Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 13

Habang nakikinig sa usapan ng dalawa, napangiti si Phoebe, "Tsk tsk, kung makaasta kayo para kayong may pera. Kahit may pera kayo, hindi niyo kayang bumili ng karne. Mas masarap pa ang kinakain ng aso ko kaysa sa pagkain niyo.” Nalaman ni Cyrus na nakakainis itong step sister ni Zoey. Sa kabila ng kagandahan niya, mahirap siyang pakisamahan dahil sa malakas na personalidad niya at matalim na dila, na parang bang naghahanap lang siya ng bugbog. "Phoebe, babayaran namin ang utang, pero huwag mong isiping pigilan kami ni Zoey na batiin si Dad ng happy birthday," deklara niya. Siyempre, hindi papayag si Phoebe. Dahil binabalak ng tatay nilang ianunsyo ang mana ng buong kayamanan ng pamilya sa handaan, hindi niya hahayaang gumawa ng anumang gulo si Zoey. "Walang kwenta kang manugang, tatlong taon kang hindi nakadalo sa kaarawan ni Dad. Ngayon namang nabalitaan mong paghahatian ang yaman ng pamilya, bigla kang naging interesado sa pera. Wala kang makukuha kahit isang sentimo. Matagal ka nang itinakwil ni Dad bilang anak," mapangmata niyang sagot. Walang balak si Zoey na gantihan siya. Ngunit hindi niya matiis na kutyain siya ni Phoebe. Ibinaba niya ang mga kubyertos niya, kinuha ang phone niya, at agad na inilipat ang pera sa tatay niya. Pagkatapos ay inabot niya ang phone niya kay Phoebe at sinabing, "Tingnan mo, nabayaran ko na ang 200-libong dolyar na utang ko. Talagang dadalo ako sa pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ni Papa." Saglit na natigilan si Phoebe, hindi niya inaasahan na talagang kaya itong bayaran ni Zoey. Hindi ba't nanghiram siya ng isang libong dolyar nang walang kahihiyan noon? "Ang tito ko ang mag-aayos ng birthday banquet. Ni hindi ka man lang makakapasok sa pinto." Tumayo si Cyrus at nagsabing, "Pakiusap, tulungan mo akong sabihin kay Dad nang personal. Maghahanda ako ng isang malaking regalo para sa kanya." "Sa kung anong meron ka? Isang malaking regalo?” Halos tumawa nang malakas si Phoebe. Gusto lang angkinin ng isang walang kwentang taong tulad ni Cyrus ang bahagi ng mana. Ano bang klaseng malaking regalo ang kaya niyang ibigay? "Oo, ako, si Cyrus. Nangangako akong isa itong malaking regalong higit pa sa inaasahan niyo," kampanteng sagot ni Cyrus. Pakiramdam ni Phoebe ay nagbago na si Cyrus. Nakakadiri siya noon, at lagi siyang sinusubukang ligawan. Ngayon, nagpakita siya ng makatarungang ere, na nagpahirap para sa kanyang matukoy kung alin ang tunay na Cyrus. Gayunpaman, hindi niya tatanggapin ang sinumang gustong makakuha ng kayamanan ng pamilya. Ngumisi siya, "Wala kang kwenta. Hindi mo mababaliktad ang buhay mo kahit anong mangyari. Naloko mo man si Zoey, ang tangang babaeng iyon, pero hindi mo ako kayang lokohin." Sumenyas si Cyrus na umalis na siya at sinabing, "Umalis ka na. Hindi magandang makitang masyadong sarkastiko ang ganito kabata-batang tao." "Hmph, kahit dumalo ka, ipapahiya mo lang ang sarili mo sa harap ng pamilya namin at mga kamag-anak," sagot ni Phoebe bago tumalikod at umalis. Tumingin si Zoey kay Cyrus, umiling-iling at bumuntong-hininga, "Pwede ba wag kang bigla-biglang nangangako? Kahit itapon mo rito ang buong 500 thousand na napanalunan mo, hindi ito maituturing na malaking regalo para sa tatay ko." "Nang sinabi kong isang malaking regalo, ang ibig kong sabihin ay-" Pinagmamasdan ni Cecilia ang buong sitwasyon mula sa sasakyan niya sa labas. Malaki na talaga ang pinagbago ni Cyrus. Dahil sa pagmamadali, nakalimutan niyang magpalit ng puting coat at nadiskubre siya ibago pa man pumasok. Naputol ang paliwanag ni Cyrus sa pagdating niya. "Cecilia, bakit ka nandito?" Mabilis na tumayo si Zoey na medyo emosyonal. Dahil nagpasya si Zoey na huwag makipaghiwalay para sa pag-aalaga kay Mira, si Cecilia, bilang kanyang matalik na kaibigan, ay nawalan ng pakialam sa kanya. Mahigit kalahating taon nang hindi nagkita ang dalawa. Matagal na siyang iniiwasan ng ibang mga kaibigan nila, sa takot na humiram siya ng pera sa kanila. "Nagpunta ako rito para hanapin si Cyrus," dumiretso sa usapan si Cecilia. "Pumunta ka para hanapin si Cyrus?" Nagulat si Zoey at hindi niya maisara ang bibig niya. Bago sila ikasal, tinutulan ni Cecilia ang ideya na magpakasal sila sa isa't isa. Hindi raw mapagkakatiwalaan ang isang babaerong tulad ni Cyrus. Kaya naman, bago pa man maging gastador si Cyrus ay minamaliit na siya ni Cecilia, lalo na nang winaldas niya ang yaman ng pamilya niya at inabuso niya ang asawa niya pagtagal. Pinunasan ni Cyrus ang bibig niya at ngumiti, "Dr. Lopez, hindi ka naparito para sa negosyo, tama?" Medyo nahiya si Cecilia. Pinalayas niya siya kaninang umaga lang, tapos ngayon ay walanghiya niyang inaalam ang paraang ginamit niya para gamutin ang rabies. “Pwede tayong mag-usap tungkol sa negosyo, pero kailangan mo munang sagutin ang mga tanong ko,” sabi niya. "Tungkol ba ito sa kalagayan ng bata?" tanong ni Cyrus. "Tama. Paano mo nagawa ito?” tanong ni Cecilia. Pagtingin niya sa kanya, nagsalita si Cyrus sa tono ng isang dakilang guro, "Dahil nag-aaral ka rin ng tradisyonal na medisina, alam mo bang 1800 taon ang nakalilipas, mayroong isang henyong doktor na nagngangalang Kuzdu na gumamot ng rabies gamit ang pamamaraang 'poison-toxin'?" "Alam ko yun. Pero ang problema, walang nagtagumpay dito pagkatapos niya. Kaya, maaasahan ba talaga ang alamat na ito?" tanong ni Cecilia. Pagkatapos magsalita ni Cecilia, naisip niyang napagtagpi-tagpi na niya ang lahat, "Kung ganun desperado mo lang na sinubukan, kinopya ito nang di mo nauunawaan, at umasang gagana ito sa bata. At sa swerte mo, nagkataong gumana ang paraang ito? Ngumisi si Cyrus, "Isipin mo ito ayon sa gusto mo, pero payo ko sa'yong huwag mo na itong subukan. Kapag nagkamali ka at may nawalan ng buhay, malaki ang malulugi sa negosyo niyo.” Ang kanyang misteryosong tono ay nagpalalim sa pagkalito ni Cecilia. "Alam mo ba ang kakaibang aspeto ng reseta na ito?" Tanong niya. Umiiwas sa pagsagot si Cyrus, "Mag-usap tayo tungkol sa negosyo." "Sige, basta sasabihin mo sa amin ang proseso ng panggagamot, at makikipagnegosyo ako sa'yo," sabi ni Cecilia. "Nakita mo na ba ang reseta?" Tanong niya. "Nakita ko na. Naiintindihan ko ang lahat, pero paano ka makakakuha ng Dragon White Herb? Mahirap kunin ang pambihirang halamang ito, at hindi ito kayang bilhin ng tatay ko," tanong ni Cecilia. "Huwag kang mag-alala. 10 gramo lang ang nireseta ko para sa bata. Ibibigay ko ito sa iyo, kumita nang kaunti para sa ospital, at tutulungan ko nang bahagya ang tatay mo." Ngumiti si Cyrus. Laking gulat ni Cecilia. Sa madaling salita, ibibigay ni Cyrus ang Dragon White Herb, kikita ng malaki para sa ospital, at, sa huli, hindi masyadong magiging malaki ang halaga ng 10 gramo. Maituturing itong pagkakawanggawa. Sa lahat ng nagdaang panahon, babaero lang ang tingin niya kay Cyrus.. Ngunit sa hindi inaasahan, matalas din pala ang isipan niya. Kahit na sa pagrereseta ng gamot, mayroon siyang madiskarteng plano na pumipilit sa ospital na makipagnegosyo sa kanya. "Hmph, kahit sa koneksyon ng tatay ko, hindi kami makakakuha ng tunay na Dragon White Herb. Anong punto ng panloloko mo?” sumbat ni Cecilia. "Hindi mo kailangang mag-alala. Pwede mong bayaran ang produkto pagdating nito. Ang isang 10-year-old na Dragon White Herb ay nagkakahalaga ng 500 thousand," paniniguro ni Cyrus. Akala ni Cecilia ay nagyayabang si Cyrus. Nang hindi ito siniseryoso, ngumiti lang siya at nagsabing,, "Walang problema. Hangga't makakapag-supply ka ng mga ganoong de-kalidad na produkto sa hinaharap, bibilhin namin ang lahat ng iyon." Habang nakikinig sa malapit, kumunot ang noo ni Zoey. Hindi sila makakahanap ng ganitong supplier. Dati, mura lang ang binebenta ng botika, mga pangkaraniwang halamang gamot tulad ng Notoginseng, Houttuynia herb, at Bupleurum. Bawat isa njro ay may presyong mula sampu-sampung dolyar hanggang dalawang daang dolyar. Para sa mga high-end na halamang gamot na may maraming hindi nalalamang katangian, hindi sila nangahas na mag-stock nang walang pamilyar na mga supplier. Noong nakaraan, hindi nila naibigay ang mga halamang gamot sa tamang oras, at medyo galit na si Frederick. Kapag sinadya silang paglaruan ni Cyrus ngayon, baka talagang magalit sila. Bukod pa rito, nagsusugal dati si Cyrus para sa mahahalagang halamang gamot at nawalan ng 20 milyong dolyar sa isang gabi. Paano nila siya hahayaang manggulo na naman? "Cecilia, huwag kang makinig sa kanya. Magsagawa na lang tayo ng regular na negosyo ng medicinal herbs. Kailangan ng kapital sa paghawak ng mamahaling herbs, na wala kami sa sandaling ito," sabi ni Zoey. Ngunit tila hindi payag si Cecilia na nakangiti at nagsabing, "Zoey, hindi kami makakagawa ng kasunduan sa mga murang supplier na nilipatan mo. Nacurious ako kung paano makukuha ni Cyrus ang tunay na Dragon White Herb." Sabik siyang malaman kung anong mga pakulo ang ginamit ni Cyrus para pagalingin ang maliit na bata. Medyo nawalan ng pag-asa si Zoey. Kung may isang aspeto man na hindi nagbago kay Cyrus, iyon ay ang hindi siya nakikinig sa kanya. "Ngayong Sabado na ang 60th birthday ng tatay ko, dalawang araw na lang mula ngayon. Plano mo bang gastusin ang natitirang pera sa pagbili ng Dragon White Herbs at dumalo sa birthday banquet nang walang dala?" Tanong niya kay Cyrus. Sumagot si Cyrus, "Paano magiging sapat ang 500 thousand dollars para sa regalo sa tatay mo?" Sagot ni Zoey, "Kung ganoon, ano pa bang meron ka? Handa ka na ba talagang ipahiya ang sarili mo sa publiko?" Nang hindi interesado sa karagdagang usapan, nilinis ni Zoey ang hapag kainan at naghugas ng pinggan. Alam ni Cyrus na kahit anong sabihin niya, hindi siya paniniwalaan ni Zoey. Noon, niloko ni Cyrus nang napakaraming beses si Zoey. Medyo nainip si Cecilia at nagtanong, "Ngayong nasa iyo na ang negosyo at handang magsabi ang tatay ko ng magandang salita tungkol sa iyo sa birthday banquet, maaari mo bang ipaliwanag ang proseso ng panggagamot sa bata?" Matapos magpaliwanag ni Cyrus, naiwan si Cecilia na nakatulala sa pwesto. "Cyrus, sinasadya mo ba akong lokohin? Pulso ng aso at live brain extraction, paanong naging posible iyon?"

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.