niyong pagalitan ang tatay ko." Dumating si Mabel Lowe, ang madrasta ni Zoey, kasama ang kanyang anak na lalaki at anak na babae upang salubungin si Frederick sa sandaling iyon. Lalo na't mayroon silang matagal na pagkakaibigan sa Clarke family at mga importanteng kliyente sila ng pabrika ng halamang gamot. Sinaway ni Mabel si Mira, "Kung gusto mong umiyak, pumunta ka sa ibang lugar. Masayang okasyon to. Wag mong sirain ang okasyon, at wag ka nang umarteng parang pulubi." Binuhat ni Cyrus ang anak niya habang nakangiting itinuro ang langit, "Sweetie, huwag kang umiyak. Mukhang dumating na ang regalo ng lolo mo." "Anong regalo?" Tumingin si Mira sa direksyon na itinuro ng tatay niya, isang military green heavy-duty helicopter ang umikot sa kalangitan. Pinunasan ni Mira ang mga luha niya at tumawa. "Daddy, may dala bang regalo sa’tin ang helicopter na yan?" "Oo, tama ka." Tumingin si Cyrus sa malapit na Rolls Royce convoy, at sinabing, "Mukhang dumating na rin ang mga regalo para sa inyo ni Mama mo." Labis na napahiya si Zoey at bumulong, "Cyrus, pakiusap lang. Wag ka nang magsalita." Hawak ang kamay ng nanay niya, tumawa si Phoebe nang may luha sa kanyang mga mata. Maging ang mga security guard ay hindi napigilang tumawa. "Tito Lopez, Mr. Wood, Ms. Connell, tignan niyo. Sinusubukan niya pang lokohin ang anak niya. May karapatan ba ang isang lalaking tulad niya na dumalo sa birthday dinner?" sabi ni Phoebe. "Ganun na nga, hindi nagbago ang kayabangan ni Lord Cyrus." Nang di nila namamalayan, nagtipon ang dumaraming manonood na may mga matang puno ng pangungutya, pangmamata, at pagmamalaki, na para bang isang tsunami. Gusto ni Zoey na makahanap ng mapagtataguan. Nang nanginginig sa galit, kinuyom ni Mira ang maliliit na kamao niya at sinigawan silang ang lahat, "Hindi sinungaling ang tatay ko! Hindi niyo siya pwedeng insultuhin nang ganyan..." Hindi maintindihan ng batang babae kung bakit kung kailan nagbago na ang taray niya, tinatrato pa rin siya ng mga taong ito na parang basura. Dahil lang ba sa kapos siya sa pera, kaya mali ang lahat ng ginawa niya? Mahirap humarap sa problemang pinansyal, pero ibang usapan ang pagpapahiya sa gitna ng publiko. Hindi inasahan ni Zoey na mapoprotektahan ni Cyrus ang dignidad nila, pero hiniling niyang hindi na siya magdadala pa ng kahihiyan. "Mira, wag kang umiyak. Pasensya ka na. Hindi ka dapat sinama ni mama ngayong gabi. Uwi na tayo." Inagaw niya si Mira sa mga braso ni Cyrus at tumalikod na para umalis. Gayunpaman, humarang sa daan nila ang Rolls Royce na bumuo ng isang nakakatakot na pormasyon. Sampung Phantom ang nakabantay sa mahabang RV na huminto sa harapan ni Zoey. Bumaba ang isang dayuhang may magandang kasuotan habang sinusuri ang larawan sa phone niya. Magalang siyang nagtanong, "Hello, pwede ko bang matanong kung ikaw si Ms. Clarke?" "A-Ako si Ms. Clarke. Anong nangyayari?" Sa sandaling ito, nagulat si Zoey. Napaatras siya nang ilang hakbang habang hawak-hawak si Mira at halos madapa. Hindi na napigilan nina Mira at Zoey ang kanilang mga luha, sa sobrang kagustuhang makatakas sa lugar na ito na puno ng tsismis at kaguluhan. Nang walang oras para mag-isip, hinarap nila ang napakarangyang convoy—para kanino ba sila nandito?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.